01/11/2022
H A L L O W E E N
Sa maka demonyong pagsasalarawan at mga katatakotang bagay nga ba o para pag-alala sa mga Santo ?
Unang-una ang Hallow ay old english term for Holy. Ang okasyon na ito ay ipinagdidiriwang upang alalahanin ang mga banal na namatay na. It is a Holy Eve for Saints gabi bago ang “ All Saints' Day ” kaya hindi nararapat na ang ipakita natin ay katatakutan o mga demonic na pagsasalarawan.
Sapagka't ito ay sinabayan lang ng mga kompanya sa western countries gamit ang mga produkto na mga cosmetics, wax, mask at makeups upang mapromote. Hanggang sa ito ay nag evolve at naging malayo na sa tunay na kahulogan.
Bilang isang Katoliko nararapat lamang na ang isalarawan natin ay ang mga Santo o banal na bagay ipakita natin ang orihinal na kahulogan nito.
Kung para sa atin ito ay upang katuwaan lamang at maging masaya tayo kung may event man.
Imbes na damitan natin ng mga demonyong mukha ang ating mga anak ay hikayatin natin sila sa Dios at ituro kung paano namuhay ang mga santo na naglilingkod sa Dios.
“Remember your prelates who have spoken the word of God to you; whose faith follow, considering the end of their conversation,”
— Hebrews 13:7 (DRA)
Dahil hindi ito originally na inilunsad para sa mga evil representation. Sinabihan tayo ng Biblia na alalahanin ang mga tagapagturo ng salita ng Dios at kung paano sila namuhay upang magaya natin sila.
Iwasan natin ang mga makademonyong paglalarawan o apperance.
“Abstain from all appearance of evil.”
— 1 Thessalonians 5:22
— Admin Christian