03/10/2018
MISTERYO SA STARMALL ALABANG STORIES:
Repost from page "Mga Kwentong Multo"
1. Roving
By: Mr. Nice Guy 28
Pasintabi po sa mga members dito, at dahil buwan na naman ng katatakutan ngayon, nais ko po ishare sa inyo ang experience ko.
Isa po akong GUARD ON DUTY na rumoronda minsan sa Starmall Alabang, at kadalasan schedule na binibigay sakin ay closing. Yun po bang 10pm hanggang 7am. Naaassign naman po aq minsan ng pang araw. Bago lang po akong gwardya sa Starmall Alabang. Mga nasa 4 na araw pa lang ako.
Marami na po akong karanasang kababalaghan sa naturang shopping mall na yan. Dating sementeryo ang kinatatayuan niyan bago tayuan ng shopping mall. Ang mga multo jan ay walang pinipiling oras, kahit oras pa ng opening, nagpapaligid ligid sila at kung tawagin sila'y MISTERY SHOPPERS. Sa may CR sa baba, lalo na kapag nag-iisa, nagpaparamdam ang lalaking nakabarong at duguang babae. Kaya kadalasan ang mga tao dun nagpapasama. Mas matindi sa may sinehan at sa may CR ng sinehan. Habang nanonood, hindi mo inaakalang tumatabi sayo ang mga kaluluwang nakikinood din. Napakalakas talaga ng loob ng mga multong ito, na biruin mo kahit maraming tao, nagpaparamdam pa din sila.
Heto po experience ko, lalo na roving po ako ng closing time. Pumapasok ako sa loob kadalasan, kahit wala ng tenant oh mga empleyado sa loob. Iniikot ko ang buong paligid ng mall, para sa seguridad, at baka may mga makapasok na mga magnanakaw oh ano man. Madalas ako nakakarinig sa may sinehan na animo'y mga nanonood, ngunit nakakapagtaka dahil close na nga ang mall at wala na ni isang tao pa. Maliban sa aming mga gwardya. Tatlo kaming roving, nakaassign ako sa loob, yung dalawa sa labas. At kahit yung dalawa, hindi naman pumapasok sa loob dahil sa labas lang talaga sila nagroroving. At dahil malakas ang loob ko, tumungo ako sa may sinehan. Hindi pa man ako nakakapasok sa pintuan, biglang tumigil. Doon na ako nakaramdam ng kilabot. dali dali akong bumaba. Habang pababa ko, nakakaramdam ako ng tila may sumusunod sa akin. At dahil sa sobrang tindi ng kilabot ko, napatakbo ako hanggang exit door ng mall. Napatingin ako sa isang stall, nakakita ako ng dalawang lalaking nakatayo, nanlilisik ang tingin nila sakin. Sa kanang bahagi, babaeng nakalutang. Napasigaw ako sa sobrang takot palabas hanggang sa makita ko ang dalawa kong kasamang gwardya na nagpapatrolya sa labas. Naikuwento ko sa dalawa ang nangyari sakin. Pinakalma nila ako. Ikinuwento din nila sakin ang mga karanasan nila sa mall. Dahil matatagal na silang nagtatrabaho, nasanay na daw sila.
2. Scary Movie
By: SupladithaXx
Isa naman po akong estudyante sa San Pedro College of Business and Arts. Noong Sept., block buster pa noon ang movie na "The Nun". Nagkayayaan kaming magkakaklase manood ng sine sa Starmall Alabang. Apat kaming magkakaklase na magkakasama. Habang nakasakay kami ng jeep from school namin papuntang Alabang, nagkwento ang isa naming kaklase, na may magmumulto daw talaga sa may sinehan. Eh syempre hindi talaga namin pinaniwalaan at pinagtawanan namin siya. Hindi namin upyung iniintindi dahil sa matinding excitement namin manood ng "The Nun", pagkakataon na namin kasi yun.
Habang papasok na kami sa may sinehan, yung kaklase naming nagkwento samin sa jeep, nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Hindi pa kami nakakaupo, tila may tinitingnan siya sa may gilid. Tinatapik niya kami, nakakita daw siya ng babaeng nakaputing nakatayo. Paglingon namin sa tinutukoy niya, wala naman kaming nakita. Pinagtawanan na naman namin siya sa ikalawang pagkakataon. Dito na ako nagsimulang makaexperience ng makapanindig balahibong karanasan. Nagsimula na ang palabas. Habang nanood kami, nakaramdam ako ng tila napakalamig na hangin at ito' y naramdaman din ng aking mga kasamahan. Hindi na lang namin pinansin, dahil napakaraming nanonood, itsapwera lang sa kanila. Nasa kalagitnaan na ng panonood, nakapansin ako sa may bandang gilid na may babaeng nakaputi na nakatayo. Lumalakad sa harapan ng screen. Hindi man lang nakakapansin ng mga manonood. Ngunit ako, kitang kita ko mismo naglalakad sa harapan. Kasabay ng pananakot sa palabas, sumabay din ang babaeng multo sa sinehan. Ako at ang kaklase kong nagkukwento samin ang tanging nakakita. Nagtaka din ang dalawa kong kasamahan kung bakit nanginginig na ako. Sinabi ko na lang na giniginaw na ako.
Natapos ang palabas, sabay sabay kaming nagsilabasan. Habang papalabas pa lang kami, biglang may sumigaw, isa sa mga nanonood sa sinehan, pagkakabukas ng ilaw, nakakita daw siya noon ng babaeng nakaputi na nakatayo naman sa may gilid.
Patuloy pa din hanggang ngayon ang pagpaparamdam ng mga kaluluwang hindi matahimik sa Starmall Alabang.
3. Parking Loop Area
By: Zhen Sherwin
Kamakailan lang ko lang heto naranasan. 9:30 in the evening, halos pasara na ang mall. So after shopping, syempre yung kotse namin nakapark sa may 3rd floor ng parking loop. Yung anak ko, excited ng umuwi, sa halip na magsabay kami papuntang parking area, tumakbo siya papunta dun at napahiwalay sa akin. Madilim ang paligid, may ilan ilan namang mga nakapark na mga sasakyan, ngunit hindi naman karamihan. Hinanap ko ang anak ko, tawag ako ng tawag sa pangalan nya, dahil sa sobrang pag-aalala. Nang biglang makarinig ako ng sigaw. Napag-isip ko, anak ko yun. Hanggang sa nakita ko siya sa may kotse namin, habang nakasigaw may tinitingnan siya. Sabi daw niya nakakita daw siya dun ng lalaking nakabarong at babaeng nasa loob ng kotse na nakatitig daw sa kanya. Hindi ko nakita yung sinasabi niyang lalaking nakabarong, ngunit paglingon ko sa isang kotseng sinasabi niya, dun nako nagulat at kinilabutan. Nakatitig na takaga samin yung babaeng nakaputi na ang sama ng tingin samin. Tila pinapahiwatig na umalis na kami sa lugar na yun. Sa sobrang takot, ang mga pinamili namin, bigla ko na lang inihagis lahat sa loob ng kotse at dali daling umalis. Habang dumadaan na kami sa may loop pababa, may biglang dumaan sa unahan na lalo kong kinatakot. Binilisan ko ang pag andar ng kotse para lang makalabas agad.