21/02/2024
Alas tres ng madaling araw pauwi na ako galing sa aking trabaho bilang call center agent. Madaling araw pa lang ay siksikan na agad. Nasa gilid ako ng kalsada ng mapansin ko ang isang batang nakatitig sakin. Ngumiti at kinawayan pa ako. Nginitian ko na lamang ito.
May huminto ng bus sa harap ko kaya sumakay na ako pero bago ako pumasok tinignan ko muna yung bata at nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi ko na lang pinansin at umupo na. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana at pinikit ang mata ko dahil sa sobrang pagod.
Pagdilat ko nagulat ako sa nakita ko dahil yung batang nakita ko kanina ay nakasakay na sa bus at kinakawayan na naman ako. Traffic ng oras na yun kaya katabi lang ng bus na sinasakyan ko ang bus kung saan sya naka sakay. Patuloy pa rin ito sa pag-ngiti. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan at laking pasasalamat ko dahil umusad na ang trapiko. Nauna na ang bus namin.
Bigla na lang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ulit yung bata. Nasa gilid ng upuan ko nakangiti pa rin siya sa akin. Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil kung kanina napaka amo ng mukha niya ngayon ay basag at duguan na.
--------------------
Title: Ang Bata
Words own by: Creepy_story
Picture Credits to: Pinterest
Ps: PLAGIARISM IS A CRIME!
THANK YOU FOR READING❣
Photographer