26/07/2023
HAPPY 109th ANNIVERSARY PO TO ALL BRETHREN AROUND THE WORLD
(๐๐ก๐ ๐๐จ๐๐)
Written By Lady Jane Lucaรฑas
Ayon sa hula ng Banal Na Kasulatan,
Magmumula Ito sa malayong silangan,
Ito'y mula sa bahaging sikatan ng araw,
Ang Iglesia Ni Cristo ay muling lilitaw.
Sa gitna ng unang digmaang pangsanlibutan,
Sa mga umaalingawngaw na mga labanan,
Iglesia Ni Cristo ay nakilala ng buong sangkatauhan,
Sapagkat ito'y lumitaw nang hindi nila inaasahan.
Sa Bansang Pilipinas natupad ang hula,
Buong sanlibutan ay biglang nabahala,
Iglesia Ni Cristo sa mga wakas ng lupa,
Biglang lumitaw nang 'di nila inakala.
Sa Biblia may isang taong hinulaan,
Mga tao'y dadagitin mula sa kadiliman,
At sila'y dadalhin mula sa kaliwanagan,
Nang upang magkaroon ng karapatan,
Na ang Panginoong Hesu-Cristo at Ang Dios ay paglingkuran!.
Noong Hulyo Veintisiete Mil Novecientos Catorce,
Itong Ibong mandaragit, sa Diyos, tapat na nagsilbi,
Mula sa kadiliman, dinala tayo sa kaliwanagan,
Tayo'y ipinakilala sa tunay na Diyos at sa Tagapamagitan.
Isang hamak na tao ang naging katuparan
Siya ang ginamit ng Diyos na maging kasangkapan,
At Siya ay ang kapatid na Felix Y. Manalo,
Ang Sugo Ng Diyos sa mga huling araw na ito.
Nang Siya ay nagsimulang magturo ng ibanghelyo,
Siya ay pinagtatawanan lamang ng mga tao,
Inusig ng ibat-ibang lahi, relihiyon at tagapagturo,
Sapagkat Isiniwalat Niya ang mali at ang totoo
Ilang pang-uusig na tiniis mula sa mga sangkatauhan,
Nang dahil sa hindi tayo nakikiisa sa mga kilusan,
Pinandidirian, tinatakwil,inaalipusta at pinagtatawanan
Ganyan ilarawan ang ating mga naging kasaysayan.
Sapagkat nasusulat sa Banal Na Kasulatan
Iglesiang ito ay kapopootan ng karamihan,
Di lang isag tao, kundi ng buong sanlibutan,
Nang dahil Kay Cristo Hesus, dahil sa Kaniyang pangalan.
Madami mang pilit na pabagsakin ang Iglesiang Ito,
Walang nagtagumpay, Sapagkat may Diyos tayo,
Dahil kung ang Iglesiang Ito ay hindi sa Panginoong Diyos,
Hindi Ito lalago, itoy madadapa't 'di matataguyod ng lubos.
Nagsimula sa isang taong kasangkapan Mo,
Ngayon ay lumaganap sa ibat-ibang pulo ng mundo,
Mula sa malayong silangan hanggang sa malayong kanluran,
Lumaganap Ito maging sa hilaga at sa dako ng timogan.
Walang rason Ama na 'di ka namin Pasalamatan
Isang daan at walong taon mo kaming ginabayan
Sa mga kaaway ay laging Mo kaming pinagsasanggalan
Kaya't ang tagumpay na ito ay sa Iyo namin Inilaan.
Ngayon Kaming lahat, Sa Iyo ay nagpapasalamat,
Di kami magsasawa na sa iyo kami'y laging magtatapat,
Sa bawat araw, lalo Mo kaming pinapagtagumpay,
Nawa'y matamo namin Ang WALANG HANGGANG BUHAY.
____________________
Isa. 43:5-6
"Huwag kang matakot, sapagkat ako'y kasama mo! Titipunin ko kayo mula sa dulong silangan hanggang sa kanluran, at ibabalik ko kayo sa inyong dating tahanan."
1914 - 2023๐ฎ๐น ๐ต๐ญ
Sa Diyos lahat Ng Kapurihan
๐โ๐๐ก๐ ๐๐๐ก ๐๐๐๐;๐ถ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐กโ๐ ๐๐๐โ๐ก๐๐ข๐ ๐๐ค๐๐๐