Ang Mga Babaeng Walastik Kung Pumitik

Ang Mga Babaeng Walastik Kung Pumitik An Advertising Campaign Featuring Empowered Filipina Women in the Fields of Photography and Videography

Sneak peek ng mga walastik!Abangan…
15/05/2025

Sneak peek ng mga walastik!

Abangan…

14/05/2025

Eto ‘yung video na mapapa-‘Kaya pala WALASTIK 'tong mga eabab na 'to eh’ kayong lahat, beh.

Kilala n’yo na sila. Napanood n’yo na kung paano sila pumitik. Pero ngayon, mas palalakasin natin ang iMpAcT ng mga ebas nila lalo ngayong sama-sama na ang mga walastik wordz nila. Ibang klase ang banat dahil hindi lang camera ang hawak nila, kun'di pati pananaw.

Sa bawat sagot, maririnig n’yo kung paano maging babae sa isang industriya na laging may tanong kung “kaya ba niya?” Spoiler alert: Kaya. Hindi KAHIT babae sila; kun'di DAHIL babae sila.

Iba ang dating ng mga linya nila. Hindi pa-cool, pero sobrang astig.

Kaya kung gusto mong malaman kung paano maging WALASTIK hindi dahil sa ingay, kundi dahil sa lalim, karanasan, at leksyon — panoorin mo ‘to.

Ito yung video na malakas ang kutob kong makakapagpabago sa pananaw mo sa mga eabab na shooters. Ayun, manood ka na lang. Goods na 'yon.

09/05/2025

"Ah babae ka?... hindi para sa'yo ang ganitong trabaho"
Weh? Sino may sabi? Eh tuwang-tuwa nga 'yung bride noong nalaman na ako ang nasa side niya para magshoot.

Narito si Rio Morfe para i-DEBUNK ang cOmMoN MiScOnCepTiOnz na parating binabato sa mga kababaihang nagtatrabaho bilang photographer o videographer.

Ito ang trashtalk na gigising sa mga taong mababa ang tingin sa mga eabab na shooter ;)

06/05/2025

Rio Morfe
Photographer

Ito na siya, beh! Si Rio o kilala rin bilang haraya Magbanua—hindi lang basta-basta pumipitik, kun 'di marunong dumama. Mahilig siyang kumuha ng litrato ng mga babae, bata, at mga miyembro ng LGBTQIA+—'yung mga hindi laging binibigyan ng eksena, pero siya, binibigyan niya ng buong frame.

May isang beses, nakunan niya yung babae sa rally, 'yung mahinahong nakikipag-usap sa pulis. Chill lang, pero solid ang tindig. Parang sinasabi, “Hindi ako galit, pero alam ko ang ipinaglalaban ko.” From that shot alone, boom—ang lakas maka-"BABAE AKO AT ALAM KO ANG PINAGLALABAN KO"

At si Rio? Minsan nang pinaramdam sa kaniya na "pang lalaki lang 'yang ganyang field." Naku, beh, kung maka-pitik lang ‘tong si ate, parang sniper. Pero hindi para makipagpaligsahan—para lang ipakita na may lugar tayo sa likod (at harap!) ng kamera, periodt.

Sa madaling salita? Walang arte, pero may puso. At sa bawat kuha niya, ramdam mo: may saysay, may silbi, may pagmamahal.

Kilalanin at alamin kung paano pumitik nang may tindig ang isang Rio Morfe.

03/05/2025

Ano nga ba ang laman ng bag ng isang Aria Liv?

Camera lang ba? HAHAHAHA akala mo lang!
'Te, wag ka! May make-up din 'to at napaka-laking moisturizer! Kikay na eabab ang dating neto ni Ms. Aria. Kulang na lang pati make-up artist, palitan. Eme lang.

Panoorin kung paano buksan ni Ms. Aria ang kaniyang camera bag at ipakita kung gaano siya kakikay tuwing shoot!

30/04/2025

Aria Liv
Photographer

Sexy shoot? Wedding shoot? Streetstyle shoot? Name it, beh! Lahat yan kaya niyang gawin! Niche ng eabab na ito ang sexy shoot… oh diba? Saan ka pa? Ang lakas maka-WOMEN EMPOWERMENT no’n teh!

Kahit na minsan na siyang pagdudahan ng kapwa niya babae sa pagshushoot, ay hindi siya nagpatinag at mas lalo niyang pinakitaan ng katatagan niya bilang isang babaeng walastik kung pumitik.

Halina’t alamin ang istorya ng isang Aria Liv sa kung paano niya nakuha ang titulo ng pagiging babaeng walastik kung pumitik 😉

27/04/2025

Akala ko noon, camera lang sapat na…
Charot!
Kung alam ko lang, ang dami ko pa palang dapat alam at dapat meron bago ako naging photographer!

Buti na lang itong si Thalia Villalon, pinakita niya yung mga bagay na sana alam at meron na niya noon pa.

Mga simpleng gamit o tips — kung baga, survival kit ng mga gustong pumasok sa photography world!

Panoorin ang isang Thalia Villalon kung ano ano nga ba ang mga bagay o gamit na SANA ay matagal na siyang meron bago pa siya naging isang babaeng walastik kung pumitik

22/04/2025

Thalia Villalon
Photographer

Hindi lang event’s photographer ang EABAB na ito. Mapa-studio o saan man ‘yan, kaya niyang pumitik. Lamon na lamon ‘no? Hindi naranasan ng EA na ‘to na mamaliit dahil cOmPiDeNt ngani yan sha magpitik pitik ba?! Maliitin mo ‘yan sha, baka tingnan ka lang niya mula ulo hanggang paa dahil alam niya ang kakayahan niya bilang isang babaeng walastik kung pumitik. Kayang kaya niya hulihin ang mga sandaling hindi na mauulit. Kayang kaya niyang pitikin ang lahat ng nakikita niya nang may puso at diwa (PUSO AT DIWA?!). Mababa man o mataas ang anggulo, kayang kaya niya. SABI KO NGA KASI, LAHAT KAYA NIYA! Gano’n ‘yan sha kastrong.

Kilalanin ang isang Nathalia Villalon... isa sa mga BABAENG WALASTIK KUNG PUMITIK

Sisiguraduhing hindi lang make-up ang pupuriin ni client; kun'di pati ang outputs 😉
20/04/2025

Sisiguraduhing hindi lang make-up ang pupuriin ni client; kun'di pati ang outputs 😉

Address

Gentree Villas, General Trias
Cavite
4107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Mga Babaeng Walastik Kung Pumitik posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share