04/07/2026
‼️MASELAN‼️
STAGE 4 BREAST CANCER PATIENT - SHEILA LOCAMBO
OPISYAL NA PAHAYAG NG JUAN SQUAD CARES at ng SAN FRANCISCO INFLUENCERS (Collaboration) Interview date: June 23, 2026
Isang mapagpalang araw sa ating buong komunidad at sa lahat ng ating mga tagasubaybay, kami po ang Juan Squad Cares ka-collab ang San Francisco Influencers (Quezon) ay lumalapit sa inyo ngayon, hindi bilang mga content creator, kundi bilang mga kapwa ninyo Pilipino na may pusong nagmamalasakit. Sa aming pag-iikot at paggawa ng mga content, mapalad po naming nakilala si ate Sheila Locambo, 36 taong gulang, mula sa barangay Huyon-Uyon San Francisco, Quezon. Siya po ay kasalukuyang nakikipaglaban sa isang malubhang karamdaman, ang Stage 4 Breast Cancer. Gusto po naming linawin na si ate Sheila ay hindi namin kamag-anak, hindi kaano-ano, at bago lang po namin nakilala. Wala po kaming personal na obligasyon sa kanya. Dagdag pa, binigyan din ang aming grupo ng permiso na isa-publiko ito. Naniniwala kami na ang pagtulong ay walang pinipiling dugo o ugnayan. Sapat na ang nakita namin ang kanyang laban, ang kanyang hirap, at ang kanyang pagnanais na mabuhay para mapukaw ang aming mga puso. Kaya naman ngayong araw amin itong bibigyang tugon. Bilang respeto narin sa Barangay na kung saan nakatira si ate Sheila ay minarapat po muna naming dumaan sa tanggapan ng Barangay ng Huyon-Uyon upang humingi ng permiso at upang maipabatid narin ang kalagayan ni ate Sheila. Dahil dito, buong-puso at may kababaang-loob kaming kumatok sa inyong mga puso. Ang platform na ibinigay ninyo sa amin bilang mga influencer ay nais naming gamitin para maging tulay ng pag-asa para sa kanya.
Sa Mga Nais Tumulong, Para sa mga nais magpa-abot ng tulong pinansyal, maaari po kayong personal na magmensahe sa amin.
O direktang magpadala ng tulong financial na bukal sa puso sa lehitimong gcash account,
Gcash Number: 09387516899
Gcash Account Name: Melvin Leanillo
PAALALA: Para sa transparency, lahat po ng tulong na papasok ay ire-record at ipapakita namin sa aming susunod na update upang masiguro na 100% ng inyong donasyon ay mapupunta sa pagpapagamot ni Ate Shiela. Kung wala naman po kayong kakayahang magbigay ng pinansyal, napakalaking tulong na po ang pagdarasal para sa kanyang kagalingan at ang pag-share ng post/video na ito upang maabot ang mga taong may kakayahang tumulong. Sa panahon ng kagipitan, walang tulong na maliit. Ang piso o limang piso na pagsasama-samahin natin ay pwedeng magdugtong sa buhay ng isang tao. Maraming, maraming salamat po sa inyong walang-sawang pagsuporta at sa inyong busilak na puso. Pagpalain po kayo ng Maykapal.
SAMAHAN NIYO PO KAMI sa laban ni Ate Sheila, "LABAN NG PAG-ASA, PISO MO AY MAHALAGA".
Gumagalang at Nagmamahal, Juan Squad Cares kasama ang San Francisco Influencers
Melvin Leanillo KuyaMac Vog Merilyn Bobis Esguerra Andy Rafol