Claro Litrato

Claro Litrato dm for inquiries �

be the art.from Claro Litrato collections
07/09/2025

be the art.
from Claro Litrato collections

31/12/2024

gaano man karami ang tao sa paligid, sa'yo lang tanging nagmamasid. sa mga ngiti mo lang gustong tumitig.
dahil ikaw ang paborito kong tignan, lihim o hayag man.
kaya kapag nandiyan ka na, wala na akong ibang nakikita. sapagkat, ang masilayan ka'y kapahingahan ko na.


ladb

31/12/2024

'Sa tingin mo ba kaya ko?'
'Tinatanong pa ba iyon? Siyempre, kaya mo at naniniwala ako sa'yo.'
'Pero natatakot ako.'
'Normal lang makaramdaman ng takot kapag gusto mong subukan ang mga bagay na unang beses mo palang. gagawin. Pero huwag mong pagdudahan ang sarili mo. Gawin mo kahit nakakatakot. Gawin mo kong anong magpapasaya sa'yo.'

Buti nalang naniwala ka sa'kin at pinakita mo sa'kin ang mga bagay na akala ko hindi ko kayang gawin.
Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit nandito ako. Salamat sa bawat pagtulak sa likod ko tuwing gusto ng umatras na mga paa ko.


ladb

31/12/2024

Hindi ako palakwentong tao. 'Yong kahit tanungin ako ay hindi buong detalye ang aking sasabihin. Maramot akong magbahagi ng mga bagay na nangyayari sa akin.

Pero napansin ko, kapag ikaw na ang kaharap ko. Kusang lumalabas sa bibig ko ang mga istoryang tinatago ko. Kung anong ganap o naging daloy ng araw ko at kung ano ang tumatakbo sa isip ko.

Hinahayaan kitang malaman at tuklasin ang bawat parte ng buhay ko. Dahil alam kong ligtas itong mga sikreto sa mga kamay mo. Kaya pagdating sa'yo komportable akong magkwento.


ladb

31/12/2024

mamahalin kita nang dahan-dahan at marahan.
nang hindi mo isipin namay nagnihintay sa'yo para magbalik o magsukli.

libigin at patuloy kitang hahangaan,
nang hindi mo alam na lahat ng ginagawa ko para sa'yo ay mayroon palang kahulugan o kailangan mong tumbasan.

ipaparamdam ko ang pag-ibig ko para sa'yo - na ang salitang 'mahal kita' ay hindi maingay.


ladb

31/12/2024

Hindi ka mahirap mahalin.
Hindi lang nila gustong magmahal nang mas malalim, nang seryoso, nang may kahulugan at may paninindigan.
Kung mataas ang iyong batayan ng pagmamahal ay hindi ibig sabihin na wala ka ng karapatan para maranasan ang ganitong uri ng pag-ibig.
Darating din siya - ang taong magpapatunay na karapat-dapat kang ibigin sa paraan na iyong hinihiling.


ladb

31/12/2024

sabi mo sa akin, hindi ka mahilig mag ukay-ukay,
kasi tamad kang mamili sa dikit-dikit na mga damit, at madali kang mairita kapag maraming tao sa loob.
pero ngayon pumayag ka para samahan ako nang walang halong pagrereklamo,
at pinili mo pa ring hintayin ako.
hanggang sa maisukat ko ang pinamili ko, at ngingiti ka at sasabihin sa akin na,
"ang ganda, bagay sa'yo!" sa mga ganitong pagkakataon, lalo akong nahuhulog sa'yo, dahil alam ko, may isang tao na,
na handang samahan ako sa aking mga gusto.
dahil naniwala kang sa ganitong paraan nasisiyahan ang aking puso,
kaya kahit hindi mo trip,
ay palagi mo pa ring pinipiling sabayan ako.


pag-ibig sa loob ng ukay-ukay, ladb

pagod ka na?
09/12/2024

pagod ka na?

Sharing a few of my favorite shots and some quick tips on basic photography composition! 📸✔️ Rule of Thirds: Imagine a g...
13/10/2024

Sharing a few of my favorite shots and some quick tips on basic photography composition! 📸

✔️ Rule of Thirds: Imagine a grid on your screen—try placing your subject along the lines or intersections for a balanced shot.
✔️ Leading Lines: Use natural lines (roads, buildings, etc.) to guide the viewer's eye to your subject.
✔️ Framing: Look for elements that can frame your subject (windows, doors, trees) to add depth.
✔️ Symmetry: Sometimes breaking the rules and going for symmetry creates a striking image too.

Keep it fun and creative—every shot has a story to tell!

Address

Antipolo
1870

Website

https://www.behance.net/f679d1ac

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Claro Litrato posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category