15/05/2026
📢 TAG-ULAN REMINDERS SA MGA KA-THROTTLE! 🌧️🏍️
Mga Ka Throttle, dahil tag-ulan na, baha ang bookings pero baha rin ang disgrasya kung magpapadala sa pagmamadali. Paalala lang bago sumalang sa kalsada:
⚠️ Bawas Silinyador: Sobrang dulas ng kalsada ngayon. Huwag maging kampante, dahan-dahan lang ang patakbo.
🛡️ Double Defensive Driving: Asahan mong mas mahaba ang braking distance mo at ng mga kotse sa paligid. Agahan ang pagpreno.
🚦 Sumunod sa Batas Trapiko: Walang "singit-suicide." Iwasan ang mga biglaang liko o pilit na pag-overtake.
👨👩👧👦 Tandaan ang Uuwian: May nag-aabang sa ating pamilya sa bahay. Walang halaga ng insentibo ang ipapalit natin sa buhay natin at ng pasahero natin.
Ulan lang 'yan, Angkas Bikers tayo! Ride safe at God bless sa biyahe, mga ka-throttle! 🫡🔥