11/03/2025
Subukan n'yong magspend ng oras muli, kayong dalawa lang. Magkwentuhan tungkol kung paano at saan kayo nagkakilala, kung paano nagsimula ang lahat, at kung paano n'yo nalampasan ang mga pagsubok sa relasyon n'yo. Kasabay pa ng kulitan, harutan, at tawanan. Maraming bagay ang pwedeng unahin, pero bigyan n'yo rin ng oras ang relasyon n'yo, na kayong dalawa lang ang magkasama. Suyuin at pakiligin mo ulit siya, tulad ng kung paano mo siya nililigawan noon. I promise, malaki ang impact nito sa relasyon. 💛