15/03/2026
ACCESS DENIED
Nakakalungkot. Nakakagalit.
Nabalitaan namin na may bazaar sa katabi naming building. Pinuntahan namin para sana makita kung anong mga stalls at shops ang meron. Pagdating ko doon ay narealize ko na may mga kaunting hagdan sa area bago makapasok at wala kahit isang rampa. Sinubukan naming humingi ng tulong sa security guard para sana buhatin na lang ang wheelchair ko pero humingi sila ng paumanhin dahil walang available na guard para tumulong. Umuwi na lang kami dahil rin sumama na ang loob ko.
Katulad din naman ako ng ibang residente ng DMCI Homes na nagbabayad para sa amenities na mayroon ang mga buildings ninyo pero bakit hindi pantay ang pagtrato ninyo sa mga wheelchair users na katulad ko? Talaga bang mahina ang implementasyon ng Batas Pambansa 344 (Accessibility Law) at nakalusot ang mga buildings ninyo na walang sapat na mga rampa. Pati nga ang lobby ay kaliangan ko pang umikot sa likod para lang makapasok. Mahirap na nga ay lalo pang pinapahirapan ang buhay ko.
Ilang ulit na rin akong nagreklamo sa kawalan ng PWD parking para sa mga wheelchair user driver na katulad ko. Hanggang ngayon ay wala pa ring permanenteng solusyon na ginagawa.
The reason why I got this place in the first place is for convenience. I try so hard to live as independently as I can because I hate asking for other people's help. I pay money for the same amenities abled people enjoy but I just feel excluded. Wheelchair users who want to be part of the community may be a minority but that does not mean you should count us out. I am here too. I am speaking out because I want things to change not just for me but also for other people like me who wish for accessibility and inclusivity. I hope you hear me out DMCI Homes