22/12/2024
"Sino ba talaga ako?"
Tanong ko sa sarili ko, "SINO?"
SA "LIKOD NG MGA LENTE",
"ANONG BAGO?"
Palaging hangad ang magagandang litrato,
Ngunit sa likod nito, ano nga ba ang totoo?
"SA NASA PALIGID KO",
Mukha kayong mga engkanto,
May misteryong hatid sa bawat kwento,
Ngunit di lahat ay ginto’t perpekto.
"MGA HUSGA",
"AT PANGAMBA SA BAWAT GUNITA",
Ang mga alaala’y tila nakatira na,
Sa isip kong puno ng pag-aalala.
Noong una'y ligaya sa puso ang dala ng
"HIMIG AT KULAY SA BAWAT SULYAP",
Ngunit ngayo’y tila nagiging puot,
Na para bang ang aking puso'y malapit nang mayatap.
"BAWAT EMOSYON", "SA LIKHA AT KATHA",
Walang duda, sa puso at isip nag-mumula.
Kahit na minsan, ito’y nag-iiwan ng sugat sa isipan,
Hindi parin kita tinuturing na kalaban.
"ALAB" "NG PAGMAMAHAL",
May HADLANG na kailangang daanan,
Ngunit sa kabila ng lahat, may "PUNYAGI AT PAGWAWAGI" paring mararanasan,
Na siyang nagiging "SAGOT SA BAWAT PATLANG".
"KAPALIGIRAN ANG AKING PALARUAN",
Ngunit sa pagdampi ng mga alaala sa aking isipan,
"PAGKALIGAW SA PATAG NA LANDAS" ang aking nararanasan.
"NANG AKO'Y MAPUKAW" ng "MGA ILAW SA DAAN" mula "SA ISANG ILUSYON,
Ako’y nagising, ngunit bakit gano'n? Pabalik parin sa'yo ang nagiging desisyon.
Salamat sa aking mga naging ilaw, naka-ramdam ako ng proteksyon.
Salamat din aking ilusyon, na dati'y tinuturing kong sa lahat ay pinaka-solusyon.
"AAYON DIN ANG PANAHON",
Sa tamang tiwala sa Panginoon.
"KONEKSYON SA BAWAT EMOSYON",
'Yan ang aking mapapayo sa inyong relasyon.
"HINDI LANG AKO 'TO",
Hindi lang ito ang buo kong pagkatao,
Darating ang araw na mas makikilala ko pa ang sarili ko.
"NAKUHA MO KO SA MGA KUHA MO",
Ngunit bakit ako’y iyong binitiwan? Ako ba'y mabaho?
"LIGAYA NA DALA" ng masayang alaala,
Ito’y "MARKADO" sa pusong ngayo'y mapakla.
"BALIK TANAW" na lamang ang aking kayang gawin,
Masakit mang isipin, ngunit ito'y kailangang tanggapin.
"MALAYO PA PERO MALAYO NA", tahakin natin ang ating landas,
Ngunit kung ang pipiliin mong daan ay maputik, 'wag mag-atubiling papunta sa'kin madulas.
"MUNI-MUNI" nalang muna nang may tiyaga,
Mabubuo ko rin ang sagot sa tanong na "SINO BA AKO TALAGA?"
Ps: Sa nag-basa ng lahat at umabot dito,
Bibigyan kong free skin ni Paquito.
At Walang connect ang caption sa litrato,
Pero kung ika'y mag-rreklamo, papalarin 'yang mukha mo.