NeverWilt Sining

NeverWilt Sining NeverWilt is a personal creative space page created by .2007

“ TULAY NG ALAALA ”Sa ilalim ng lilim ng matatandang puno, tahimik na dumadaloy ang batis sa ibaba ng munting tulay sa p...
07/03/2026

“ TULAY NG ALAALA ”
Sa ilalim ng lilim ng matatandang puno, tahimik na dumadaloy ang batis sa ibaba ng munting tulay sa parke.

May mga tulay na hindi lamang nagdurugtong ng dalawang pampang kundi naguugnay din ng kahapon at ngayon. Sa bawat hakbang sa ibabaw nito, may mga kwentong dumaan, mga alaalang saglit lamang, mga pangarap na pinagusapan, at mga tawanan na hindi madaling makalimutan.

Sa likod ng lente, ang mga sandaling ito ay hindi lamang tanawin. Sila’y mga alaala na dapat ingatan at panatilihin sa guniguni.

📸: Kodak Pixpro FZ55 | Raw output
Captured by: Gabrielle Ashley E. Ortañez

“ NAGLALAKO NG NGITI AT SAYA ”Sa parke ay puno ng katahimikan at kapayapaan.Mga pamilyang magkakasamang nagsisikain,mga ...
05/03/2026

“ NAGLALAKO NG NGITI AT SAYA ”
Sa parke ay puno ng katahimikan at kapayapaan.
Mga pamilyang magkakasamang nagsisikain,
mga magkakaibigang nagkukuwentuhan sa ilalim ng lilim ng mga puno,
at mga batang naglalaro, tumatakbo, at nagtatawanan.

Sa gitna ng lahat ay may dalawang tindero.
isang naglalako ng lobo, at isang nagtitinda ng sorbetes.
Naglakad at nagtrabaho silang dalawa buong araw sa parke.

Sandaling huminto,
umupo, nagpahinga,
at nagkukuwentuhan sa isa’t isa
patungkol sa kanilang trabaho, buhay, at mga pangarap para sa pamilya,
habang naghihintay sa susunod na mamimili.

Nagtatrabaho para sa pamilya, para sa sarili, para sa bukas,
at para sa ngiti at tawa ng bawat taong kanilang pinaglilingkuran.

Sila ang ilan sa mga tindero sa ating buhay
na nagpapasaya sa bawat pasyal natin.

📸: Kodak Pixpro FZ55
Taken by: Ashley E. Ortañez
raw output

Address

Marikina City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NeverWilt Sining posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category