26/02/2021
MAHALAGANG ANUNSYO
Bunsod ng mga kaganapan sa Marilaque, may mga bagong patakaran na ipapatupad ang pahinang ito ukol sa street photography. Bukod sa hindi pagpitik sa mga walang helmet, pagsalubong sa blind curve, pagovertake sa double-solid yellow lines, at paggawa ng mga delikadong stunts sa labas ng controlled environment na matagal nang pinapatupad ng pahinang ito at alinsunod sa patakaran ng Sierra Lens Photography, hindi na rin pipitikan ang mga sumusunod:
1. Pagpapasayad ng tuhod, kamay, side stand, center stand, at iba pang bahagi ng motorsiklo sa kalsada
2. Pagmamaneho ng nakatsinelas o nakahubad ang damit o may angkas na bata o pag angkas ng higit sa isa
3. Pagmamaneho ng walang side mirror, headlight, taillight, o signal lights
4. Pagmamaneho ng wala sa maayos na pagkakaupo o paggamit ng cellphone
5. Pagbalik balik o pagdaan ng higit sa dalawang beses sa bawat direksyon
6. Pagtitipon ng walang social distancing at paglabag sa IATF guidelines
Ang mga patakarang ito ay ipapatupad sa mga susunod na pitik sa kalsada. Ang reckless driving ay nagdudulot ng panganib hindi lang sa kapwa motorista, ngunit pati na rin sa mga nasa paligid nito at maging sa mga maniniyot.
Sa mga nais maglaro at subukin ang kanilang kakayahan, bukas ang Carmona Racing Circuit, Tarlac Circuit Hill, Batangas Racing Circuit, at Clark International Speedway para inyong mapagsanayan.
Sumusuporta ang pahinang ito sa mahigpit na pagpapatupad ng 50KPH speed limit sa Marilaque at sa mga batas trapiko. Malaking porsyento ng mga pitik sa pahinang ito ay pitik sa mga chill riders o group riders na ang tanging hanap lang ay makapagrelax at maenjoy ang pagbisita sa Marilaque o sa iba pang lugar.
Ang pitik ay hindi dapat maging ugat ng trahedya kundi ito dapat ay magdulot ng saya at magandang alaala.
Maraming Salamat sa inyong pagsuporta! Ride safe and responsibly!
Sierra Lens Photography
Marilaque Maniniyot Section
ctto