18/07/2026
Captain Barbell 🎬👀, ay may iba't ibang alter ego o taong mortal na nagmamay-ari ng mahiwagang barbell sa iba't ibang adaptasyon. Nakukuha nila ang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagbubuhat ng barbell at pagsigaw ng "Captain Barbell!"
Ang mga alter ego sa iba't ibang palabas at pelikula ay ang mga sumusunod:
"Tenteng" sa 1964 na pelikula si Tenteng (na ginampanan ng Comedy king na si Dolphy) ay isang payat na lalaki at laging binubully ng mga kapatid. Nagbago ang kanyang buhay matapos niyang pakawalan ang isang mahiwagang genie mula sa isang bote.
"Dario" Sa 1965 na Captain Barbell kontra Captain Bakal, ang aktor na si Carlos "Sonny" Padilla Jr. ang gumanap bilang si Dario, ang lumpo na alter-ego ng bida na si Captain Barbell (na ginampanan naman ni Willie Sotelo). Ang pelikulang ito ay isang klasikong sequel at adaptasyon ng Captain Barbell 1964.
"Tingting" Noong 1973, pinagbidahan ng Hari ng Komedya ng Pilipinas na si Dolphy ang pelikulang Captain Barbell, kung saan ginampanan niya ang dalawang papel: ang sakitin at laging binubully na si "Tingting" at ang kanyang superhero na alter-ego. Sa produksiyon ng sarili niyang RVQ Productions, pinagsama ng klasikong komedyang Tagalog na ito ang tradisyunal na kwento ng superhero ni Mars Ravelo at ang tatak-Dolphy na slapstick humor.
"Tenteng" ay isang ulila na nangunguha ng basura. Siya ay madalas na api at pinagtatawanan ng mga tao sa kanyang paligid dahil sa kanyang pisikal na pangangatawan. si Tenteng ay isang mahina at payat na pulubi na natagpuan ang isang mahiwagang barbell. Nang mabuhat niya ito, nagiging makapangyarihang superhero siya na lumalaban sa kasamaan. Si Herbert "Bistek" Bautista ang gumanap bilang Tenteng sa 1986 Captain Barbell .
"Enteng" isang mabait ngunit api-aping janitor na palaging tampulan ng tukso. Siya ay may lihim na pagtingin sa isang g**o na ginampanan ni Regine Velasquez at si Ogie Alcasid naman ang gumanap bilang Enteng sa Captain Barbell 2003.
"Teng / Potenciano Magtanggol" Ang alter ego sa 2006 TV series ng GMA Network na ginampanan ni Richard Gutierrez. Siya ay isang mahiyain at ordinaryong delivery boy na naging tagapagtanggol ng mga naaapi. Siya ay isang mapagkumbaba, masipag, at medyo insecure na binata na nagtatrabaho bilang isang handyman. Sa kabila ng mga pagsubok na kanyang kinakaharap, nananatili siyang may busilak na puso at may matinding hangaring makatulong sa kanyang kapwa.
https://www.facebook.com/UV1photos