03/08/2025
๐๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฎ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด
๐ซ โlganito ang kanyang sagot, โAng kagandahang-loob ko ay sapat na para sa iyo, sapagkat lubusang nahahayag ang aking kapangyarihan kapag ikaw ay mahina.โ Kaya't buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang manatili sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.
๐ฃ๐ข Alang-alang kay Cristo, ako'y may kasiyahan sa gitna ng mga kahinaan, mga pagkutya, mga kahirapan, pag-uusig at kagipitan. Sapagkat kapag ako ay mahina, doon ako nagiging malakas.โ
โ ๐ฎ ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ป๐๐ผ ๐ญ๐ฎ:๐ต-๐ญ๐ฌ
Ito ang testimonya ng kapatiran na si Jerico. Isang matibay na patunay na ang pagharap sa sarili ay isa sa pinakamabigat na laban sa buhay. Ibinahagi niya na ang pag-ahon mula sa kanyang mga pinagdaanan ay isang malupit na hakbang, isang hamon na sumusubok sa kanyang buong pagkatao. Ngunit sa halip na sumuko, nagpakatatag siya at pinili niyang kilalanin at mahalin ang Diyos. Sa pamamagitan ng pananampalataya at pag-ibig sa Kanya, nagawa niyang lampasan ang mga pagsubok at magkaroon ng panibagong lakas. Ang kanyang kwento ay inspirasyon na sa bawat paghihirap, ang tunay na tagumpay ay matatagpuan sa pananalig at pagmamahal sa Diyos na Siyang magbibigay ng kakayahang lampasan ang lahat.