Páhina

Páhina Notes for keeps

11/01/2026
Like the page please 🤘
11/01/2026

Like the page please 🤘

Biyahe + Jogging + Tiangge + Kape

Tara sa Taytay later! Dayuhin nyo kami 🤘

Wala namang madali sa buhay,pero heto ka—lumalaban.At sa bawat pagod mo,may mga taong tahimik na nagsasabi,“kaya mo pa.”...
24/11/2025

Wala namang madali sa buhay,
pero heto ka—lumalaban.
At sa bawat pagod mo,
may mga taong tahimik na nagsasabi,
“kaya mo pa.”

Kaya hindi masamang sumubok.
Minsan, sapat na ang isang taong
naniniwala sa’yo
para maniwala ka ulit
sa sarili mo.

| Padayon! |

~ Páhina

At wala ng mas sasakit pa dun.Sakit na walang lunas, sakit na di natatapos.Nagpapatuloy man ang buhay,nananatili naman a...
02/11/2025

At wala ng mas sasakit pa dun.
Sakit na walang lunas, sakit na di natatapos.
Nagpapatuloy man ang buhay,
nananatili naman ang sakit.

Isang mahigpit na yakap sa lahat ng nawalan 🫂
Alam kong hindi mawawala ang sakit
Subalit sigurado akong hindi rin mawawala ang pag-ibig.

~ Páhina

ᴀᴋᴀʟᴀ ɴɪʟᴀ ᴍᴀᴅᴀʟɪTuwing may tawag mula sa kanila,para bang hinihila pabalik ang bawat paghinga.Hindi dahil ayaw tumulong...
22/10/2025

ᴀᴋᴀʟᴀ ɴɪʟᴀ ᴍᴀᴅᴀʟɪ

Tuwing may tawag mula sa kanila,
para bang hinihila pabalik ang bawat paghinga.
Hindi dahil ayaw tumulong —
kundi dahil minsan wala rin talaga.

Sa gitna ng ingay ng siyudad,
pinipigilan mong umiyak,
dahil akala nila,
madali ang mabuhay dito.

~ Páhina

Kapag mabigat ang pasan mong dala,nandito ako—hindi aalis, hindi iiwas.Sa oras ng unos o katahimikan,kasama mo akong hah...
02/10/2025

Kapag mabigat ang pasan mong dala,
nandito ako—hindi aalis, hindi iiwas.
Sa oras ng unos o katahimikan,
kasama mo akong hahawak sa bigat.

Kaya kung lulubog ka sa katahimikan,
magsabi ka lang—
sapagkat minsan, sapat na
ang dalawang tasa laban sa mundo.

~ Páhina

Tara, kape!
01/10/2025

Tara, kape!

May mga paa na sugatan, ngunit patuloy ang pagtakbo,may mga palad na mahigpit, kahit pagod ang hawak.At sa gitna ng laba...
29/09/2025

May mga paa na sugatan, ngunit patuloy ang pagtakbo,
may mga palad na mahigpit, kahit pagod ang hawak.

At sa gitna ng laban, may bigat na hindi pantay,
dahil hindi lahat ng pagod, ay sinusuklian ng pareho.

~ Páhina

Naririnig mo ba?Hindi ito simpleng yabag ng mga paa,hindi ito bulong na dala ng hangin—ito’y pintig ng libong dibdib,sab...
21/09/2025

Naririnig mo ba?
Hindi ito simpleng yabag ng mga paa,
hindi ito bulong na dala ng hangin—
ito’y pintig ng libong dibdib,
sabay-sabay na humihiyaw ng pag-asa.

Ingay lang sa kalsada, sabi nila,
pero sa bawat sigaw ay may sugat,
may pangarap, may panata.
At kung titigil ka sandali,
maririnig mo—
puso ang nagsasalita.

~ Páhina

Address

Atimonan
4331

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Páhina posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share