24/10/2023
"Kaibigan, kung babawian ka ng buhay ngayon, 100% pursyento ka bang tiyak ng Langit na patutunguhan?"
Kaibigan ito ay mahalagang iyong itanong sa iyong sarili. Maaari mong sabihin, “Mabait naman ako malamang doon ako pupunta, may relihiyon ako, baka sakaling dalhin ako noon sa langit!”
Kaibigan, ang bukas ay hindi natin tiyak, hindi dapat baka sakali, ito ay dapat mong tiyakin!
Aking ihahayag sayo ang APAT NA SIMPLENG KATOTOHANAN:
1. LAHAT NG TAO AY MAMAMATAY. “And as it is appointed unto men once to die.. Hebrews 9:27a KJV”. Iba’t iba nga lamang ang kaparaanan, ngunit lahat tayo ay papanaw. Mayroong namatay sa kasakitan, sa aksidente, sa kasakitan, at sa iba pang mga kaparaanan, ngunit wlaang makakatakas dito.
2. MAYROONG PAGHUHUKOM “Hebrews 9:27b KJV ..but after this the judgment: .” Kaibigan, lahat tayo ay haharap sa hukuman ng Panginoon, ang tanong ay handa kana ba sa pagsusulit na ito? Revelation 21:8 KJV “But the fearful, and unbelieving, and the abominable, and murderers, and whoremongers, and sorcerers, and idolaters, and all liars, shall have their part in the lake which burneth with fire and brimstone: which is the second death.” Ayon sa talatang ito, tayong lahat, OO TAYONG LAHAT, ay may parte sa lawa ng apoy at asupre na siyang ikalawang kamatayan! Kahit sa ating simpleng pagsisinungaling ang ating kahahantungan ay kaparusahan ng impyerno. Maaari mong sabihing “ hindi ako pupunta diyan, ako ay mabuting tao!” Malinaw sa talatang ito maliit man o malaking kasalanan ito parin an gating patutunguhan at ayon sa Isaiah 64:6 ang ating kabutihan ay maruming basahan lamang sa harapang ng Panginoon!
3. SI KRISTO AY NAMATAY SA KRUS PARA SAATIN, “So Christ was once offered to bear the sins of many; Hebrews 9:28 KJV” Dahil sa pagibig ng ng Diyos sa atin, ay kaniyang ibiginigay ang Kaniyang bugtong na anak na si Hesus upang mamatay sa krus para bayaran ang ating mga kasalanan na ang sinomang magtitiwala sa Kaniya ay hindi mapapahamak sa impyerno bagkus magkakaroon ng buhay na walang hanggan sa langit(John 3:16), Si Kristo ang tanging daan! Si Hesus ang daan katotoohanan, at ang buhay walang makaparoroon sa ama kundi sa pamamagitan Niya! (John 14:6) Si Kristo ay namatay, nilibing, at nabuhay, para saiyo at para saakin upang tayo ay maligtas, ito ang ebanghelyo (gospel) ni Hesus! 1 Cor. 15:1-4 KJV
4. KUNG TATANGGAPIN NATIN SIYA, AY MAKAKATAMO TAYO NG BUHAY NA WALANG HANGGAN SA LANGIT! “And unto them that look for him shall he appear the second time without sin unto salvation. Hebrews 9:28b KJV, Romans 6:23” Kaibigan, una nalaman natin na tayo ay makasalanan, at dahil sa ating mga kasalanan tayo ay patutungo sa impyerno, ngunit dahil mahal tayo ni Hesus ay ibinigay niya ang Kaniyang anak na si Hesus upang mamatay sa krus para sa ating mga kasalanan, na kung atin Siyang tatanggapin ay tayo ay makakasumpong ng buhay na walang hanggan sa langit. (John 3:16, John 14:6, Rom. 5:8)
Paano ko Siya tatanggapin? Una, aminin mo na ikaw ay makasalanan at magsisi sa iyong mga kasalanan, (Acts 20:21 KJV) Pangalawa, Sa pamamagitan ng iyong bibig ay tanggapin mo si Hesus na Siya lamang ang tanging makakapagligtas ng iyong buhay (Romans 10:9-13 KJV) “For whosoever shall call upon the name of the Lord shall be saved. Romans 10:13 KJV
Akin itong tatapusin sa isang pangyayari sa Bibliya, noong ipinako si Kristo sa krus ay mayroon Siyang katabing dalawang magnanakaw, (Luke 23: 39-43KJV) ang isa ay nagsabing “ Kung Diyos ka iligtas mo kami at ang iyong sarili!”ngunit sinaway siya ng isa at sinabing, Hindi kaba natatakot sa Diyos? Tayo ay nararapat na parushan dahil sa ating mga ginawang kasalanan, ngunit ang taong ito ay walang ginawang kasalanan, At sinabi niya “Panginoon alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong kaharian” at sinabi sa Kaniya ng Panginoon, katotohanan katotohanan, sinasabi ko saiyo, ipagsasama kita NGAYON sa paraiso. (Luke 23:39-43KJV)
Nakita natin dito na ang isa ay walang pagsisisi at ang isa ay nagsisi at kinilala si Hesus bilang Panginoon, at noong araw ding iyon ay nakamit NIya ang pangako ng Diyos na langit. Hindi na siya PUMASOK SA RELIHIYON, NAKAGAWA NG MABUTI Ephesians 2:8-9 KJV, kundi tanging PANANAMPALATAYA LAMANG KAY HESUS!!!
Kung gusto mong tanggapin si Hesus sa oras na ito ay manalangin ka ng kagay nito darekta sa Diyos. “ Panginoon, inaamin ko na ako ay makasalanan at dapat parusahan sa impyerno, ngunit nlalaman ko na si Hesus ay namatay sa Krus upang magbayad ng ating mga kasalanan, tinatanggap kita bilang sariling tagapagligtas ng aking buhay, tinatanggap ko po ang iyong regalo na buhay na walang hanggan sa langit, sa pangalan ni Hesus na aking tagapagligtas, Amen”
Kung tunay mong tinanggap si Hesus bilang sarili mong tagapagligtas, ay mayroon ka nang pangako ng langit (John 1:12 KJV) at ikaw ay naging anak na ng Diyos, at hindi kana mapapahamak sa impyerno! John 10:28-29KJV, Wala nang makakapag alis sa iyo sa kamay ng Panginoon. Ephesians 2:8-9 KJV
Bilang ligtas, kailangan mong lumago sa pananampalataya! Romans 10:17 KJV Una basahin moa ng iyong Bibliya, aming nirerekomenda ang KJV Version ng Bibliya, 1 Peter 2:2 KJV pangalawa, humanap ka ng simbahan na kung saan ikaw ay lalago sa pananampalataya, simbahang hindi TAO o GAWA ang itinataas kundi si Kristo lamang! A Bible Believing Church! At walang tinatago na talata o ibang rebelasyon o FOUNDER na itinataas o walang ibang PROPETA na itinataas maliban kay Kristo. Simbahan na itatama ka at hindi kikilitiin lamang ang iyong tainga.
Maaari mo kaming imessage patungkol dito.
Ibahagi mo din ito sa iba upang sila ay makatamo ng kaligtasan kay Kristo!
cpcbbc