23/02/2023
As of now feb 24, 2023 1:00am ganto parin
around 9pm of feb 23, 2023 binuksan nila ang gauge para magpatapon siguro ng maduming tubig na ginagawa naman nilang madalas pero ano nga ba ang concern natin dito?
There is no early warning devices na medyo malayo sa lugar na ito kung saan yung tubig na nang gagaling dito ay parang nakakaabala na para sa katapat na mga kabahayan.
Bakit po kaya kaylangan siguro ng early warning devices?
Para po siguro mag slow down ang mga sasakyan na walang ideya tungol sa lugar na ito.
One reason bakit pinost naren natin ito hindi lang dahil sa basang kalsada na naidudulot neto kung ano man po ang proyekto na ito.
Ang pagtalsik ng mga tubig ay nakakabahala.
Alam po namin na binibigyan naman ng aksyon ng Santa Maria Water District ito
Hiling lang po namin ang mas mabilis na solusyon sana.
Tungkol naman sa sira o butas butas na kalsada na hindi naman dating ganito.
Nilagyan po ng buhangin noon ang mga butas butas na parte ng daan ngunit naging mas sanhi pa ata ito ng pagdulas ng gulong ng iilang motorista.
Ang madulas masangsang at maitim na tubig na nasa daanan ay nakakaperwisyo naren po.
May mga ilang motorista na po ang naaksidente sa lugar na ito kadalasan ay mga motor kung saan sila ay nabibigla o dumudulas sa paahong parte ng Barangay Caypombo, Santa Maria, Bulacan maaring may ulat na ito sa DPWH Cityland
Concern lamang po kami patungkol sa lugar na ito maaring madami narin mga motorista ang nagkaroon ng abala dahil sa hindi malaman laging basa na kalsada na may masangsang na amoy na nagiging dahilan ng pagkasira ng daanan.
Wala lang siguro naglalakas loob na mag ulat tungkol dito pero sana po mabigyan ng agarang aksyon at solusyon sa nasabing problema inaasahan po namin na ang kanya kanyang sangay ng gobyerno ay magkaroon ng kahit kaunting malasakit.