10/12/2022
A blessed Saturday to you po!πππ€οΈπ₯°π
Let me share to you this familiar passage in the Old Testament in the book of Lamentation.
βThe steadfast love of the Lord never ceases; his mercies never come to an end; they are new every morning; great is your faithfulness."
(Lamentation 3:22-23)
Walang tao sa mundong ito na nabuhay na hindi nakaranas ni minsan ng mga bagay na ito: Afflictions, wounds, heartaches and pains. These are natural part of life in this world. May nagsasabi nga na ito raw ay kakambal na ng buhay. Mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda ang mga ito ay parang anino na laging sumusunod sa atin. Hindi natin ito matakasan.
Nasirang relationship, nawalan ng trabaho, nagkasakit, lumagpas na pagkakataon, bagyo ng buhay, mabigat na pagsubok at kahirapan. Kapag dumating ang mga ito, you can either become bitter and down or hopeful and steadfast.
Nasa atin ang pagpili. Anyway, life here in this side of the world is full of choices.
The book of Lamentation was written by Prophet Jeremiah. He faced the same choice. When his world came apart after Jerusalem was sacked during his time, the prophet wrote the book to share his honest frustrations with the judgment of God that befell upon Israel when they live a life of total disobedience to God. But Jeremiah didnβt settle in his bitterness and stay there.
Sa Lamentations 3:21-24, matapos banggitin ni Jeremiah ang kanyang mapait na saloobin, (simula verse 1 to 20) naisulat niya pa rin ito: "Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala. Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya, kaya't pinakamainam ang buong tiyagang umasa sa ating kaligtasang si Yahweh ang may dala." (v.24-26)
Sa gitna ng mapait na karanasan, binago ni Jeremiah ang kanyang pananaw sa buhay. Tama lang naman na maging honest tayo sa Diyos at ipagtapat natin sa kanya ang ating mga frustrations, ang ating mga damdamin, ang ating mga discouragement, gayunpaman, kailangan nating baguhin ang ating pananaw at pag-unawa. As long as our minds are on our pain, we will not solve anything.
Sa halip, katulad ni Jeremiah, kailangan nating i-recognize ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa atin. Binago ni Jeremiah ang kanyang perspective at kinilala niya ang hindi nagmamamaliw na pagmamahal at walang katapusang habag ng Diyos. No matter what the problem, no matter how much bitter we feel against God, he still loves us.
Ito ang hindi nagbabagong katotohanan at matibay na sandigan - no matter what.
Kung gaano mo katagal kikimkimin sa iyong kalooban ang mga bagay na magpapa-depress sa iyo, ganun din katagal mananatili sa buhay mo ang depression. Bitterness imprisoned you in your own pain. Sa Lamentations 3, Jeremiah gives us a simple remedy for bitterness. Ano ba iyon? Ang Magbago! (Change!)
Change your viewpoint. Change your mind set. Change how you think. Change your perspective.
Sa gitna ng masakit at mapait na mga pangyayaring nabanggit ni Jeremiah ang mga ito : βKaya't sinasabi ko, βNawala na ang aking lakas at ang aking pag-asa kay Yahweh. Simpait ng apdo ang alalahanin sa aking paghihirap at kabiguan. Lagi ko itong NAAALALA, at ako'y labis na napipighati. (v.18-20).
Gayunpaman, ito naman ang pagbabagong nangyari sa kanya. Nanumbalik ang kanyang pag-asa...(vv.21-23):
"Gayunma'y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag NAALALA kong: Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila."
How can you have hope even in your darkest moments? You have to remember, βThe steadfast love of the Lord never fading and his mercy never ends.β
Maaasahan natin ito! Ang kanyang dakilang katapatan laging sariwa bawat araw, bawat umagang darating. Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
Ikaw kapatid, kanino ka umaasa?
Sa panahon ng kabigatan, at mga crisis ng buhay sino at ano ang ating naiisip?
Pinipili mo ba ang umasa at maghintay sa gagawin ng Diyos sa buhay mo?
*****
Dear loving Lord, As we go through our day, help us to remember that your steadfast love never ends, and that your mercies are new every morning. Purihin ka oh Diyos! Dakila ang iyong katapatan! Salamat sa iyong dakilang pag-ibig sa amin na iyong pinatunayan sa krus ng Kalbaryo. At gayundin, salamat sa iyong kahabagan. Because of you, we can wake up each morning free of guilt or shame, and we can walk in newness of life. We entrust our lives on your love and mercy today to see us through whatever comes our way, in the mighty name of Jesus we pray. To you be the glory forever and ever! Amen. πππ
Again, good afternoon sa inyo!π€π€οΈπͺβπΌ
God bless you and your family!ππβ€οΈπ¨βπ©βπ§βπ¦