Southern Adrenalin

Southern Adrenalin An adventurous group of artists who is eager to explore and
branch out to echo an important message a

14/02/2023

Taong 2019, araw ng mga puso, ibinahagi namin ang WALWAL - A VALENTINE'S DAY SPECIAL HUGOT na isinulat ni MJ Pabilona. πŸ₯ƒ

Ngayong taon, masaya naming ibinabahagi ang LAMAN NG ALUNAN, isinulat ng pinakamamahal naming kaibigan na si MJ Pabilona, para sa mga taong patuloy na hinahanap ang sarili, itinatago ang tunay na nararamdaman gamit ang alak at ingay, naghahanap ng kasagutan sa mga katanungan sa buhay, mag-isang humaharap sa mga hamon, lunod sa kalungkutan, at patuloy na pinupunan ang kakulangan sa buhay. Higit sa lahat, isinulat ito bilang selebrasyon sa pagkakaibigan at wagas na pagmamalahan. Sa Alunan, maraming pagkakaibigan ang nabuo at relasyon ang tumibay. Sa Alunan, maraming puso ang sumaya, maraming iyak ang unti-unting napalitan ng pagtawa. πŸ»πŸ’–

We’re also sharing this in memory of our dear friend, the actor and writer of this masterpiece, MJ Pabilona. More than the drinks we’ve shared and music we vibed to, we remember and admire him for all the little things that make him an amazing friend, a very smart and talented writer, a loving son and brother, our incredible support system and confidante, our genuine angel. 🀍

LAMAN NG ALUNAN

Words by: Mj Pabilona
Video edited by: Katkat Sucayan
Location: Koronadal City, South Cotabato

Be gentle with yourself. You are doing the best you can. πŸ’―
19/04/2020

Be gentle with yourself. You are doing the best you can. πŸ’―

Happy Easter Sunday! Tandaan mo, kahit di ka niya mahal, mahal ka naman ng Panginoon. πŸ’―
12/04/2020

Happy Easter Sunday! Tandaan mo, kahit di ka niya mahal, mahal ka naman ng Panginoon. πŸ’―

14/02/2020

Isang taon na, mahal πŸ’”πŸ’”πŸ’”

23/12/2019

Para sa SMP - Samahan ng Malalamig ang Pasko

Para sa sakit na dinamdam natin ngayong taon,
Para sa lahat ng gustong sabihin pero hindi na pwede.
Para sa lahat ng gusto pang mahalin pero hindi na pwede.
Para sa mga pagmamahalang natapos ngayong taon.

Para sa mga unti-unting lumilimot, bumabangon, at nagmamahal muli... ❀️

Pumupunta talaga tayo sa beach hindi para magswimming. Pumupunta tayo sa beach kasi masakit pa rin. At gusto nating luma...
12/06/2019

Pumupunta talaga tayo sa beach hindi para magswimming. Pumupunta tayo sa beach kasi masakit pa rin. At gusto nating lumaya sa sakit. Kahit sandali lang. πŸ’―

Happy Independence Day sa lahat! Naway maging malaya na tayo sa mga bagay, tao, at ala-alang wala nang ginawa kundi saktan tayo. Kasi deserve nating lahat na maging masaya. πŸ‡΅πŸ‡­

- MJ

12/06/2019

Akala kasi nila kung ikaw ang nangiwan okay ka lang, na hindi ka nasaktan, na hindi ka nasasaktan.

Akala kasi nila kung ikaw ang bumitaw hindi ka talaga nagmahal ng totoo.

Kung alam lang nila kung gaano kasakit sayo na pagdesisyunan ang iyong paglisan. Kung ilang linggo kang walang tamang tulog sa sakit. Kung ilang beses mong pinigil umiyak sa labas. Kung ilang gabi mong pinigil gumawa ng ingay sa pag-iyak dahil ayaw mong may makarinig. Kung ilang beses mo sinira ang sarili mo kasi umaasa kang babalik siya. Kung gaano katagal kang umasa na isang araw tatawag siya at sasabihing mahal ka pa niya. Kung alam lang nila kung ilang beses ka nagtanong sa sarili mo kung anong kulang, kung bakit di ka man lang nagawang ipaglaban. Kung alam lang nila.

Kung alam mo lang.

Hindi man ngayon, hindi rin bukas, pero balang araw mapapalaya rin ang sakit na nararamdaman.

Hayaan mo akong masaktan, mahal. Pero ikaw, malaya ka na. Malaya ka nang magmahal ulit.



- Arielle

05/03/2019

A lot of you guys felt the melodramatic pain of Walwal. Now it's time for some angst!

Are you ready for our next release?

Here's the sneak peek of "Laman ng Alunan" a Walwal sequel.

13/02/2019

Aminin natin ang riyalidad na hindi lahat ng tao masayang umiibig ngayong buwan ng mga puso.
Marami ang patagong nasasaktan, nalulungkot, at patuloy na kinakain ng kabiguan.

Kaya alay ng Southern Adrenalin ang aming kauna-unahang obra maestra sa lahat ng magwawalwal ngayong buwan ng pag-ibig.

WALWAL - A VALENTINE'S DAY SPECIAL HUGOT

Words by: Mj Pabilona
Video edited by: Katkat Sucayan
Actress: Arielle Jazmine Balfermoso Roque
Location: Koronadal City, South Cotabato

https://youtu.be/TJfw96aKEOM

Address

Koronadal

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Southern Adrenalin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share