06/04/2026
πππππππππ ππ ππππππππ
05 Abril 2026 | Linggo ng Pagkabuhay
Ang prusisyon ng salubong ang hudyat na muling nabuhay ang Panginoong Hesukristo. Ito ay nagpapahayag ng muling pagkikita ni Hesukristo, kanyang mga apostoles, at higit sa lahat, ang muli nilang pagkikita ng kanyang inang si Birheng Maria.
Tinatapos nito ang pagluluksa ng mga apostoles na nanalig sa Kanyang mga aral, at ang pagluluksa ng isang ina para sa kanyang minamahal na anak, upang maghari ang kagalakan at maihayag ang mabuting balita sa lahat.