26/01/2026
Ang Dualtech Center po ay isang technical school sa loob ng Carmelray Industrial Park 1 Canlubang Calamba City, Laguna
Siya ang kauna-unahang nagtatag ng sistemang dual-training sa Pilipinas- dalawa ang lugar na pag aaralan ng kabataan- sa school at kumpanya
Naka tie up sa over 200 company partners ang Dualtech sa buong Pilipinas at mayroon ng 15,000 graduates na may kanya kanyang careers local man o abroad simula pa noong 1982.
2-Year Electromechanics Technology ang kursong pag aaralan- ito ay aktual na electrical, electronics at mechanical… sila ang nag fabricate, assemble, maintain, install, repair ng various production facilities sa loob ng kumpanya
6 months sila mag aaral ng Basic Skills Training Program- BSTP sa school-Dualtech (Mon to Fri 7am-4pm) para aralin ang basic electrical, electronics, mechanical at character formation
18 months naman nila iya apply sa company ang natutunan sa school. Ito ang Applied Stage Training Program o ASTP. Mon to Fri sila papasok sa company training at Sabado balik sa Dualtech para sa Values Formation
Makakatanggap ng P9,900 to P11,400 a month ang trainee pagnasa kumpanya na bilang allowance.
Pagkatapos ng 2 years training graduate na sya… kung saan nag training duon na magtratrabaho o sa isa sa over 200 companies na partner ng Dualtech.
Okeek
MGA GASTUSIN
Sa araw ng enrolment:
Medical P300.00
2 pcs uniform P660.00
Sa loob ng 6months BSTP
Boarding House - P1200- P1300/month bed space only
Pagkain- pwede magluto o bumili sa carinderia o cafeteria
Sa loob ng 18months ASTP- Babawasan ng P1,750/mo na tuition ang allowance:
Halimbawa:
P9,900 - P1,750 = P8,150 na lamang ang matatanggap
P11,400 - P1,750 = P9,650 pa ang matatanggap
Sa ganitong paraan ang trainee ang nagbayad ng tuition nya therefore sya rin ang nagpaaral sa sarili niya. KUMITA PA!
Bukod pa dito ang over time at ibang company benefits na makukuha ng trainees…
NATUTO NA, NAG TRAINING NA, MAY DIPLOMA NA, KUMITA PA at MAY TRABAHO PA.
ANG SCHOOL OPENING AY EVERYDAY pwede na pumasok ngayon!
Bisitahin ang aming www.dualtech.org.ph at i- like ang FB account- Dualtech Training Center Foundation, Inc.
TARA NA MAG ENROLL NA o i share ang bagay na ito sa mga kabataang 18-29 years old, nakatapos ng Gr 10, 11, 12, college level/graduates, ALS
Salamat Po.