17/05/2026
Kahapon sa Resilience Workshop sa BGH Compound, hindi lang puro lecture ang nakuha namin—parang paalala rin siya na minsan kahit pagod, tuloy lang sa buhay.
Salamat kay Ma’am Beth sa very engaging na facilitation, at kay Sir Myles ng Bike Scouts na tuloy-tuloy sa paggawa ng ganitong klaseng meaningful events para sa community. Ang ganda lang makita na may mga taong consistent sa pagbigay ng oras para makatulong at makapag-inspire sa iba.
Salamat din sa Baguio team—solid yung samahan, kwentuhan, at good vibes buong workshop. Minsan, hindi mo namamalayan na may matututunan ka pala habang nage-enjoy lang kasama ang mabubuting tao. 💙