03/06/2016
God's beautiful timing.
May 2016 - Iba, Zambales! (Orayt!)
Kung meron man akong babalikan wedding sa lahat ng na shoot ko siguro itong wedding na nila Sir Erwin and Mam Kris ang babalikan ko. Bakit ko ba sya naging super gusto. Namangha ako sa ganda ng pagkatao ng dalawang ito puyat sila, pagod, nagtatrabaho before and after the wedding, maraming inaasikaso, madaming nagbibigay ng stress guest, entourage, family and even supplier pero still what i admire. Gusto ko purihin yung taste nila sa pagpili ng lahat lahat like souvenir yung rice coffee, yung lambanog, yung malagos chocolates, yung abaniko, yung invitation na pinag effortan ng groom dahil sya mismo ng shoot sa simbahan, yung mga props sa photobooth, yung mga backdrop sa stage na halos sumakit yung tyan ko kakatawa (alam ni mommy mo mam kris kung bakit at yung team ko na pinaghahampas ako hahahaha) yung cake na masarap at first time kami nakatikim ng wedding cake ng bride and groom, yung bibingkaaaaaaa! Sarap sarap. Halos lahat wala kang malait sobrang ganda ng preparation at naappreciate namin yun, Thank you sobra! kaya nga sobrang gusto ko balikan itong wedding na ito dahil they deserved the attention of everyone and we really really want a beautiful wedding photos and videos na 30 years or a long long years yun yung matatandaan na sobrang ganda engrande ng wedding na ito. I pray that Lord will bless your union, we are here Me, Anna, Kim, Evan and Japh suportado namin kayo hahahaha basta may bibingkaaaaaaaaaaaa! Pinapangiti ko lang kayo mam Kris and sir Erwin.
Seryoso muna tayoooo. :D
Maraming Salamat sa masayang ala-ala Mr. and Mrs Rivera! Ang mensahe ko para sa inyo ay magmahalan kayo, matututong ibalanse ang buhay bilang mag asawa, nagtatrabaho, pagiging kaibigan, anak sa mga magulang, at sa kapwa. Ngayon na kayo ay iisa na dalangin ko ang kapahingahan sa inyo hindi lang pisikal pati spiritual, at nawa ang Diyos ang pumagitna sa inyong pagsasama. Hindi man sobrang nag work lahat ng plano during the wedding I know all the plans of the Lord in this union ay mas Masaya, masarap, maganda at very unforgettable dahil hindi Nya hahayaan na hindi kayo magiging Masaya. Gusto ng Lord HAPPY Kayo! Saya Saya.
Mabuhaaaaaaaaaaaaaaaaaay ang Bagong Kasal!
Mahal namin kayo and Happy to See you soon kasama si junior HAHAHA. HAHAHAHA.
Love,
Marco, Anna, Kim, Evan and Jhap
God's beautiful timing. May 2016 - Iba, Zambales! (Orayt!) Kung meron man akong babalikan wedding sa lahat ng na shoot ko siguro itong wedding na nila…