Mga Piraso ng Isip

Mga Piraso ng Isip Bawat piraso, may kwentong nais marinig.

Working under the moonIn front of a screenIt felt unusual at firstNo daylight to be seen.Coffee became my comfortAnd sil...
22/08/2026

Working under the moon
In front of a screen
It felt unusual at first
No daylight to be seen.

Coffee became my comfort
And silence into a friend
Some thoughts I kept avoiding
Start showing up again

It's a different kind of peace
that I cannot explain
A moment of mixed emotions
Where calm and chaos remain.

I miss the warmth of daylight
The noise of ordinary days
But here I learn to listen
In unfamiliar ways

Even before sunrise
When the sky is almost new
I realized that I'm still growing
Even in this view.

INSPIRASYON SA MUSIKA(Tulang isinulat para sa Ben&Ben )Isang gabi, habang namamahinga,Iniisip kung anong magandang musik...
19/07/2026

INSPIRASYON SA MUSIKA
(Tulang isinulat para sa Ben&Ben )

Isang gabi, habang namamahinga,
Iniisip kung anong magandang musika.
Bukod sa kung anong masarap pakinggan,
Kailangan rin ng isip ang kapayapaan.

Mga awiting kay lamig sa pandinig,
Tungkol sa mga sitwasyon ngayon at sa pag-ibig.
Mga awiting tulad ng "Kathang Isip" at "Araw-araw",
Mga awiting ika'y paiiyakin, o kaya nama'y ika'y mapapasayaw.

Mapa-Ingles, mapa-Tagalog,
Sa aking paggising hanggang sa pagtulog
Sa kasiyahan at sa kalungkutan,
Mga awitin nila'y laging nariyan.

Salamat sa pagiging inspirasyon sa marami,
Naliwanagang mahalin ang kapwa pati ang sarili.
Siyam na miyembro, tunay na hinahangaan,
Tunay na minamahal ng sambayanan.

✍️ Aly Soriano
June 27, 2021

"Mula sigaw hanggang katahimikan"Published in the Kalinaw issue of The Wise Pages Magazine.Thank you once again, TWR Pub...
07/07/2026

"Mula sigaw hanggang katahimikan"

Published in the Kalinaw issue of The Wise Pages Magazine.

Thank you once again, TWR Publishing Services for the opportunity to publish my manuscript.

May mga bagay na dating akala ko'y bahagi ko,Na hindi naman kailangang dalhin hanggang dulo.Mga bigat lang na nasanay ak...
07/06/2026

May mga bagay na dating akala ko'y bahagi ko,
Na hindi naman kailangang dalhin hanggang dulo.
Mga bigat lang na nasanay akong buhatin,
Na akala ko noon ay para sa akin.

Unti-unti ko na silang ibinababa,
Hindi dahil sa pagsuko ang nadarama.
Kundi dahil sa akin nang naunawaan,
Ito'y para rin sa aking kaginhawaan.

Sa wakas, mga hakbang ay gumaan na,
Pati narin ang aking paghinga.
At sa bawat bitaw, mas lalo kong napatunayan,
Ang paggaan ng loob ay hindi kailanma'y kahinaan.

Panatiko ako ng dapithapon.Hindi dahil ito’y wakas,Kundi dahil ito’y simboloNg pangakong babalik bukas.Hindi laging malu...
29/05/2026

Panatiko ako ng dapithapon.
Hindi dahil ito’y wakas,
Kundi dahil ito’y simbolo
Ng pangakong babalik bukas.

Hindi laging malungkot ang paglisan.
Hindi lahat ng pagpapaalam ay katapusan.
Minsan ito’y pahinga lamang,
Upang makapaghanda sa kinabukasan.

Panatiko ako ng dapithapon.
Dahil dito, may natutunan akong aral--
Na kahit matapos ang isang yugto sa tamang panahon,
May bagong liwanag na muling babangon.

~a.r. soriano ✍️

May mga bagay akong dating kinahuhumalingan,Kusang binibigay ang oras, walang bahid na pag-aalinlangan.Ngunit ngayon, ma...
06/05/2026

May mga bagay akong dating kinahuhumalingan,
Kusang binibigay ang oras, walang bahid na pag-aalinlangan.
Ngunit ngayon, may pumipigil sa aking galaw,
Ang dating apoy, unti-unting nawawalan ng ilaw.

Sa paglipas ng napakaraming araw,
Nararamdaman ko ang unti-unting paglayo
Sa mga bagay na ngayo'y bisitang dumadalaw,
Na dati ay bumuo sa aking pagkatao.

Ngunit sa gitna ng pagbabago,
May pag-asang muling bumubulong sa puso
Na baka sa tamang panahon at pagkakataon,
Muli kong mabubuo ang aking "noon".

-a.r. soriano ✍️

Minsan, ang sarap ding mapag-isa.Nagagawa mo yung bagay na gusto mo.Napapahinga ang ang isip kahit papaano.at unti-untin...
22/04/2026

Minsan, ang sarap ding mapag-isa.
Nagagawa mo yung bagay na gusto mo.
Napapahinga ang ang isip kahit papaano.
at unti-unting nahahanap ang sarili mo.

Kahit sa katahimikan, may mga sagot
Na hindi maririnig sa ingay ng mundo.
Dito mo rin mararamdaman
Ang diwa ng iyong kaisipan.

May mga alaalang bumabalik,
May magaganda't may hindi.
Mga sandaling minsang kay sarap balik-balikan,
At may ilan ding pilit mong kinakalimutan

At kahit wala kang kasama,
Hindi ibig sabihin ay kulang ka.
Dahil sa bawat sandaling ikaw ay mag-isa,
Mas nakikilala mo kung sino ka talaga.

✍️A.R. Soriano

May mga bagay na panandalian lamang,Ngunit kung kumapit ay para bang magtatagal.Dumarating nang hindi inaasahan,Umaalis ...
11/04/2026

May mga bagay na panandalian lamang,
Ngunit kung kumapit ay para bang magtatagal.
Dumarating nang hindi inaasahan,
Umaalis na wala manlang paalam.

"Ang ganda! Ang saya!" sa loob-loob ko,
Sana ay hindi na ito magbago.
Hanggang sa nararamdaman kong unti-unti,
Hindi na ito nagiging katulad nang dati.

Parang hangin lang na dumaan sandali,
Hindi ko man hawak, ngunit dama sa sarili.
Kahit pilitin kong huwag nang lumisan,
Kailangan kong tanggapin ang katotohanan.

May mga sandaling sapat nang maranasan,
Hindi pala lahat mananatili kailanman.
At sa bawat pagdating at pag-alis ng ligaya,
Habangbuhay kong dadalhin ang mga iniwang alaala.

Sa mga sandaling tahimik ang mundo,Nandiyan ka lang.Hindi humihingi ng pansin,Hindi rin naman umaalis.Hindi naman nila k...
04/04/2026

Sa mga sandaling tahimik ang mundo,
Nandiyan ka lang.
Hindi humihingi ng pansin,
Hindi rin naman umaalis.

Hindi naman nila kailangang malaman
Ang lahat ng iyong pinagdaraanan.
Ang mahalaga'y ang iyong pananatili
At kahit ganyan lang, may mga bagay parin na nabubuo unti-unti.

Balang araw magiging tahanan
ng pusong pagod ang iyong katahimikan.
At doon mo mapapagtanto
Na ikaw pala ang dahilan ng kanilang pananatili
dito sa mundo.

Kaya hindi ka man kapansin-pansin,
May halaga ka parin.

Address

Batangas City
4200

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga Piraso ng Isip posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category