19/01/2026
Apat na araw. Apat na campus. Isang makabuluhang karanasan.
Maraming salamat po sa OB Montessori Center, sa tiwala at paanyaya na maging resource speaker ng CineSophia Acting & Cinematography Workshop Tour nitong January 13–16.
Napakalaking karangalan na makasama at makapagturo sa mga Grade 12 students na puno ng ideya, tanong, at tapang magkuwento. Sa bawat campus, ramdam ko ang dedikasyon ninyo sa paggawa ng pelikula at sa paghahanap ng sariling boses bilang mga artista at storyteller.
Maraming salamat din po sa mga g**o at organizers na naging katuwang sa bawat araw ng workshop.
Para sa mga estudyanteng nakasama ko, gusto ko ulit sabihin sa inyo na good luck sa paglikha ng inyong mga pelikula.
Nawa’y patuloy ninyong pahalagahan ang kuwento, intensyon, at katotohanan sa bawat eksena.
Tuloy lang sa paggawa ng pelikula. Mabuhay ang pelikulang Pilipino. 🎬