25/04/2026
TINGNAN: Ang taunang paglabas ng ipinagpipitagan at mapaghimalang imahen ng Virgen de la Inmaculada Concepcion na pinipintuho sa Bayan ng Concepcion, Tarlac sa taunang Pistang Bayan tuwing Abril 25.
Ang pagdiriwang ng Pistang Bayan o Fiestang B***n ng Bayan ng Concepcion, Tarlac ay nakaugat sa dekretong inilabas ng nooβy Arzobispo ng Maynila, Lubhang Kaggalanggalang Gregorio Meliton Martinez noong Abril 25, 1868, na nagsasaad na ang Simbahan ng Concepcion ay manatili sa kasalukuyan nitong kinatatayuan matapos ipetisyon ng mga mamamayan ng Concepcion na ilipat ang simbahan sa Barrio Santiago.
Ang dekreto ay iginalang ng mga mamamayan at tuluyang ipinagdiwang ang kanilang Pistang Bayan sa petsa ng pagpapatupad ng dekreto.
Kalaunan, ang Concepcion ay naging bahagi ng nooβy Diocesis ng San Fernando, Pampanga noong ang lalawigan ng Pampanga at mga karatig bayan ay inihiwalay mula sa Arquidiocesis ng Maynila upang bumuo ng panibagong sede sa pamamagitan ng Papal Bull na Probe Noscitur.