11/04/2026
DAGDAG BED CAPACITY SA JBLMGH
Isinusulong ngayon sa k**ara ang House Bill No. 993 na naglalayong itaas ang antas ng Jose B. Lingad General Hospital (JBLMMC) na maging ganap na itong medical center.
Ipinasa ni Third District Rep. Mica Gonzales ang panukalang batas na ito. Kung magiging medical center tataas umano ang authorized bed capacity ng ospital mula 1,000 patungong 1,500 k**a na katumbas ng 50 porsiyentong pagtaas.
Layunin nito na mabawasan ang pagsisikip dahil sa dami ng mga pasyente at mapabuti ang access sa dekalidad na serbisyong medikal sa rehiyon.
Itinatampok din ng panukalang batas ang mahalagang papel ng JBLMMC bilang pangunahing “end-referral hospital” para sa buong Central Luzon. Bagama’t matatagpuan sa San Fernando, inaasahang mas marami pang pasyente mula sa karatig-lalawigan ang maseserbisyuhan nito.
Kalakip ng pag-upgrade ang pagpapalawak ng medical workforce, kabilang ang pagdaragdag ng mga doktor, nurse, at espesyalista upang matugunan ang lumalaking pangangailangan sa serbisyong pangkalusugan.
Nakasaad din sa panukala ang modernisasyon ng mga pasilidad at serbisyo upang umabot sa pamantayan ng isang tertiary medical center.
Sa oras na maisabatas, opisyal na kikilalanin ang institusyon bilang Jose B. Lingad Memorial Medical Center, na magpapataas sa antas at kakayahan nito sa pagbibigay ng specialized healthcare.
via Jenna Lumbang Parungao