17/08/2026
Strictly ☝️
MULING hinigpitan ng Baguio City Police Office (BCPO) ang pagpapatupad ng Ordinance 11-2017 o ang “No CCTV, No Business Permit” sa lungsod.
Ayon kay BCPO Director Col. Ruel Tagel, layunin ng ordinansa na makatulong sa pagpigil at mabilis na paglutas ng mga krimen.
Naitala ang 16.5% na pagtaas sa crime incidence sa Baguio mula Abril hanggang Hulyo ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong 2025.
Ayon sa pulisya, naging mahirap ang imbestigasyon sa ilang kaso ng pagnanakaw sa mga transient house dahil sa kawalan ng mga testigo at CCTV footage.
Kasalukuyang umiikot ang mga tauhan ng BCPO sa mga establisimyento upang suriin ang pagsunod sa ordinansa at palakasin ang police visibility sa lungsod.
Para sa iba pang balita, tumutok sa BULGAR: http://www.bulgaronline.com/