24/12/2025
🎄 Christmas Special: Handog Pagkain sa Kalsada 🎄(Dec 24, 2025)
Ngayong Kapaskuhan, pinili ng PYAP Bagumbayan na ipagdiwang ang Pasko sa pamamagitan ng pagbibigay. Sa halip na Christmas party, iniaalay namin ang aming selebrasyon sa isang makabuluhang adhikain—ang pamimigay ng pagkain para sa ating mga kababayang lumalaban ng patas.
Isang simpleng handog, ngunit puno ng pagmamahal, malasakit, at pag-asa, upang maipadama ang tunay na diwa ng Pasko—ang pagmamahalan at pagbibigayan.
Nais din po naming magpasalamat sa nag abot ng tulong upang matuloy ito:
Mayor Jon-Jon Ferrer
Vice Mayor Jonas Labuguen
Konsehal Joel Prudente
Konsehal Jay Columna
Konsehal Kyle Salazar
BM Kerby Salazar
Sa ating Punong Barangay Alain Barbuco at mga officers at miyembro na nag volunteer, maraming salamat po!