01/09/2022
Paradiso De Casiguran
📍San Ildefonso, Casiguran Aurora
🗺Google Map: Paradiso De Casiguran
🪷Entrance Fee: 50php
🪷Cottage: 500
🪷Cottage with room: 1500
🪷Tent pitching: 150
🌷Kung mag dadagdag po kayo ng isang araw cottage or tent pitching na lang ang babayaran. O kung ilang araw man po ang gusto niyong idagdag.
🌷Wala pong kuryente pero nag aalok si ate Ng ilaw na solar. May dala po kaming Christmas light. Kaya hindi na po kami kumuha ng ilaw. Kaya hindi ko po natanong kung may bayad ba yung ilaw😅
🌷Magdala na din po kayo ng power bank Kasi hindi kayo makakacharge.
🌷Bumili na din po kayo Ng mga needs niyo sa bayan(casiguran) palang. May tindahan naman po pero kunti lang available sa area nila.
🌷Isang oras pa po byahe papunta sa paradiso De casiguran pag galing sa bayan ng casigruran.
🌸May putol na tulay po doon. Mahihirapan po kayo dumaan pag high tide. Kaya antayin niyo na Lang po mag low tide. 6pm na po kami nakarating at Wala kaming idea na may ganoon pala kaming madadaanan kaya nag hanap na lang muna kami ng iba pang resort sa casapsapan beach kami nag stay nong gabi.
🌸Low tide: 9am-3pm and 9pm-1am
🌸High tide: 4pm-8pm and 2am-8am
🌸Pero mas okay kung maaga po kayo makakarating dun lalo na at Hindi niyo pa kabisado ang lugar sobrang dilim Kasi pag gabi at Wala masyadong mga bahay sa daan. Pero mababait naman po mga tao doon very friendly po sila.
🌸Sundan niyo lang po map niyo. Kung magtatanong man po kayo ang sabihin niyo po Dalugan Beach and Tidal Pool o San Ildefonso. Nong nagtatanong po Kasi kami Sitio Paraiso kami tinuturo at Hindi sila familiar sa Paradiso De Casiguran.
🌸May isang ATM machine po doon sa bayan ng Casiguran pero Sabi ni kuya hapon/Gabi lang daw bukas Ang ATM kasi Wala daw ilaw doon.
Tara sama ka sa byahe namin!
Any suggestions kung saan magandang pumunta?
🙏 Please like and subscribe pa share na din po para updated kayo sa byahe namin at sabay sabay nating puntahan ang magagandang lugar.