Page ni Vian

Page ni Vian Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Page ni Vian, Photography Videography, Butuan City.

10/10/2024

" Pagtitiis"

Masakit na ang sitwasyon,
Kailangan na rin naman tayo sa kumunikasyon,
Maayos pa ba ang ating relasyon?

Tinitiis ko nalang ang bawat sakit,
Upang ang pagsasama nati'y huwag lang
mawagti,
Kailangan pa ba natin itong ipilit?
Kahit puno na ng hapdi at pait?

Sa bawat araw, pahirap nang pahirap
Ang pagmamahal na nawala, saan ko na ba mahahanap?
Mananatili bang ganito ang pagsasama?
Pilit nalang na pawang madugong pahina sa istorya?

Hanggang kailan ko ba ito titiisin?
Sakit ay akin pa kayang kakayanin?
Sarili nama'y pagod na rin,
Maisasalba pa ba ang binuong pag-ibig natin?

10/10/2024

" Libro"

Isasara ko na ang huling kabanata,
At sisimulan ang kwento na
hindi na ikaw ang paksa.

Isasarado ko na ang libro,
Mukhang tapos na yung pahina,
Mukhang tapos na yung kwento,
Siguro gagawa uli ako ng bagong
istorya,
Na wala ng ikaw at ako.

At ngayon sa wakas,
Malinaw na sakin ang lahat,
Ang galing, para akong may suot
na
Bagong salamin yun pala yung silbi
na luha,
Upang linisin ang mata ko
para makita nang malinaw na hindi tayo para sa isa't-isa.

10/10/2024

'"PAUBAYA"

Naalala mo pa ba noong simula,
noong mga ngiti'y 'di nawawala,
noong buo pa ating pagtitiwala?

Ako, naalala ko parin ang lahat,
lalo noong atin nang isiniwalat,
sa pamamagitan ng mga sulat,
na isa't-isa para sa'tin ay sapat.

Masakit kumapit 'pag ipinipilit,
bibitaw ka parin kahit ihigpit,
' wag mag-alala dahil 'di lalapit,
kahit pagkadurog ang kapalit.

Siya ang sayo'y nagpapasaya,
kaya handa akong magpalaya,
sayo na minsang nagpaligaya,
sa puso kong magpapaubaya.

08/10/2024

BUWAN NG
WIKANG PAMBANSA

Buwan ng agosto,
Ipinagdiriwang nang
Sambayanang pilipino
Luzon, Visayas, Mindanao
lisa lamang ang siyang sinisigaw

Wikang pambansa, na mas kilala
bilang buwan ng wika
Tradisyon, Lahi, kultura
ang tinutukoy nila halina't balikan ang alala ng nakaraan
kung saan sinakop tayo ng mga dayuhan

kung paano ang
mga ari-arian ay pinamunuan
Mga bayaning nag buwis
ng buhay sa labanan para sa bayan
Makamit lamang ang kalayaan,
At karapatan ng bawat
isang mamamayan.

08/10/2024

"UMAASA"

Lihim na patingin,
Ang aking gawain.
Umaasa na iyong mapansin.
Ang aking damdamin.

Mula sa malayo ay tanaw,
Bukod tangi kang nangingibabaw.
Ngunit parang may nahulog na bulalakaw,
Nang bigla kang lumitaw.

Nagtago sa isang tabi,
Na parang aabutin ng gabi.
Tumingin sa iyong labi,
Na parang may ibang sinasabi.

Umaasa na iyong makita,
Ngunit paano kung ako'y di mo kilala?
Kay tagal na kitang hinahangaan,
Ngunit hanggang ngayon ay di mo na rin ako matawasan.

08/10/2024

"NARARAMDAMAN"

Dadalaw nanaman ang gabi,
Na puno ng luha't pighati.
Nasasaktan at walang kasama,
Sa ilalim ng nag niningning na tala

Sa mundong ito,
Nagdurusa ang tulad ko.
Gusto ko nang magpahinga,
Sa bisig ng ating Diyos ama,

Wala nang saysay para lumaban pa,
Puso't isipan koy pagod na.
Sarili'y di na kayang ilaban,
Dito sa mundong puno ng kalungkutan.

Wala akong mapagsabihin,
Kahit sa aking mga kaibigan.
Gusto ko nang lumisan,
At pumunta sa ibang kalawakan.

16/09/2024

"TULA"

Tula na napapatungkol sa ating dalawa,
Tula na kung saan ikaw at ako lang ang bida,
Kaso para tayong nasa pelikula,

Na may isang kukontra sa pagiibigan nating dalawa,
May isang pilit na sinisira ang koneksyon natin sa isat isa,
At saaking pag aakala na hindi ka magpapadala,

laking pagkakamali ko para pagkatiwalaan ka sinta,
Akala ko hindi ka tulad ng iba,
Kaso nagmakasakali ako ng akala,

Ang hinala at takot kong ika'y mawala,
Ngayon ay nagtotoo na,
Wala nakong magagawa pa,

kundi ang hilingin kay Bathala na sana masaya kayong dalawa,
Kahit inagaw kalang niya saakin sinta,
Hihilingin ko parin na masaya kayong dalawa,

Isarado ko na ang aklat,
At ako'y muling susulat ng tula.

16/09/2024

"SA KANYA, ALAY KO ANG
AKING TINIG

Sa bawat gabi'y gusto kang hagkan,
ating pagsasama'y nais balikan.
At sa maulang gabi
nais kang makatabi.

Sa'iyong kagandahan walang kupas,
iniisip ka sa bawat oras.
Hanggang mag tagpo ang araw at buwan
lahat ng oras sayo ilalaan.
Ikaw ang susi sa kandado
sa puso't isip kong sarado
Sa aking panaginip larawan mo'y pininta sa alapaap
at sa pag gising patuloy na nangangarap,
isang pangarap na mahirap kamitin.

Naghihintay sa pagkakataong mahulog ka sakin
pangako sayong ikaw ay sasaluhin,
at sa pagkakataong ito'y di paasahin
Nais ko mang sabihin ang aking nararamdaman
ngunit ako'y kinakabahan,
kasi baka hindi ito pahalagahan.

Oh aking binibini o maaring tawaging sinta,
handang ialay sayo lahat ng kanta,
ako'y narito handa kang samahan,
sa hirap at ginhawa di ka iiwan.

"Bakit ka natatakot na pumasok ulit sa relasyon?""Ayokong maranasan ulit ang takot at trauma,""Paanu mo makikilala ang t...
07/09/2024

"Bakit ka natatakot na pumasok ulit sa relasyon?"

"Ayokong maranasan ulit ang takot at trauma,"

"Paanu mo makikilala ang taong magmamahal sayo ng tunay kung takot kang pumasok ulit?"

"Hindi ako takot sa pakikipag-relasyon. Ang kinakatakot ko ay ang maranasan ulit na umiyak gabi-gabi. Magmakaawa sa oras at atensiyon. Maging sunod-sunoran at mag-overthink kung saan ako nagkulang. Kung saan ako nagkamali para iwan at ipagpalit sa iba. Nakakapagod ang ganung relasyon eh. Nakakapagod magsayang ng luha sa taong hindi naman nakikita ang value ko."

"Ganun pala. It's okay. Take your time to heal. Love yourself for now because right man will come to love you the way you want to be loved."

"I will. And i hope one day, if i meet love again, i hope it's pure and genuine."

—don't rush to be loved the way you wanted to. heal yourself and don't settle for less again.

Address

Butuan City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Page ni Vian posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share