Infinity Dream Publishing

Infinity Dream Publishing CA Agency Family Official Page

Note: This is a work of fiction. Warning. Plagiarism is a crime.. Any part,names,events na pagkakapareho is purely coinc...
31/12/2019

Note: This is a work of fiction. Warning. Plagiarism is a crime.. Any part,names,events na pagkakapareho is purely coincidental lang po. This is my own work. and based po sa mood ko. Credits to the photo and the song writer

Dedicated to everyone na nagdodoubt sa relationship. This is all for you. Stay strong couples!

You're Still The One
Author: CheeseTheAphrodite(Icah)

Looks like weve made it
Look how far weve come my baby
We might took the long way
I knew we get there someday
~

I was walking down the aisle I couldn't even imagine na pwede mangyari sa akin yung matagal ko na pinapangarap. Akala ko sa movies lang meron nito. Kahit ilang beses na ako nasaktan, Iniwanan. But still, There was you na nagtiis sakin through my worst days. He stayed.

They said, I bet They'll never make it.
But just look at us holding on.
Still together,Still going strong.
~

Hindi ko akalain na tatagal tayo ng ganito. Daming gusto sumira, nagdoubt na. "Hanggang una lang naman yan eh. Maghihiwalay din yan. Dami ba rin times na gustong gusto nating sumuko sa isat isa kasi di na natin maintindihan yung mga nangyayari sa atin.

You're still the one I run to
The one that I belong to
You're still the one I want for life
You're still that I love
The one I dreamed of
You're still the one I kiss goodnight
~

I saw you waiting for me at the other side of the aisle. Hindi ko mapigilian yung luha ko. You are more than I expected and sobra pa sa deserve ko. You are the answered prayer. Yung lalaking bestfriend ko lang dati, Mapapangasawa ko na.

Aint nothin better,
We beat the odds together
Im glad we didnt listen
Look at what we would be missin
~

Sa dami ng sumira sa ating dalawa. Inayos pa din natin kahit napakakomplikado na. Buti nalang di tayo nakinig sa isa sa kanila. Kasi ang laking kawalan nito kung sakali.

They said, I bet They'll never make it.
But just look at us holding on.
Still together,Still going strong.

You're still the one I run to
The one that I belong to
You're still the one I want for life
You're still that I love
The one I dreamed of
You're still the one I kiss goodnight

You're still the one
~

Nakarating na ko kung saan ka. Umiyak nako. Sobrang thankful ko talagang binigay ka sa akin. I saw myself standing infront of the aisle with the person I loved for almost 8years.

" Xian, Do you take Xena as your lawfully wedded wife? " The father asked.

" Yes I do." He responded.

" And you, Xena, Do you take Xian as your lawfully wedded husband in sickness and in health, for richer or for poorer, and til death do your part? " The father asked me.

" Yes I do father." I responded

You're still the one I run to
The one that I belong to
You're still the one I want for life
You're still that I love
The one I dreamed of
You're still the one I kiss goodnight

Im so glad we made it.

And, By the power vested in me.
I now pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride.

Look how far weve come my baby
~ End🌸

13/12/2019

Hello everyone! We will have a set of new active admins and moderators from now on. As a result. We will have an upcoming one shot story contest again. And starting next week we will have a featured writer of the week. As for the winners of last one shot contest. The prizes will be released soon! Sorry for the delay!

Lastly, For people who are interested to be an admin/moderator. Pls pm me directly at may personal account. Francheska Cuison. Thankyou!💯 - Creatress

13/12/2019

Bago ka magmahal...
By: CheeseTheAphrodite

Bago ka magmahal,
Isipin mo muna.
Handa ka na ba talaga?

Mga ngiting walang pagaalala.
Dyan ka nadale hindi ba?
Mga mapupungay na mata.
Kay gandang pagmasdan hindi ba?
Pero unti unti kang nahulog sa mga mapupungay at ngiting sintamis ng kendi.
Iniisip mo, Kung paano mo makakamit ang matamis niyang oo.

Araw araw mong pinakita sa kanya na mahal mo siya.
Hatid sundo.
Tagabili ng pagkain na minsan hindi niya naman hiniling sayo.
Taga bigay ng rosas na simpula ng mga pisngi niya sa tuwing inaasar kayo ng mga kaklase niya.

Lumipas ang ilang buwan at mga taon.
Eto na yung araw na nakuha mo ang matamis niyang oo.
Sinagot ka niya. Walang pagbabago. Tila ba umikot ang mundo niyo sa isat isa ng walang pagbabago.
Habang kayo ay nasa relasyon.
Ang dating hatid sundo mo ay naging " Text mo nalang ako pag nakauwi kana."
Ang mga oras na dapat kasama siya. Nandon ka nagsasaya kasama yung mga kaibigan mo. Asan yung pinangako mo sa kanyang " Iingatan kita."
Pero kung ngayon palang ay limot mo na.
Ang ngiti at pungay ng mata niya noon ay wala na.
Dahil napalitan na ito ng sakit at luhang gusto nang kumawala mula sa kanyang mga mata.
Tinanong kita. Handa ka na ba? Sinaktan mo ng paulit ulit. Pinagpalit sa iba, Niloko.
Pero heto siya, Unaasang magbabago ka kaya paulit ulit ka pa ding tinanggap.

At ngayon, iibahin ko yung tanong ko. Nagmahal ka nga ba talaga o pampalipas oras mo lang siya.

Bago ka magmahal, Siguraduhin mo munang handa ka na talaga. Handa kang sumugal. Hindi yung maganda lang. Nagpadala ka. Tapos pag pumangit siya. Iiwan mo at hahanap ng iba.
Hindi ka na bata para ulit ulitin pang sabihin sayo. Hindi laro ang relasyon. Ang relasyon ay para sa taong nagmamahalan. hindi sa dalawang taong naglolokohan. Ligawan mo yung babae kasi gusto mong pakasalan. Hindi saktan.

Uulitin ko. Handa ka na ba talaga? Paalala lang kung hindi pa. Kung wala kang balak seryosohin. Wag mo nang ligawan.

NOTE: PLAGIARISM IS A CRIME. 💯

We already have our watty account. Past stories that are posted here will be publish there. 💓 Follow us and stay tuned!💓...
09/07/2019

We already have our watty account. Past stories that are posted here will be publish there. 💓 Follow us and stay tuned!💓 -Creatress💓

07/07/2019

Hi guys. Sa mga nanalo po. Next next week yong prize. 😊 Yung inannounce ko dito ang winners😊 Congratulations! 💓 - Creatress💓

20/06/2019

Guys! All eyes here.
Survey muna. Sino gusto ng raffle? 50pesos per slot
20slots po. Preloved and Good as new books. 💝
Reason: Hindi ko na sila maalagaan :( nakastock nalang sila sa bag ko -Creatress💝

15/06/2019

TAKE A SNEAK AND PEAK LOOK ON THE TALLY (UNOFFICIAL PAPO) This are the two leading piece
Entry #1:
Like- 32points
Heart- 228points
Wow- 65points
Total: 325 points

Entry #3
Like - 8 points
Heart - 124 points
Wow - 410 points
Total : 432 points

ADVANCE CONGRATULATIONS💝 -CREATRESS💝

15/06/2019

ALL EYES HERE PO Goodmorning everyone. We will have a tally po kung sino ang leading sa entries to be posted later. For those people na gusto humabol. Habol na po.
NOTE: HINDI PO COUNTED ANG ENTRIES NA MADAMING REACTA PERO WALANG LIKE SA PAGE.
Thankyou. -Creatress💝

11/06/2019

Hi Infinitians!

#6
Title: Impyerno
Author: swissmeringue

Mainit noong araw na iyon. Ramdam na ramdam ng bawat mamamayan ang haplos ni Haring Araw. Tila ba'y nasa loob ng isang malaking kawali ang buong purok na nakasalang sa apoy.

Hindi maiunat ni Trish ang kanyang mga braso. Nakatabi sa magkabilang gilid niya ang kanyang mga kapatid. Si Moymoy, tatlong taong gulang, si Pippa na apat na taong gulang at si Mimai, ang bunsong isang taong gulang pa lamang.

Mainit na nga, masikip pa. Ito ang araw-araw na senaryo sa kanilang tahanan. Nakabukod sa isang kwarto ang kanyang mga magulang at tanging isang kurtina lamang ang naghihiwalay sa kanila.

Sa labing-anim na taon niyang pamamalagi sa mundong ito, alam na niya kung gaano kahirap ang buhay. Nakatira sila sa isang barong-barong sa isang bakanteng lote na katabi ng isang maruming estero. Araw-araw ay sinasalubong siya ng maingay at mabahong kapaligiran.

"P*******a naman, Jojo! Yun na nga lang yung kakarampot na kinita ko kagabi ay kukuhanin mo pa rin? Wala na nga tayong pambili ng gatas at pagkain tapos magsusugal ka pa?" sigaw ng kanyang ina.

"Hoy! Huwag mo akong minumura-mura ha! T*****a, minsan na nga lang ako iinom at magsusugal ay bawal pa rin?" galit na bulalas ng kanyang lasing na ama.

Ramdam niya ang pagbagsak ng kanyang ina sa kanilang sahig. Normal na ito sa pamilya nila. Uuwi ang kanyang ama na lasing at bubungangaan nito ng kanyang nanay. Tapos ay magsasagutan ito na mauuwi sa sakitan. Paulit-ulit at nakakasawa na.

Malakas na isinara ng tatay niya ang pintuan. Bumagon siya at nilapitan ang lumuluhang ina. Basang-basa ang mukha nito dahil sa luha at namumula ang pisnging sinampal ng kanyang ama.

"Yun na yung huli kong pera, anak. Walang-wala na ako. Hindi na nga ako pinapalapit ni Soñia sa tindahan niya dahil puro lang naman daw ako utang. Ayoko na. Bakit ba kasi ako nagpaniwala sa mga pangako niya?" humihikbing wika ng kanyang nanay.

Second year highschool lang ang inabot ng nanay niya, samantalang elementa

elementary lang ang natapos ng kanyang tatay. Pedicab driver ang kanilang haligi ng tahanan at dancer naman sa bar ang kanilang ilaw. Kulang na kulang ang perang kinikita ng kanyang mga magulang para matustusan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw.

"Bakit ba ayaw mo pa siyang iwan, Ma? Eh mas malaki naman ang kinikita mo kaysa sa kanya?" nagtataka niyang wika sa kanyang inang abala magpunas ng mukha. Umupo si Trish sa tabi nito, naghihintay ng sagot mula sa kanyang ina.

"Kasal kami, anak. Nangako kami sa harap ng Diyos na mamamahalin 'ko siya, sa hirap o ginhawa," sagot ng kanyang nanay habang may maliit na ngiti sa labi.

Naguguluhan siya. Halos nanlilimahid na sila dahil sa kapirangot na sabon at shampoo na puro tubig tapos ganito lang pala kababaw ang dahilan? Minsan ay dalawang araw silang walang kain tapos ito lang pala ang rason bakit hindi maiwan ng kanyang ina ang tatay niyang ubod ng g**o?

Mataas ang pangarap ni Trish. Nais niyang maging flight attendant. Sabi kasi nila ay bagay siya sa ganoong trabaho dahil matangkad siya at maganda. Totoo naman. Naman niya ang kulay kayumangging balat at may katangusang ilong ng kanyang ama at ang balingkinitang katawan ng kanyang ina. Bonus na lamang ang kanyang tangkad. Nais niyang ikutin ang mundo. Nais niyang makita ng malapitan ang mga ulap sa kalangitan. Ngunit hindi maari. Ayaw ng tadhana. Ayaw ata ng Diyos na makalipad siya.

"Labas lang ako, Ma," paalam niya bago tuluyang lumabas ng kanilang tahanan. Wala pa siyang ligo at kahit ang putol nilang suklay ay hindi pa dumadapo sa kanyang buhok.

"Sexy mo talaga, Trish. Patikim naman!" kantyaw ng isang grupo ng mga kalalakihan sa kanya. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy siya sa paglalakad. Nang marating niya ang kanyang paroroonan, malakas niyang kinatok ang pinto.

"Ay, p**a naman! Saglit lang ha! G**o la talagang bata ka! Sinabi 'kong ubusin mo yang gulay 'di ba? " wika ng babae mula sa loob ng bahay. Maya-maya ay bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Tessa, ang manager ng bar na pinagtatrabahuan ng kanyang ina.

"Ikaw pala, Trish. Sige, pasok ka muna. Pagpasensyahan mo na kung magulo dito sa loob. Lintik na bata kasi iyon eh! Napakalikot!" Aniya habang pilit itinatago ang mga kalat sa sahig.

"OK lang po. May gusto po sana akong tanungin sa inyo," magalang na wika ng dalagita. Nais niyang umupo pero nahihiya siya dahil wala siyang kaligo-ligo. Tumango ang babae at sinensyasan siya na magpatuloy sa kanyang sasabihin.

"Open pa po ba yung offer ninyo sa akin? Yung sa bar?" Kinakabahan siya. Ayaw man niyang gawin ngunit wala siyang magagawa. Tapos na ang mga panahon na magtitiis siyang makita ang kanyang ina na lumuluha tuwing gabi, umiiyak dahil wala itong maipakain sa kanya at sa dalawa niyang kapatid.

"Oo naman! Naku! Tiyak na dadagsa ang kostumer nito! Sige, dito ka muna at linisin mo ang iyong buong katawan. Dito ka na rin kumain. Magpahinga ka at baka mamaya ay lalamya-lamya ka," eksayted na sabi ni Tessa. Hinila siya nito patungo sa isang banyo. Ihahatid na lamang daw nito ang kanyang susuotin. Wala ng atrasan. Para sa pamilya. Para sa pangarap.

"GANDANG babae talaga nito! Anak ka ni Pat, hindi ba?" wika sa kanya ng isang bakla. Kilala niya ito dahil ito ang 'supplier' ng 150 at sapatos sa mga kalalakihan sa kanila. Tumango siya at iniyuko ang ulo.
"Ay naku! Huwag mong iyuko ang iyong ulo at baka hindi makita ng mga foreigner ang mukha mo. Sige ka, wala kang kita ngayon," pananakot pa nito sa kanya. Iniangat niya muli ang ulo at pinasadahan ng tingin ang paligid. Maraming tao sa dancefloor. May umiinom sa gilid at mayroon ding naglalaplapan. Mayroong bagsak na sa kalasingan at mayroon ding nanghihipo sa mga kababaihan. Ito na anh buhay niya simula ngayon.

"Miss, magkano ka ba?" wika ng isang may edad na lalaking lumapit sa kanya. Kitang-kita niya kung paano siya hagudin ng tingin nito. Nagsitaasan ang kanyang mga balahibo dahil sa diri at takot sa lalaki. Kinausap naman ng binabaeng katabi niya ang matanda at napagpasyahan na 5,000 ang isang gabi.

Maliit ang ngiti ng bakla habang sinasabi sa kanya ng gagawin. Bago siya umalis, nagbayad muna ang lalaki at saka siya hinila nito. Hanggang makalabas sila ng bar ay hila-hila ito ng lalaki. Hanggang makarating sila sa isang lumang Toyota, kung saan doon ay sapilitan siyang ipinasok at ginawang parausan.

Habang gumagawa ng kabalbalan ang kanyang 'kostumer', naisip niya ang kanyang ina. Araw-araw ay ganito ang kanyang ginagawa para may makain sila. Na-realize niya na isang malaking sakripisyo pala ang ginagawa nito. Hindi ito umaalis sa poder ng kanilang ama hindi lang dahil sa mahal niya ito kung hindi dahil sa kanila. Ito lang ang hanap-buhay ng kanyang ina. Saan nga ba sila pupulutin kung wala ito dito sa bar, nagpapagamit sa iba't-ibang lalaki, mairaos lang ang isang gabi. At simula ngayong gabi, ito na ang magiging buhay niya. Hindi na niya papangarapin pang lumipad sa langit. Ang nais lang niya ay maiahon ang kanyang pamilya mula sa kahirapan. Makita lamang niya na kumakain ang mga ito ay langit na para sa kanya.

Dahan-dahan siyang nilamon ng kadiliman, habang abala ang kanyang kasama sa paghawak at paghaplos sa kanya. Mainit ang paligid. Maalinsangan ang panahon. Tila ay nasa loob sila ng isang malaking kawali na nakasalang sa apoy, habang nakatingin sa kanila ang isang lalaking sunog ang balat at may putol na pakpak. May mahabang mga sungay at humahalakhak.

-WAKAS-

11/06/2019

Hi Infinitians!

#5

"A Wife's Hope"
Crystal

Halos isubsob ko na ang pagmumukha ko sa sahig ng opisina namin. Mahanap lang ang pinanghahawakan kong bagay sa buhay kong ito. Bakit ko pa kasi hinubad? Sisi ko sa sarili ko. Gusto ko tuloy saksakin ang sarili ko dahil sa ka-dramahang ginawa ko kanina. At ngayon punong puno na ko, nanlalabo na ang mga nakikita ko dahil sa mga nag-uunahang mga luha sa mata ko.

"Crystal, tama na...awat na sasabihin na lang ni Mang Rene bukas kung nakita nya 'yon sa paglilinis nya rito. Tara na umuwi na tayo." Pilit akong itinatayo ng office mate/kaibigan kong si Kathy mula sa pagkakaupo.

Pero hindi ako nagpapigil, pilit kong hinanap ang wedding ring namin ng asawa kong manloloko. "Hindi pwede Kath! May kasunduan kami ni Rouge! At kapag nawala ko yung wedding ring namin...iiwan nya ko!" Natataranta kong sabi.

Napa-iling na lamang sya sa tinuran ko. Kahibangan man ang mga sinabi ko sa kanya, pero kung sya ang naka-upo sa miserableng trono ko - ang buhay ko. Malalaman nya ang ang hirap at pasakit sa bawat kabanata ng buhay ng Crystal na to.

"Pwede ba Crystal! Lalaki lang si Rouge! Makakahanap ka naman ng mas matino sa kanya kung hihiwalayan mo na sya. Mahirap ba yun? Nagkukusa na nga yung tao na bigyan ka ng sapat na dahilan, choosy ka pa." Kahit kailan talaga si Kath hindi supportive.

"Hindi madali yun! Asawa ko si Rouge! Sya ang buhay ko! Ang dahilan ko sa mga oras na 'to sa pagpapatuloy sa buhay! Lumaki akong walang pamilya, Kath at ngayon natatakot akong mawala ang kaisa isang pamilya ko." Patuloy pa rin akong lumuluha habang hinahanap ang singsing. At sa pagkakataong ito ay nakahiga na ang buong katawan ko sa sahig.

Takot na takot ako. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko yung gabing pinagkasunduan namin ni Rouge. " Crys, we need to untie it." Sa una ay hindi ko nakuha ang ibig nyang sabihin. Nakuha ko pa ngang ngumiti nang malapad, dahil akala ko ang tinutukoy nya ay yung bathrobe na tanging bumabalot sa katawan ko.

Ngunit nagk**ali ako, sa sandaling hinubad ko yun ay mabilis nya kong binalutan ng kumot. Nagulat ako at nagtaka sa ginawa nya, hindi iyon ang inaasahan ko. Lakas loob kong diniretsa ang ibig nyang sabihin, at hindi nga ko nagk**ali. Gusto na nyang makawala sa pagkakatali. Gusto nyang maging malaya mula sa akin.

"Hindi na tayo masaya and..." Nasaktan ako sa sinabi nyang yun pero wala nang mas sasakit pa sa sumunod nyang sinabi, "...I'm having an affair with Alyssa. " Walang hiya, ang sakit. Parang akong nabingi sa mga oras na yun, parang muli akong nag-isa at pinagtulungan nila. Pero akala ko ito na talaga eh, na ito na yung pinak**asakit. Hindi pa pala.

Halos madurog ako sa kinatatayuan ko sa mga oras na yun nang sabihin na nya ang pinak**alaki nyang kalokohan na ginawa sa'kin..."We're not married peke ang kasal natin." Sa pagkakataong iyon ay napipi na ko. I'm so speechless hindi dahil sa saya..kundi dahil hindi ko na magawang mag-usal pa ng mga salita sa sobra kong pagluha.

At ngayon, nakahiga pa rin ako sa malamig na sahig ng opisina namin. Hinihilamusan ang aking mukha ng mga luha. "Hindi kita iiwan Crystal." Pag-asa ang katagang iyon...yun ang akala ko. "Iiwan lang kita kapag nawala mo ang wedding ring natin. Hindi man tayo tunay na kasal..pero para sa'kin sakal ako ng wedding ring na yan."

Nagkasundo kami iningatan ko yun. Kaya umuuwi pa rin sya sa'kin. Umuuwi galing sa ibang bahay, sa ibang k**a at tunay nyang mahal. Hinayaan ko sya. Dahil hindi naman nya ko sinasaktan, sa loob lang talaga ko wasak at nasasaktan.

"Crystal, tama na."

"Tulungan mo na lang kasi akong maghanap!"

"Heto na nga, oh."

Ilang oras na ba kaming naghahanap pero wala pa rin. Hindi nagpapahanap ang wedding ring. Sign na ba to para palayain ko si Rouge?

"Bukas na lang kasi Crys. Gabi na, oh." Maktol ni Kathy.

"Uuwi si Rouge ngayon. Kapag hindi nya nakitang suot ko yun--"

"Iiwan ka nya?! Fine edi iwan ka nya!"

"Kath naman..."

"Ang martir mong babae ka!"

Napalingon kami sa pinto ng office namin ng bumukas iyon. Napayuko ako nang makitang ang boss namin ang pumasok. Nakakahiya ang ginawa ko kanina nang nagda-drama ako...pero may part sakin na galit ako sa kanya. Dahil sa kanya nahulog ko ang singsing. Kung hindi nya ko binangga hindi yon mawawala.

"Hindi pa ba tapos ang drama? Wala ka ng audience Crystal.. ang extra mo na lang." Tukoy nya kay Kath.

"Sir, bakit po kayo bumalik?" Tanong ni Kathy.

"None of your business." Nilagpasan nya lang kami at tumungo na sa opisina nya.

"Dahil sa abnormal na yun nawala ang wedding ring ko." Sambit ko at itinuloy ang paghahanap. Pati si Kathy ay hinanap na rin ang singsing ko.

Ilang sandali lang ay may narinig kaming kalansing. Natatarantang hinagilap ko yun maging si Kath hinanap kung saan kumalansing iyon.

Hayun! Sa wakas! Dadamputin ko na sana nang pulutin iyon ng boss ko.

"Tsk. Dahil lang dito nagwala't umiyak ka? You must not cry because of this damn thing." Mahangin nyang komento.

"I.must.cry.SIR." sabi ko at mabilis na inagaw yun mula sa kanya. "Karapat-dapat iyakan ang singsing na to. Dahil dito nakataya ang buhay ko."

"How selfless you are? Hinahayaan mong maging masaya ang buhay mo kaysa sa literal na buhay mo?" Kahit kailan talaga ang businessman na tulad nya walang p**i sa ibang tao. Mas may p**i sa pag-unlad ng pinak**amahal nilang negosyo. Palibhasa ang negosyo ang tinuturing nilang pamilya, ang mga business partners nila ang itinuturing na mga asawa, ang mga employee ang katulong at ang pera ang anak na pinaparami nilang magbi-business partners. Ang business world talaga.

"Alam nyo sir. Mas mabuti nang maging selfless kaysa maging selfish." Tumalikod na ko at niyaya si Kath na umalis na.

"Sometimes being selfless is not healthy...it looks like you're tearing yourself into pieces. At dahan-dahan mong nilalagasan ang sarili mo. 'Di ka pa ba ubos?" Natigil ako sa sinabi nya. Gaano ba nya ko kakilala para sabihin nya sa akin iyon? Employee nya lang ako at ang pagkakaalam ko ay wala syang p**ialam sa mga tulad ko.

Nilingon ko ang natatawa nyang mukha. Ngayon ko lang gagawin to sa boss ko kaya makasaysayan to...

"WALA KANG ALAM! SO GET YOUR ASS OUT OF HERE!" Irap ko at pumunta sa table ko.

"Patay." Dinig kong bulong ni Kath.

Narinig ko na lang na humalakhak ang boss ko..sinilip ko sya..parang baliw.

"Hahaha! Okay pa naman yung 'wala kang alam' pero yung 'get your ass out of here' ... ako yata dapat ang magsabi non? Tama ba Kathy? You're the witness here...so, am I right?

"Ahh, sir. Pwedeng labas ako riyan? Audience na lang po ako." Kamot ang ulong sabi ni Kathy.

"No, you're both audience and witness--"

"Pero sir! Wala naman akong ass bakit ako ang lalabas?" Takang singit ko sa sinabi nya kanina.

Nagulat ako nang ipukpok ni Kathy sa ulo ko ang cellphone nya.

"Aray...sir, get...your--" nakita kong namumula na ang mukha at tenga nya. Napano sya?

Bumulong sa akin si Kathy..."Did you know what 'ass' means for you when you used it...while ago?"

GET YOUR ASS OUT OF HERE!

GET YOUR ASS OUT OF HERE!

GET YOUR ASS OUT OF HERE!

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Iba ang interpretation nya sa sinabi ko..my goodness! Ugaga akong tumayo sa pagkakaupo at kinuha ang mga gamit ko. Muli kong tiningnan si sir at namumula pa rin sya. My goodness talaga. Umatras tuloy ang mga luhang hinahanda ko kanina.

"I guess, I'm the one should get my ass, out of here." Mahina kong sabi at lumabas na sa opisinang yun. Humabol naman tong si Kathy.

"You should hide your ass tomorrow, dear." Babala nyang sabi habang nakangisi.

"I must." Sakay ko naman sa sinabi nya.



Pagdating ko sa bahay ay hindi ko inaasahang wala si Rouge. Sa mga ganitong oras ay naka-uwi na dapat sya. Makalat kong dinatnan ang condo namin I mean condo lang pala nya. We're not married pala. At kung hindi ko nahanap ang wedding ring namin posibleng sa mga oras na to ay nag-iimpake na ko.

Nilapag ko sa sala ang mga gamit ko at tumuloy sa kwarto. Kung makalat sa sala at kusina..mas makalat sa kwarto namin. But, I didn't expect na ganun ang mga kalat na madadatnan ko. There's a brief na nasa k**a, natural yun pero ang bra at panty...na hindi sa'kin, for me that's was immorality.

May nakita pa ko...two boxes of condom, a girlie bag, pointed sandals, and isang dress na halos tinipid sa tela't sinulid. Ang sarap magmura!

Liligpitin ko na sana iyon nang marinig kong bumukas ang shower sa banyo. Lumapit ako sa may pintuan at kung siniswerte nga naman ng k**alasan. Bukas pa nang konti ang pintuan.

"Babe...hmm..babe I'm tired." Sabi ng babae

"Tired what?" Mahinang tanong ni Rouge.

"Waiting." Nang sandaling sabihin nya iyon ay sumunod na ang mga nota na hindi ko gustong marinig.

"Rouge!" Matapang ang mga mata ko pero nanghihina na ang puso ko. Lakas loob akong sumilip.

Natatawa ako. Sa ginagawa kong 'to. Kita ngayon ng dalawa kong mga mata na nag-iisa ang mga katawan nila. Hindi diri ang nararamdaman ko kundi inggit.

"I love you Alyssa...I love you...I love you." Ngayon ko lang narinig nang ganoon si Rouge. Totoo ang bawat salita, walang halong panloloko. Mahal nya si Alyssa at mahal din sya ni Alyssa. Nalilito ako kung tama ba ang ginagawa nila ngayon. Sa tingin ko tama, dahil wala akong karapatan kahit isang hibla ni Rouge ay hindi akin. Peke lang kami. At ang wedding ring lang ang pinanghahawakan ko.

Hindi ko na kinaya pa ang mga sumunod nilang ginawa. Dahil ni minsan hindi iyon ginawa sa akin ni Rouge, ang halikan ako sa labi nang marahan ang halikan sa noo na tanda ng respeto...at ang ipagkaisa ang aming mga katawan... he's loyal. And that loyalty is only for Alyssa.

Umiiyak akong lumabas sa condo walang dala kundi ang sarili ko lamang. Tama si Kathy, si Rouge na ang gumagawa ng paraan para iwan ko sya. Ang martir ko lang talaga.

Luhaan ang mga mata kong tinitigan ang wedding ring na nagpahuli pa sa paghahanap ko.

"Crystal naman! Ang tanga mo kasi! Pinapalaya ka na nga nya! Sinasakal mo naman sya! Palayain mo na kasi!" Wika ko sa sarili ko.

Pumunta ako sa isang bar at mag-isang uminom.

"Hey, lima pa ngang baso!" Medyo hilong sabi ko sa barista.

"Ma'am, nakarami na po kayo." Mahinahong sabi nya

"P**i mo ba! Hindi naman ikaw ang iinom. Dali na! Dami pang satsat, eh." Wala itong nagawa kaya binigay na lang nya ang in-order ko.

Habang umiinom ay umiiyak..ang gaga ko. Para akong ewan.

"Wala akong karapatan sa kanya, hindi ko sya asawa, dahil hindi kami kasal, peke lang haha, di nya ko mahal, si Alyssa ang mahal nya...Grabe! Ang daming dahilan. Still...nagpak**artir ako! hahaha!" Kahit hilo ay pinilit kong tumayo at sumayaw habang may hawak na baso ng alak.

"Hey." Tawag ng isang gwapo.

"Hey, you...I'm married." Sabay p**ita ko sa singsing na suot ko. "Get lost."

"Eh, ano naman?" Sabi nya habang sumasayaw sa harap ko.

"Loyal ako sa asawa ko, kahit na hindi sya loyal sa'kin...kaya alis." Pangtataboy ko sa kanya.

"How sad...why don't you be with me tonight? Promise, paliligayahin kita." Nakangisi nyang sabi..hala, sinong niloko nya? Ako na advance mag-isip?

"Loko to." Bulong ko.. "Hah! Be with you? Tonight? Saan? Sa k**a? Hahaha! Tangna mo, maghanap ka ng ibang papapak sayo." Inis kong sabi at tinalikuran sya.

"Hey you!" Hinila nya ko paharap sa kanya.

"Ano naman?! Sabi nang ayoko sayo!" Sa inis ko ay binuhos ko sa kanya ang natitirang alak sa baso ko. Sa inis nya ay marahas nyang hinigit muli ang braso ko palapit sa kanya.

"Alam mo bang wala pang babaeng tumanggi sa offer ko? Ikaw lang." Ang kapal...hambog.

"Oh..congratulation sa'kin at na-beat ko ang paniniwala mo na walang tatanggi sayong babae...Kaya pwede ba! Lubayan mo ko!"

"I like that tiger look huh? Matapang ka, siguradong matapang ka rin--oh! Oh! Hey! That's my girl!" Nagulat ako sa biglang pag-agaw ng isang lalaki sakin mula sa manyak na yun...grabe maswerte sana ako kung si Rouge to...Eh hindi naman.

Pumasok na sa sistema ko ang alak kaya naliliyo man ay pinilit kong i-balanse ang katawan ko..salamat din sa lalaking to na umaagapay din sa'kin.

"She's not yours. She's my wife. Can't you see? We're both wearing a wedding ring." Anitong kaagapay ko. Ako raw ang wife nya, so, si Rouge nga 'to.
Vive Dellas
Binuhat nya ko at pinaupo sa isang sofa na naroon.

"Ako lang ang nakaupo rito at kanina pa kita pinagmamasdan. Hindi nako nakatiis na lapitan ka at p**ialaman." Nakapikit nako sa sobrang kalasingan kaya't pinakikinggan ko na lamang ang tinig nya. Yung tinig nyang mahal na mahal ko rin.

"Kanina kapa? Eh, kani-kanina lang kita iniwan sa condo na may kasama. Paanong kanina kapa narito?" Natatawa't nagpipigil ang luhang sabi ko.

"Hey--"

"At paanong 'di ka nakatiis? Eh, natitiis mo nga ko." Tuluyan nakong napa-iyak nang sabihin ko yun.

"Wala akong con--"

"Anong wala?! Dalawang kahon pa nga ang hinanda mo para sa kanya! Paanong wala?!"

"Anong pinagsasasabi mo? Eh--"

"Kahit kailan hindi ka nakialam sa buhay ko. Dahil wala ka namang p**ialam sa'kin."

Naramdaman ko na lang na hinila nya ko papalapit sa kanya at inalog-alog. "Magmulat ka nga at tumigil sa pag-iyak."

"Ano ba?! Nahihilo ako lalo sa ginagawa mo." Awat ko sa kanya.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. At hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Isang mukha...isang gwapong mukha, na kahit naka salamin ay kita ko ang maganda nitong mata.

"S-sir Louie?...kayo po?"

"Yes."

"Pero bakit?"

"Ewan ko? Ako dapat ang magtanong nyan."

Natahimik ako sa sinabi nya..kaya't hindi ko na nagawa pang magsalita. Kinuha ko na lang ang alak at sinalinan ang baso kong hindi ko man lang nabitawan kanina.

"Lasing ka na." Ani sir

"Di pa."

Nagulat ako nang lapitan ako ng barista nang nakapalad.

"Ma'am, yung pong bayad nyo?"

Napakamot ako at naalala kong wala pala kong dala ni kusing. Nagawi ang paningin ko sa wedding ring na suot ko. Kung ito na lang kaya? Tutal mahal din namin 'tong binili ni Rouge.

Ah, tama. Ito na lang tutal alam ko na kung ano ang gagawin ko pagkatapos. Mag-iimpake lang naman ako at lalayasan na sya.

Hinubad ko ang wedding ring namin at balak ko na sanang ibigay yun nang may k**ay na pumigil sa'kin. Nilingon ko si Sir Louie na nanlalaki ang mga mata. Napa'no to?

"Anong gagawin mo riyan?" Tanong nya

"Ipambabayad ko."

"Ah, wag na wag na..I will pay it." Aniya habang humuhugot ng pera sa wallet nya.

"Ay, wag na sir. No need, ito na lang po hindi ko na rin to kailangan. Boss, heto oh. Mahal yan promise." Tinanggap naman ng barista ang singsing at umalis na.

"B-but...wait--"

"Okay na sir. Inom na lang tayo." Inabot ko sa kanya ang isang shot glass na may laman ng alak. Pero tinitigan nya lang to.

"Hindi ako umiinom." Ano?!

"What?! Eh, bakit kayo nandito kung hindidi naman pala kayo umiinom?" Taka kong tanong. Umiwas sya ng tingin at napakamot sa batok nya. Napansin kong suot pa rin nya ang business suit nya. Ngayon ko pa lang na-appreciate ang kagwapuhan nya. Dahil siguro ito sa alak. Kasi kapag nasa tama akong pag-iisip puro inis lang ang nararamdaman ko sa kanya.

"Nagkayayaan ang mga kaibigan ko kaya sumama na ko. Besides, once in a blue moon ko lang sila nakakasama kaya pinagbigyan ko na." Aniya habang nakatingin sa akin.

"Ahh, edi ako na lang."

Natahimik ulit kami at uminom lang ako nang mapayapa. Naalala ko yung wedding ring na pinambayad ko, tama ba ang ginawa ko? Parang nagsisisi ako, uuwi ako mamaya hindi para matulog na kasama si Rouge kundi ang mag-impake at palayain na ang isa't isa. Mas makabubuti siguro yun sa'min.

Tahimik akong umiyak sa tabi ng boss ko at ni minsan hindi inisip na makakasama ko ang boss ko sa mga ganitong sitwasyon.

"Tama ka nga." Luhaan akong lumingon sa kanya. "You must cry, you don't need to stop. Crying is a way to ease the pain...just continue, I won't bother you." Katulad nang sinabi nya ay itinuloy ko lang ang pag-iyak hanggang sa nagsawa ako at nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.



"Sa'n ba tayo pupunta?" Inalalayan nya kong pumasok sa sasakyan nya..kahit nagdahan-dahan nako ay napukpok pa rin ako sa pinto ng kotse. "Aray naman."

"Wait, may babalikan lang ako." Ani Sir Louie.

Ano naman kaya ang babalikan nya?

Pagbalik nya ay umalis din kami..ilang sandali lang ay nakarating na kami sa...bahay nya?

Inalalayan nya kong bumaba sa kotse nya hanggang sa makapasok kami sa bahay nya. Walang ibang tao kundi ang mga katulong nya. Nagulat ako nang buhatin nya ko na parang bagong kasal.

"Sir Louie lasing lang ako pero hindi ako lumpo." Nahihiya kong saad.

"I know, tatagal lang tayo dahil sa pasuray-suray mong paglalakad." Hindi na ko nagsalita pa at hinayaan ko na lamang sya.

Dinala nya ko sa pool area at iniupo sa isa sa mga upuan doon. Dumating naman ang isang katulong na may dalang tubig at pagkain.

"You need to drink water first para magising ka at hindi ma-dehydrate." Aniya habang hinuhubad nya ang makapal nyang suit.

"Saan magising, Sir? Sa katotohanan?"

"Sa lahat." Napatango na lang ako at uminom ng tubig. Saglit syang umalis at pagbalik nya ay nakasuot na sya ng pambahay. Muntik nang natapon ang tubig ko sa gulat nang bigla syang tumalon sa pool.

Ilang sandali lang ay umahon sya at lumapit sa akin.

"You need to throw the old book of you." Natameme ako sa sinabi nya. Kaya't nahigop ko ang tubig na para bang kape "Pitong taon ka nang nagtatrabaho para sa'kin at pitong taon na rin akong nagpapakahirap na iwasan ka." Naibuga ko sa mukha nya ang tubig na nahigop ko dahil sa gulat. Wasak ako ngayon tapos bigla-bigla syang bibira ng ganito.

"Sorry! Aalis na ko." Tumayo ako nagmamadaling tumalikod sa kanya. Pero hindi nya ko hinayaang makaalis sa sumunod na sinabi nya.

"The ring...that's not your wedding ring.." dahan-dahan akong napalingon sa sinabi nya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Yung singsing na nahanap mo sa opisina...hindi yun ang wedding ring nyo ng asawa mo. Binili ko yun...binili ko kanina nang maiwala mo dahil sa'kin."

"Bakit?.. bakit mo ginawa yun?"

"Dahil ayokong nahihirapan ka at mas lalo na ang umiiyak. Pero nagk**ali yata ako, sana pala hindi ko na lang pala pinalitan...nahuli mo tuloy ang asawa mo." Saglit kaming natahimik at binasag lamang yun nang malakas kong pagtawa.

"Hahahahahaha!" Nagtaka sya.

"Bakit ka tumatawa?"

"Salamat, ah...dahil sayo nawala na ang pagkakasakal ni Rouge sa mga k**ay ko."

"Huh?"

"Hindi ko talaga akalaing crush mo pala ko at stalker pala kita." Natatawa kong sabi.

"Crystal...I am willing to be your mistress." Napaubo ako sa sinabi nya.

"Ikaw? Willing maging kabet? Mr. Louie Graciano, are you serious?" Natatawa kong tanong.

"Yes, uso naman ang third party." Nakakaloko nyang sabi.

"Pfft! Bwahahahaha!"

"Hey, make it serious. Hindi ako nakikipaglokohan sayo Crystal Valdez."

Nakakatawa 'to, grabe minsan talaga kapalit ng lungkot, saya. Pinasaya ako ng boss ko..dahil lang sa pinagsasabi nya napalitan nya ng ganda ang gabi kong to.

"Uy, wag kang lalapit! Sandali lang--waaaaah." Mabilis nya kong nahila at sabay kaming tumilapon sa pool.

"Crystal, I love you. Wala akong p**i kung may asawa kana. Basta mahal kita." Napatitig ako sa mga mata nya..at sa kanya, sa kanya ko lang nakikita ang totoo. Marahan nya kong kinabig palapit sa kanya at marahan nyang hinalikan ang noo ko. "Anong schedule mo sa'kin?" Tanong nya.

"Araw-araw."

"Teka, pano yung asawa mo?"

"Huhuwaaaaah! Niloko nya ko. Almost three years kaming nagsama at panloloko lang pala lahat yun."

"Oh, akala ko ba--"

"Hoy! Hindi madaling mag-move on." Iyak kong bulyaw sa kanya.

"Tutulungan kita at hindi ipi-pressure." Diretsong nakatingin ang mga mata nya sa mata ko. Pero 'di ko man lang napansin na suot pa rin nya ang salamin nya. Tibay ng kapit sa mga mata nya ah.

"Salamat." Nakayuko kong sabi..nakakadala ang mga titig nya.

"Sinayang ka nya, Crystal. Kaya titipirin kita." Kinilabutan ako sa sinabi nya. Nag-init ang buong katawan ko. Mas lalong nag-init ang katawan ko nang lalo nyang hapitin ang bewang ko papalapit sa kanya.

Dahan-dahan nyang inangat ang mukha ko..balak na nyang halikan ako kaya inunahan ko na.



"Hindi ka pa nanliligaw. Wag atat." Nakangisi kong sabi at humiwalay sa kanya.

"Sorry, nadala lang ako." Hiya nyang sabi.

"Sir Louie...sayang yung singsing mo." Natatawa kong sabi. Nang makaahon na ko at muling umupo sa kinauupuan ko kanina.

Umahon na din sya at binalutan ako ng towel..

"Tinubos ko." Nagulat ako nang lumuhod sya sa harap ko at ipinakita nya ang singsing na ipinambayad ko sa barista.

"Someday...I will marry you in a real or even in a fantasy...and I will never trick you." Seryoso at puno ng sensiridad nyang sabi.

At hindi nga nya ko binigo...tinulungan nya kong makalaya mula sa sakit na dinulot ni Rouge. Nagtiis sya sa mga drama ko, inintindi nya ang bawat mood ko. Hindi ko akalain na ang boss ko lang pala ang papalit sa kahulugan ng mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Ang dating mga luhang pinap**ita ang kahinaan at lungkot ko ay pinalitan nya ng lakas at saya.

Hindi ko akalain na ang singsing na sinakal ako sa hindi tunay at sakit. Ay sya rin pala ang magapapalaya sa'kin at magbibigay ng panibago at tunay na pag-ibig.

Finally, I'm married with Mr. Louie Graciano, I am now Mrs. Crystal Valdez Graciano wearing a new and real wedding ring.




The end . . .

Address

Baguio City
2600

Telephone

09502314802

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Infinity Dream Publishing posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share