18/03/2026
Mula sa kalye, bitbit ang gitara at pangarap, si Franci Sanchez ay isang estudyanteng busker na lumalaban gamit ang sining.
Ang dating libangan ay naging tapat na pagpapahayag ng sarili at paraan upang maghatid ng ngiti sa mga estranghero.
Sa gitna ng hirap, ang kanyang paninindigan: “Mahirap talaga—pero gano’n talaga. Bawal sumuko.”
Tunghayan ang kanyang kwento sa “Kalabit Ng Kuwerdas,” isang maikling dokumentaryo mula sa Dagitab Productions.