After 3

After 3 Huygens’ Film Production

15/02/2023

Nasaksihan mo na ba ang paglundag ng ating kapwang sina Juli at Kaya?

Kung hindi pa, mayroon ka pang dalawang araw upang humabol!

《 TA'RO'N FILMSHOWING 》

Upang hindi maJULI sa panonood, pinapaalalahanan ang lahat na mayroong mga susundo sa bawat pangkat na manonood limang minuto bago ang itinakdang oras. Ang maikling pelikula ay saktong ipapalabas sa nakatakdang oras upang maiwasan ang pagbabago ng iskedyul.

《 Tumatanggap ang aming pangkat ng "walk-ins" (mga hindi nagpareserve) ngunit ipinagbibigay alam namin na ito ngayon ay may karagdagang bayad. Para sa Bilyete ni Juli, ito ay nagkakahalaga na ng 30 piso at ang Bilyete ni Makarya naman ay nagkakahalaga na ng 60 piso. 》

Kung nakabili ka na o nakapagpa-reserve na ng Bilyete ni Juli, maaari itong ipa-upgrade upang maging Bilyete ni Makarya para sa mga inklusyong kalakip nito. Mangyaring ipakita lamang ang Bilyete ni Juli sa itinalagang komite, at magbigay ng karagdagang 30 piso.

Isang linggong nakalaan upang masaksihan ang paglundag.《 TA'RO'N FILMSHOWING 》 Narito ang nakatakdang oras at araw ng pa...
13/02/2023

Isang linggong nakalaan upang masaksihan ang paglundag.

《 TA'RO'N FILMSHOWING 》

Narito ang nakatakdang oras at araw ng panunuod ng bawat baitang at seksyon mula sa ating paaralan. Mula Lunes (Pebrero 13, 2023) hanggang Biyernes (Pebrero 17, 2023) ay bibigyang pagkakataon ang masa na masaksihan ang paglaktaw ng kumakawalang lagalag sa pader na naghihiwalay sa kahirapan at kasaganahan.

《 Tumatanggap ang aming pangkat ng "walk-ins" (mga hindi nagpareserve) ngunit ipinagbibigay alam namin na ito ngayon ay may karagdagang bayad. Para sa Bilyete ni Juli, ito ay nagkakahalaga na ng 30 piso at ang Bilyete ni Makarya naman ay nagkakahalaga na ng 60 piso. 》

Kung nakabili ka na o nakapagpa-reserve na ng Bilyete ni Juli, maaari itong ipa-upgrade upang maging Bilyete ni Makarya para sa mga inklusyong kalakip nito. Mangyaring ipakita lamang ang Bilyete ni Juli sa itinalagang komite, at magbigay ng karagdagang 30 piso.

Huwag magpapahuli, at sama-sama nating lundagin ang umaalingasaw na dingding papunta roon.

13/02/2023

PART 2: "Sino'ng bias mo?" 👀

Halina't alamin kung sinu-sino ang pinaka-kinapupusuang tauhan sa maikling pelikulang Ta' Ro'n ng After 3 Production!

Kung ayaw magpa-JULI, bisitahin ang aming FB page at IG account para sa mga detalye ukol sa pagbili ng tickets!

Nasasabik na kaming makilala kung sino ang magiging bias mo! Kitakits!

DON'T SKIP. NOW SHOWING!

12/02/2023

CUE MUSIC ON 3.. 2.. 1!🎼🎤🎸🥁🎶

Matapos bumida ng mga aktor ay silipin naman natin ngayon ang mga musikero sa likod ng produksyong ito! Halina't maki-jamming sa amin BUKAS sa unang pagpapalabas ng TA'RON!

《BEHIND ORIGINAL SOUND TRACK》

DON'T SKIP. 02.13.2023




Get your tickets now!
https://forms.gle/j5U1MUARaYikcAs7A

Ngayong ika-13 ng Pebrero, isisiwalat ang baho ng sistema; mamarkahan ang mga teritoryo; at gugulantangin ang mga nasa s...
08/02/2023

Ngayong ika-13 ng Pebrero, isisiwalat ang baho ng sistema; mamarkahan ang mga teritoryo; at gugulantangin ang mga nasa silya. Mula sa sanaysay na "Lundagin Mo, Baby" ni Gilda Cordero-Fernando, sa direksyon nina Hazel Hababag, Gwyneth Aragon, at Jewel Cuaterno, at sa panulat ni Ashley Montemayor, inihahandog ng After 3 Huygens' Production ang pagsasaling-dila ng isang kwentong gigimbal sa masa.

Handa na ba ang lahat na tumalon... papunta roon?

《 "TA' RO'N" OFFICIAL POSTER 》

DON'T SKIP. 02.13.2023

Get your tickets now!
https://forms.gle/j5U1MUARaYikcAs7A
https://forms.gle/j5U1MUARaYikcAs7A
https://forms.gle/j5U1MUARaYikcAs7A

06/02/2023

PART 1 : "Sino'ng bias mo?" 👀

Halina't alamin kung sino-sino ang pinaka-kinapupusuang tauhan sa maikling pelikulang Ta' Ro'n ng After 3 Production!

Kung ayaw magpa-JULI, bisitahin ang aming FB page at IG account para sa mga detalye ukol sa pagbili ng tickets!

Nasasabik na kaming makilala kung sino ang magiging bias mo! Kitakits!

DON'T SKIP. 02.13.2023

[TICKET SELLING] Bigyang-tuldok ang mahabang pagkabagot at maghanda para sa paglukso sapagkat tapos na ang pagbilang ng ...
31/01/2023

[TICKET SELLING]

Bigyang-tuldok ang mahabang pagkabagot at maghanda para sa paglukso sapagkat tapos na ang pagbilang ng tatlo!

Inihahandog ng After 3 Huygens' Production
《 TA'RO'N 》

MGA DETALYE NG BILYETE (TICKET):

🚌 BILYETE NI JULI
Php 20.00
Mga Kalakip:

- Movie pass
- Food booth pass
- Vandal wall pass

✈ BILYETE NI MAKARYA
Php 50.00
Mga Kalakip:

- Movie pass
- Food booth pass
- Vandal wall pass
- Front seats
- Free snacks
- Handmade Freebie

KARAGDAGANG IMPORMASYON:

🎯 Pahihintulutan ang "walk-in's" subalit magkakaroon ng karagdagang multa na sampung piso (Php 10.00) para sa pagbili ng alinman sa dalawang bilyete.

🎯 Ang aming Production Team ay maglilibot sa buong paaralan at magsasagawa ng "room-to-room" upang magbenta ng mga bilyete. Maaari kang bumili mula sa kanila o bisitahin kami sa aming silid-aralan (Ikalawang Gusali ng SHS, Ikalawang Palapag, 12-Huygens).

🎯 Maaari ring i-"scan" ang QR code na nasa larawan upang ma-"access" ang online reservation form.

Lundagin ang mga araw sa kalendaryo at markahan ang mga petsa ng opisyal na pagpapalabas ng pelikula!

02.13.2023 | 02.14.2023 | 02.15.2023 | 02.16.2023 | 02.17.2023

Saan ang punta? "PAPUNTA ROON" | Ikalawang Palapag sa Ikalawang Gusali ng SHS (12 - Huygens)

HUWAG MAGPAPA-JULI! KITAKITS!

28/01/2023

‼️ TW // blood ‼️

Langit, lupa, impyerno
Hugas-kamay, tulo ang dugo
Patay, buhay
Umiwas sa sanaw nang 'di pumanaw.

Langit... lupa... Huli ka na. Taya!




‹¦[MOOD SETTER #6]¦›

DON'T SKIP. 02.13.2023

28/01/2023

Kung magtitirik ako ng kandila para sa kaluluwa ng mga nasadlak na pangarap, tatapyasin ko ang balingkinitang mga daliring naging dahilan ng pagbagsak. Habang nahahalina sa saliw ng oyayi ang mga nasa ibaba, kabog ng dibdib ang nagsisilbing dambana para sa agunyas ng mga nasa itaas.

Malumbay na pagdating sa piitang gawa sa mga kahoy na bloke—kung saan ang kaligtasan ay ang pananatili sa laylayan, habang ang peligro ng pagguho ay ang paghahangad ng kalabisan.




‹¦[MOOD SETTER #5]¦›

DON'T SKIP. 02.13.2023

Address

San Pablo City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when After 3 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share