03/04/2024
PAG-AALAY
(Unang Miyerkules ng buwan)
Kalinis-linisang Birhen Maria, * Ina ng Diyos at Ina ng Sta. Iglesia, * ikaw ay amin ding Ina na laging handing sumaklolo sa amin. * Taglay angmga pusong lipos ng pag-ibig sa iyo * iniaalay namin an gaming sarili * sa iyong Kalinis-linisang Puso * upang kami ay maging tapat mong mga anak. * Ihingi mo kami ng tunay na pagsisisi * sa aming mga kasalanan * at katapatan sa aming mga ipinangako * nang kami ay binyagan.
Iniaalay naming sa iyo * ang aming pusoβt kaluluwa * upang lagi naming sundin * ang kalooban ng aming Ama sa langit. * Iniaalay namin sa iyo ang aming buhay * upang lalo naming mahalin ang Diyos * at mabuhay kami, hindi para sa aming sarili * kundi para kay Kristong iyong Anak * at upang siyaβy aming Makita at paglingkuran sa aming kapuwa.
Sa abang pag-aalay na ito, * pinakamamahal na Ina ng Laging Saklolo, * ipinangangako namin na ang aming buhay * ay itututlad namin sa iyo * ikaw na pinakaganap na kristiyano * upang matapos naming , mailaan sa iyo an gaming sarili * sa buhay at kamatayan * ay makapiling nawa kami * ng iyong Anak mapakailanman. Amen.
Mahal na Ina ng Laging Saklolo
Ipanalangin Mo Kami