07/05/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ฏ๐๐ง, ๐๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐ค๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ก๐๐ก๐๐ข๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ซ๐ฅ๐ข๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐๐ฅ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ
COTABATO CITY (Ika-6 ng Mayo, 2026) โ Sa gitna ng tumitinding paghahanda para sa halalan, rumatsada ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa isang malakihang caravan bilang pagpapakita ng lakas at determinasyon sa paghahain ng kanilang Certificate of Candidacy para sa BARMM parliamentary elections kasama ng kanilang mga tagasuporta patungo sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa BARMM Compound ngayong Mayo sais (6) ng 2026.
Ipinakita sa naturang aktibidad ang kahandaan ng partido na aktibong makilahok sa demokratikong proseso, na layong maisulong ang kapakanan at kinabukasan ng mamamayang Bangsamoro sa pamamagitan ng mapayapa at makabuluhang halalan.
Kabilang sa mga naghain ng kandidatura si Prof. Hashim Manticayan, na nagbahagi ng kanyang pananaw hinggil sa kanyang pagpasok sa larangan ng pulitika at sa patuloy na pagsusulong ng adbokasiya ng Moro Islamic Liberation Front (M**F).
Ayon kay Manticayan, matagal na niyang kinikilala at sinusuportahan ang layunin ng M**F, at naniniwala siyang ang kanilang pakikibaka ay nasa tamang direksyon. Aniya, mula sa armadong pakikibaka, ito ay unti-unting naisasalin sa demokratikong pamamaraan kung saan ang laban ay isinusulong na sa larangan ng pulitika.
โLabinlimang taong gulang pa lamang ako ay bahagi na ng M**F, at hanggang ngayon ay lalo pang tumitibay ang aking katapatan dito. Nakikita natin na ang pakikibaka ng M**F ay nasa tamang direksyonโtungo sa Islam at sa pagsusulong ng karapatan sa sariling pagpapasya. Noon ay nasa larangan tayo ng pakikibakang armado, ngunit ngayon ay tinatawagan tayong lumaban sa pamamagitan ng pulitikal na proseso,โ pahayag ni Manticayan.
Dagdag pa niya, bagamat ito ang kanyang unang pagsabak sa pulitika, itinuturing niya itong bahagi ng mas malawak na proseso ng political settlement sa Bangsamoro.
Hinikayat din niya ang mga mamamayan, partikular sa District 3 ng Cotabato City, na suportahan ang kanilang adbokasiya para sa inklusibo at pangmatagalang kaunlaran.
Binigyang-diin din ni Manticayan ang kahalagahan ng patuloy na pagpapatupad ng mga reporma sa ilalim ng normalization process sa pagitan ng M**F at ng pamahalaan ng Pilipinas.
Aniya, ang halalan ay isang mahalagang pagkakataon upang maisulong ang mga programang magpapabuti sa kalagayan ng mga komunidad sa rehiyon. (Noron M. Rajabuyan, BMN/BangsamoroToday.com)