11/05/2026
𝐎𝐧 𝐀𝐢𝐫 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐆𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐈𝐦𝐮𝐬𝐞𝐧̃𝐨
Taos-pusong pagbati sa mga kinatawan ng Imus National High School na matagumpay na nagpakitang-gilas sa 𝑂𝑛 𝐴𝑖𝑟: 𝑇𝑉 𝐵𝑟𝑜𝑎𝑑𝑐𝑎𝑠𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑠𝑡𝑒𝑟𝑐𝑙𝑎𝑠𝑠 𝑎𝑛𝑑 𝐶𝑜𝑚𝑝𝑒𝑡𝑖𝑡𝑖𝑜𝑛 ng UP Broadcasting Association.
Sa kanilang husay sa pag-uulat, teknikal na aplikasyon, at malikhaing produksiyon, muli nilang pinatunayan ang galing ng mga Imuseñong mamamahayag at broadcasters. ✨
🏆 Overall Second Best TV Production
𝐵𝑎𝑛𝑦𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝐶𝑎𝑙𝑎𝑏𝑎𝑟𝑧𝑜𝑛 𝑃𝑎𝑛𝑖𝑡𝑖𝑘 𝐼𝑚𝑢𝑠𝑒𝑛𝑜 / 𝑇ℎ𝑒 𝐼𝑁𝐻𝑆 𝐿𝑒𝑡𝑡𝑒𝑟𝑠
🥈 Ryu Sebastein Pagtalunan
2𝑛𝑑 𝐵𝑒𝑠𝑡 𝑖𝑛 𝑇𝑒𝑐ℎ𝑛𝑖𝑐𝑎𝑙 𝐴𝑝𝑝𝑙𝑖𝑐𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 & 𝑇𝑒𝑐ℎ𝑛𝑖𝑐𝑎𝑙 𝐷𝑖𝑟𝑒𝑐𝑡𝑜𝑟
🥈 Ashantie Yhuri Realon Prestado
2𝑛𝑑 𝐵𝑒𝑠𝑡 𝑁𝑒𝑤𝑠 𝐴𝑛𝑐ℎ𝑜𝑟
Kasama rin sa tagumpay na ito sina:
✨ Princess Hannah Ballon Madoro
✨ Leila Cristina Cortez Verzosa
✨ Ellisha Chloe Dela Cruz Aballe
✨ Rafaelle Athena Amion Dominguito
✨ Rossette Angela Faderon Montances
sa paggabay ng kanilang mga School Paper Adviser na sina Dennis Jay Gumboc at Bealynne Mendiola.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng kanilang sipag, talento, at dedikasyon sa larangan ng broadcast journalism. Sa panahong mahalaga ang kredibilidad at integridad, higit sa anomang parangal ay ang pagpapanatili ng tunay na diwa ng pamamahayag; ang pagiging tapat sa impormasyon, patas sa paghahatid ng balita, at responsable sa pakikibahagi at pagbabahagi.