04/03/2022
Akala ko, ayos na.
Ang hindi ko alam, mas lumala lang pala.
Hindi ko mawari, ngunit mayroon saakin na mas gugustuhin na lang bumalik sa dati.
Ang daming bakit at pero, ngunit ni isa'y walang nasagot at napanindigan.
Tama pa ba itong daan na iyong tinatahak?
O maaaring hindi na,
Dahil ito na ang wakas?
Araw-araw man bumabangon
Pero alam mo, ang labo eh, sobrang labo.
Dahil hindi na alam kung paano pa itong maaayos.
Siguro, hanggang dito na lang.
Baka ito na nga ang dulo.
Pero teka, kontento ka na ba?
Okay na ba sayo na huwag ng magpatuloy?
Tatanggapin mo na lang ba na ito na talaga ang dulo?
Maaaring ito na ang dulo ng iyong laban
Pero sana, maisip mo na maaari ka pa rin magsimula.
Maaari mo pa rin simulan sa pangalawang pagkakataon.
At sa pagkakataong ito, may mga bala ka na para sa iyong susunod na laban.