02/07/2026
" Bakit hindi agad naibibigay ang final photos at videos?”
Madalas akala ng iba, kapag tapos na ang shoot, tapos na rin ang trabaho. Pero doon pa lang talaga nagsisimula.
Ang editing ay hindi lang pang-ayos. Dito nabubuo ang estilo at identity ng photographer o videographer.
Dito ina-apply ang kulay, mood, at “look” na dahilan kung bakit ka pinili ng kliyente.
Dito rin inaayos ang mga hindi inaasahang nangyari. Photobombers, distractions, uneven lighting, at marami pang iba. Lahat yan parte ng realidad ng isang event.
Sa videography, mas lalong mahalaga ang editing. Dito tinatahi ang kwento. Ang emosyon, music, pacing, at daloy ng bawat eksena.
Bawat cut ay desisyon. Bawat segundo ay may ibig sabihin. At oo, oras ang puhunan. Minsan oras, minsan araw, minsan linggo. Hindi dahil mabagal, kundi dahil maingat.
At kung gusto talaga ng mabilis na output, may option. SDE o Same Day Edit. Pero may katumbas na halaga ang bilis at kalidad.
Sa huli, hindi lang ito tungkol sa delivery time. Ito ay tungkol sa pagbibigay-halaga sa alaala ng clients at pagrespeto sa proseso ng creatives.
Credit to the owner..