08/06/2026
Paano magmahal si Mama?
Sobrang ramdam ko na mahal na mahal ako ni Mama, to the point na ina-assume ko na ako ang paborito niyang apo noong bata pa ako.
Nung nakatira ako sa kanya, lahat ng gamit niya ay gamit ko. Walang limits, basta pag kanya ay pwede kong gamitin, mula sa simpleng mga gamit sa pagkain, hanggang sa mga toiletries.
Kinuhanan niya ako ng sarili kong service, siguro sa iba, normal lang ito. Pero sa sitwasyon ko noon, hindi. Hindi naman kami mayaman, hindi ko din siya magulang, at pwede naman ako ipasabay ng sundo (Grade 4 or Grade 5 pa lang ako nito, kaya di pa ako nakakauwi magisa), pero may service ako, and it made me feel valued during a time that I felt alone. May times pa yata na nag-contribute siya sa tuition fee ko.
Lagi niya ako sinasama mamalengke. We are a big family, so parang big deal sa akin na ako yun sinasama niya, maybe it’s because I don’t really stay with her most of the week, and kapag nandun ako, she makes the most out of it, but people always have choices, and para magbitbit ng bata sa palengke na wala naman maitutulong, is a choice people do for people they really love.
One time, sinama niya ako sa Pandayan Bookshop, binilihan niya ako ng pen na at that time, hindi naman sobrang mahal, pero hindi din mura. Noon kasi, madalas lang akong magkaroon ng bagong gamit kapag pasukan, o kapag sira o ubos na ang gamit ko. As a stationary girlie, I was so elated!
Naaalala ko, tinawag siyang “Mother of Perpetual Help” ng mga Aunties ko, dahil sa sobrang generosity niya. Madalas siyang lapitan ng mga kamag-anak at mga kapitbahay, dahil mapagbigay siya talaga.
These are only some of the highlights of my experiences with Mama. She was such a wonderful Mama to us all. She made us all feel so loved.
Mama, you lived 93 wonderful and loving years, and though it’s long, it still feels not enough. We will miss you so much, and while our hearts are broken, we find comfort in knowing that you are no longer feeling any pain, that you are at peace, and resting with God. Aalalahanin ko palagi ang mga itinuro mo sa akin and the values I carry with me na galing sa’yo. We love you so much!