29/05/2026
Panatiko ako ng dapithapon.
Hindi dahil ito’y wakas,
Kundi dahil ito’y simbolo
Ng pangakong babalik bukas.
Hindi laging malungkot ang paglisan.
Hindi lahat ng pagpapaalam ay katapusan.
Minsan ito’y pahinga lamang,
Upang makapaghanda sa kinabukasan.
Panatiko ako ng dapithapon.
Dahil dito, may natutunan akong aral--
Na kahit matapos ang isang yugto sa tamang panahon,
May bagong liwanag na muling babangon.
~a.r. soriano ✍️