Samahang Bahaghari-Quisao, Pililla, Rizal

Samahang Bahaghari-Quisao, Pililla, Rizal Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Samahang Bahaghari-Quisao, Pililla, Rizal, Dapitan.

Miyerkules Santo | Ika-tatlong Gavi ng Senakulo 2026Nais po naming ipagbigay alam na ang ating pong Senakulo ay magsisim...
01/04/2026

Miyerkules Santo | Ika-tatlong Gavi ng Senakulo 2026

Nais po naming ipagbigay alam na ang ating pong Senakulo ay magsisimula sa ganap na ika-8 ng gabi upang bigyang daan ang prosisyon ng ating Parokya, San Diego de Alcala.

Muli po tayong magkita-kita mamaya! Mag iingat po ang lahat lalo na po ang mga babyahe at nasa byahe, ingatan nawa tayo ng mahal na Panginoon 🙏🏻✨



Photo Highlights 📸✨Narito ang ilan sa mga kuha ng ating mga batang gumanap sa panimulang palabas ngayong Ikalawang Gabi ...
31/03/2026

Photo Highlights 📸✨

Narito ang ilan sa mga kuha ng ating mga batang gumanap sa panimulang palabas ngayong Ikalawang Gabi ng Senakulo 2026!

Sa murang edad ay kanilang naipamalas ang talento at debosyon sa muling pagbuhay ng mga makabuluhang tagpo. 🙌🏼❤️



Martes Santo | Ikalawang Gabi ng Senakulo 2026Inaanyayahan po namin ang lahat ng aming mga kabaranggay, karatig-barangga...
31/03/2026

Martes Santo | Ikalawang Gabi ng Senakulo 2026

Inaanyayahan po namin ang lahat ng aming mga kabaranggay, karatig-baranggay, at karatig-bayan na samahan kaming balikan at pagnilayan ang mga sakripisyo ng ating Panginoon.

Muli po tayong magkita sa ganap na ika-7:30 ng gabi.

Ang Samahang Bahaghari - Senakulista ay taos-pusong nagpapasalamat sa aming mga sponsors: sa Pamahalaang Bayan ng Pililla sa pangunguna ni Hon. John Masisin, sa aming Kapitan ng Barangay Quisao na si Hon. Alvin Ople, at sa Sangguniang Kabataan Chairman Joshua Ezrael Pascual.

Sama-sama nating damhin ang diwa ng pananampalataya at sakripisyo.



Photo Highlights 📸✨Mga sulyap mula sa Unang Gabi ng Senakulo 2026!Narito ang ilan sa mga tagpong nagbigay-buhay sa kwent...
31/03/2026

Photo Highlights 📸✨

Mga sulyap mula sa Unang Gabi ng Senakulo 2026!

Narito ang ilan sa mga tagpong nagbigay-buhay sa kwento ng pananampalataya at sakripisyo, handog ng Samahang Bahaghari Senakulista ng Quisao.



Ika-anim na Gabi!!!Huling Gabi ng Senakulo ngayong Semanasanta. Maraming salamat po sa mga Sponsors na patuloy na sumusu...
18/04/2025

Ika-anim na Gabi!!!

Huling Gabi ng Senakulo ngayong Semanasanta. Maraming salamat po sa mga Sponsors na patuloy na sumusuporta at sa aming mga Kabarangay na patuloy na sumusubaybay sa bawat gabi!

Ika-limang GabiMaraming salamat po sa lahat ng mga Sponsors at aming mga Kabarangay sa patulog na suporta!
17/04/2025

Ika-limang Gabi

Maraming salamat po sa lahat ng mga Sponsors at aming mga Kabarangay sa patulog na suporta!

Ika-apat na GabiMaraming salamat po sa aming mga Sponsors na patuloy na sumusuporta sa aming Samahan 🙏🏼😊
16/04/2025

Ika-apat na Gabi

Maraming salamat po sa aming mga Sponsors na patuloy na sumusuporta sa aming Samahan 🙏🏼😊

Kasalukuyang Nagaganap❗️Ika-dalawang gabi ng Senakulo. Inaanyayahan po namin kayong lahat dito sa Quisao Plaza-Stage.Mar...
14/04/2025

Kasalukuyang Nagaganap❗️

Ika-dalawang gabi ng Senakulo. Inaanyayahan po namin kayong lahat dito sa Quisao Plaza-Stage.

Maraming salamat po sa aming mga Sponsors sa patuloy na pagsuporta sa Samahang Bahaghari Senakulista - Quisa 😊

Magandang Gabi mga Kabarangay!Nagsisimula na po ngayon ang ating unang gabi/palabas, inaanyayahan po namin kayong lahat....
13/04/2025

Magandang Gabi mga Kabarangay!

Nagsisimula na po ngayon ang ating unang gabi/palabas, inaanyayahan po namin kayong lahat. Dito po sa ating Quisao Plaza-Stage.

Isang pasasalamat din po sa aming mga Sponsors sa taunang supprta sa Samahang Bahaghari!

📣 PAANYAYA: Muling Paggugunita sa Pagmamahal at Sakripisyo ni Kristo ✝️Mga mahal naming Kabarangay ng Barangay Quisao, i...
10/04/2025

📣 PAANYAYA: Muling Paggugunita sa Pagmamahal at Sakripisyo ni Kristo ✝️

Mga mahal naming Kabarangay ng Barangay Quisao, iniimbitahan po namin kayong makiisa at makibahagi sa isang makabuluhang pagsasadula ng mga mahahalagang tagpo sa buhay at pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo.

📅 Unang Araw: Linggo, Abril 13, 2025
🕗 Oras: Ika-8 ng gabi
📍 Lugar: Barangay Quisao Plaza Stage
🎭 Pangunguna: Samahang Bahaghari Senakulista - Quisao

Ito po ay isang pagkakataong tayo'y muling magnilay at damhin ang tunay na diwa ng pananampalataya, pagmamahal, at sakripisyo. Nawa'y magsama-sama tayong lahat bilang isang komunidad sa banal na pagninilay na ito. ❤️

Tara na, Kabarangay! Damhin natin ang kwento ng kaligtasan.

Address

Dapitan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahang Bahaghari-Quisao, Pililla, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share