Mindanao Ni

Mindanao Ni Totoo, napapanahon, at makabuluhan. Sundan kami!

Ang Mindanao NI (News and Information) ay isang digital news platform na nagdadala ng mga balita, impormasyon, at kaganapan mula sa Mindanao, Pilipinas, at buong mundo.

01/09/2026

PSYCHOSOCIAL SUPPORT SA MGA PAARALAN, ISINUSULONG

Councilor Vlad Jimenez, humihiling ng komprehensibong mental health program sa Zamboanga City schools

Zamboanga City — Isinusulong ni Zamboanga City District 1 Councilor Atty. Vlad Jimenez ang isang resolusyon na humihiling sa tanggapan ni Mayor Khymer Olaso na magpatupad ng Comprehensive Psychosocial and Mental Health Support Program sa lahat ng pampubliko at pribadong basic education schools sa lungsod.

Layunin ng panukala na magkaroon ng mas organisado at tuloy-tuloy na psychosocial at mental health support para sa mga mag-aaral, katuwang ang Department of Education–Schools Division Office, City Health Office, CSWDO, CDRRMO, City GAD Office at iba pang kaugnay na tanggapan at pribadong institusyon.

Bahagi rin ng panukala ang pagbuo at pagsasapinal ng mga programa at mekanismo para sa mental health awareness, psychosocial intervention, referral at iba pang support services para sa mga estudyante.

📲 Para sa pinakabagong balita at mga kaganapan sa Mindanao, i-like at i-follow ang Mindanao NI.

01/09/2026

MOTOR RIDER, BUMANGGA SA SASAKYAN SA COTABATO CITY

CCTV, nakuhanan ang insidente sa Sinsuat Avenue–Muhammad Road

Cotabato City — Nakuhanan ng CCTV ang pagsalpok ng isang single motorcycle rider sa isang sasakyan noong gabi ng Linggo, Agosto 30, sa kanto ng Sinsuat Avenue at Muhammad Road, Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City.

Sa kuha ng CCTV, makikitang bumangga ang rider sa sasakyan na nagresulta sa insidente.

Wala pang inilabas na detalye tungkol sa kondisyon ng rider o kung may iba pang nasangkot sa aksidente.

📹 | Brgy. Mother Tamontaka

📲 Para sa pinakabagong balita at mga kaganapan sa Mindanao, i-like at i-follow ang Mindanao NI.

6 PATAY, ILANG IBA PA SUGATAN SA SALPUKAN SA DUMALINAOPassenger van, sumalpok sa wing van at mga motorsiklo sa gilid ng ...
01/09/2026

6 PATAY, ILANG IBA PA SUGATAN SA SALPUKAN SA DUMALINAO

Passenger van, sumalpok sa wing van at mga motorsiklo sa gilid ng National Highway

Dumalinao, Zamboanga del Sur — Anim na katao ang nasawi habang ilang iba pa ang sugatan matapos ang malagim na aksidente sa National Highway sa Barangay Paglaum, Dumalinao, Zamboanga del Sur, ngayong Martes ng tanghali, Setyembre 1, 2026.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Zamboanga del Sur Police Provincial Office (ZSPPO-PIO), patungong Pagadian City ang isang silver metallic passenger van mula Ipil, Zamboanga Sibugay nang umano’y mawalan ng kontrol ang driver.

Sumalpok ang van sa isang nakaparadang wing van at ilang motorsiklong nakahinto sa gilid ng kalsada.

Limang biktima ang idineklarang patay sa lugar ng insidente, habang isa pa ang binawian ng buhay pagdating sa ospital.

Samantala, isinugod sa iba't ibang pagamutan sa Pagadian City ang iba pang mga nasugatan para sa agarang pagpapagamot.

Hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at sugatan habang hinihintay ang abiso sa kanilang mga pamilya.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang buong pangyayari at sanhi ng aksidente.

📲 Para sa pinakabagong balita at mga kaganapan sa Mindanao, i-like at i-follow ang Mindanao NI.

01/09/2026

BINAHANG KASAL, TULOY PA RIN

Hindi naging hadlang ang baha sa pagsasama nina Mr. at Mrs. Chico matapos nilang ituloy ang kanilang kasal sa Parokya ng San Juan Bautista sa Hagonoy, Bulacan.

Umabot hanggang baiwang ang tubig sa loob ng simbahan, ngunit buong tapang na lumakad ang bride sa gitna ng baha para sa kanilang espesyal na araw.

Para hindi maging sagabal ang kaniyang wedding gown, inayos pa ito ng bride at itinuloy ang seremonya sa gitna ng tinaguriang “water aisle.”

Sa kabila ng sitwasyon, natuloy ang kanilang pangarap na kasal.

🎥 | Jojo Imus/Facebook

📲 Para sa pinakabagong balita at mga kaganapan sa Mindanao, i-like at i-follow ang Mindanao NI.

TINGNAN | Nasawi ang isang sitio leader at pastoral coordinator ng Parokya ng Matalam matapos tambangan at pagbabarilin ...
01/09/2026

TINGNAN | Nasawi ang isang sitio leader at pastoral coordinator ng Parokya ng Matalam matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Sitio Esrael, Barangay New Abra, Matalam, Cotabato, nitong nakaraang gabi.

Kinilala ang biktima bilang si Eduardo “Eddie” Balindres, na aktibong naglilingkod sa komunidad at simbahan.

Ayon sa paunang ulat, nagtamo siya ng maraming tama ng bala sa katawan na nagresulta sa kanyang pagkamatay. Matapos ang insidente, agad na tumakas ang mga salarin.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

📲 Para sa pinakabagong balita at mga kaganapan sa Mindanao, i-like at i-follow ang Mindanao NI.

01/09/2026
31/08/2026

PANOORIN | Pinangunahan ni Zamboanga City Mayor Khymer Olaso ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyal ng Council of the Greeks–Zamboanga City Inc. (COG-ZC) sa kanilang Induction of Officers 2026 nitong Agosto 31 sa Auto Grill, Nunez Street, Zamboanga City.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Olaso na bukas ang kanyang tanggapan sa mga fraternity at handang tumulong kung kinakailangan.

Hinimok din niya ang mga bagong opisyal na gamitin ang kanilang pamumuno para sa pagkakaisa, positibong paglilingkod at mas mapayapang komunidad.

📲 Para sa pinakabagong balita at mga kaganapan sa Mindanao, i-like at i-follow ang Mindanao NI.

COG-ZC, NAG-INDUCT NG BAGONG PAMUNUAN21 fraternities at sororities, nagkaisa para sa mapayapang ZamboangaZamboanga City ...
31/08/2026

COG-ZC, NAG-INDUCT NG BAGONG PAMUNUAN

21 fraternities at sororities, nagkaisa para sa mapayapang Zamboanga

Zamboanga City — Isinagawa nitong Lunes, Agosto 31, ang Induction of Officers 2026 ng Council of the Greeks–Zamboanga City Inc. (COG-ZC) sa Auto Grill, Nunez Street, Zamboanga City.

Dumalo sa okasyon si Zamboanga City Mayor Khymer Olaso, na miyembro rin ng Tyro Gyn Phi, kasama si businessman Kaiser Olaso at District 2 Councilor BG Guingona, na naghatid ng mensaheng inspirasyon sa mga bagong opisyal at miyembro ng organisasyon.

Binubuo ang COG-ZC ng 21 fraternities at sororities na nagkakaisa bilang isang umbrella organization upang palakasin ang ugnayan ng iba't ibang Greek organizations sa lungsod.

Sa kanyang mensahe, nanawagan si Councilor Guingona para sa tuluyang pagwawakas ng frat wars at anumang uri ng karahasan, at hinikayat ang mga miyembro na ituon ang kanilang pagkakaisa sa community service at mga programang makatutulong sa kabataan.

“Together, let us denounce frat wars, prohibit violence, and let’s work for a more peaceful and progressive Zamboanga City,” pahayag ni Guingona.

Ipinahayag din ng konsehal ang kanyang patuloy na suporta sa COG-ZC at sa mga programang naglalayong palakasin ang community involvement ng mga Greek organizations.

Kinikilala si Guingona bilang isa sa mga pangunahing lider at haligi ng coalition, kabilang ang lokal na chapter nito sa Western Mindanao State University (WMSU).

Sa pamamagitan ng COG-ZC, layunin ng mga fraternities at sororities na gawing mas makabuluhan ang kanilang organisasyon sa pamamagitan ng pagkakaisa, responsableng pamumuno at paglilingkod sa komunidad.

📷 | via Jung Francisco – Mindanao NI

📲 Para sa pinakabagong balita at mga kaganapan sa Mindanao, i-like at i-follow ang Mindanao NI.

TINGNAN | Apat na pasahero ang patuloy na pinaghahanap matapos mahulog sa ilog ang sinasakyan nilang Toyota Avanza nang ...
31/08/2026

TINGNAN | Apat na pasahero ang patuloy na pinaghahanap matapos mahulog sa ilog ang sinasakyan nilang Toyota Avanza nang bumigay ang Agana Bridge sa Barangay Tibag, Tarlac City noong Sabado ng gabi, Agosto 29.

Ayon sa Philippine Air Force, isang pasahero ang nailigtas at agad na isinugod sa Tarlac Provincial Hospital. Patuloy naman ang operasyon ng mga awtoridad para mahanap ang apat pang nawawala.

Bandang alas-8:32 ng gabi nang gumuho ang Agana Bridge habang malakas ang ulan at mabilis ang agos ng ilog na pinalala ng habagat.

Samantala, hindi pa rin madaanan ng mga motorista ang bahagi ng Aquino Bridge sa lungsod matapos itong masira isang araw bago ang insidente.

📷 | Tarlac City Government

📲 Para sa pinakabagong balita at mga kaganapan sa Mindanao, i-like at i-follow ang Mindanao NI.

31/08/2026

ABOT-TUHOD NA BAHA SA APALIT

Habagat, nagdulot ng patuloy na pag-ulan sa Pampanga

Apalit, Pampanga — Pumalo na sa abot-tuhod ang tubig-baha sa ilang bahagi ng Apalit, Pampanga ngayong Lunes, Agosto 31, dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng habagat.

Patuloy namang minomonitor ang sitwasyon habang nagpapatuloy ang pag-ulan sa lugar.

📹 | Rhonel Navalta

📲 Para sa pinakabagong balita at mga kaganapan sa Mindanao, i-like at i-follow ang Mindanao NI.

Address

Al Rigga
Dubai
00000

Telephone

+971523976338

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mindanao Ni posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Mindanao Ni:

Share