15/11/2023
Confession #121
"I fell inlove to a straight guy and got rejected"
Opo, tama po yung nasa Title HAHA.
So start tayo sa Time na Napunta ako sa workplace ko na to. There’s this one guy na nag caught ng attention ko, the way he smile was very attractive. Attitude wise check din. To make the story short I shoot a shot nakipag close ako sa kanya hanggang sa umabot na naging super close talaga kame and kinekwento ko na sa kanya lahat ng Rants ko sa buhay. Naging comfortable ako sa kanya at all. One Day nagkasakit ako and hindi ako nakapasok sa work, so i have to take a medical examination para makabalik sa work. Then during examination kinakabahan na ako kase totoong may nararamdaman na akong hindi goods sa health ko. then lumabas yung results at gaya ng inaasahan ko I have 2 implications (High blood and High uric Acid. Sa kanya ko unang sinabi yon, and nung nalaman nya naramdaman ko yung care nya. Pinagbawalan nya akong mag yosi and uminom which i did also kase it’s for my health narin. Nagulat nalang ako na nahinto ko rin lahat yon kase ramdam ko yung high monitoring nya sakin kase kapag sumuway ako May consequence. Nag tuloy tuloy yung ganong set up namin. Kumakain kame sa labas ng walang nakaka alam. Yung usap namin every night halos abutin na ng anong oras. And eventually as a baklang marupok i fell inlove. naramdaman ko na na nagiging special na sya sa paningin ko to the point na ginagawan ko ng paraan yung schedule namin para sabay kameng papasok and uuwi.
One night sumama ako sa mga kaibigan ko sa isang celebration and hindi sya kasama. Habang nag iinuman mga kaibigan ko, kausap ko sya. And then biglang dumating yung super BFF ko and pinipilit akong tumagay so as a marupok nga ininom ko.
Hanggang sa naparami na and nag yosi din ako thát night. Before ako umuwi i told him everything, inamin ko kung anong ginawa ko. And as expected nagalit sya. Lasing na lasing ako that time and hindi ko namalayan na umamin ako sa kanya na may gusto ako sa kanya. Nawala yung lasing ko nung nabasa ko na Gusto nya yung isa naming katrabaho. Nag tanong ako kung anong ibigsabihin ng lahat ng ginagawa nya sakin and his answer really makes me Broke. “Ginawa ko lang yon para maging close kame ni **** , kase close kayong dalawa”
Napa “ay sh*t” nalang ako eh. Sobrang sakit sakin kase pakiramdam ko pinaglaruan at ginamit ako. I was really broken at this moment and hindi ko alam pano ako makaka alis sa lungkot na to. That time i search to a place na pwede kong puntahan para mapaglabasan ng sama ng loob and i saw Kape Hingahan on a post. Today (Nov. 06) niyaya ko friend ko dito and ayon nagpunta kameng dalawa Nung pag tungtong ko palang sa Area parang gumaan na agad yung pakiramdam ko, I felt the air Na yumakap sa akin. While looking at the city View sobra akong amazed, ang sarap sa feeling na napunta ako sa ganong kataas na lugar. The area was really good. The serving was really really nice. The food is Good!
Ang sarap mag kwento at mag labas ng sama ng loob While looking at the night light. Obviously this place Healed my broken heart. Ngayon babalik ako ng Manila ng Buo ang desisyon na piliin muna ang sarili bago ang iba. Maraming salamat po kape hingahan. Totoong masarap huminga sa lugar nyo. Hanggang sa muli po. 🫶🏼☺️
- Markus
May kwentong Kape-Hingahan ka ba? I-submit sa link na ito ang iyong istorya at magkaroon ng pagkakataon na ma-feature ito sa aming page!
https://forms.gle/Jojgax6bg35ecbqD7