Oblation.

Oblation. an offering of sight in luce, spes et gratia.

libad.
30/06/2026

libad.

apo juan.
30/06/2026

apo juan.

kamahal-mahalan.
30/06/2026

kamahal-mahalan.

ang bato’t espada.
30/06/2026

ang bato’t espada.

kanlungan.
24/06/2026

kanlungan.

sa Kaniyang pakikipagkaisa.
24/06/2026

sa Kaniyang pakikipagkaisa.

𝐩𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚.May mga alaala na hindi naman madrama noong nangyari, pero habang tumatagal, saka mo lang napapansin na doon pala...
04/01/2026

𝐩𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚.

May mga alaala na hindi naman madrama noong nangyari, pero habang tumatagal, saka mo lang napapansin na doon pala nagsimula ang pag-unawa mo sa sarili. Ganito ang Obando sa akin. Hindi siya isang biglaang liwanag. Isa siyang ilaw na unti-unting nasisindihan sa loob ng dibdib.

Noong bata pa ako, hindi ko tinatanong ang mga dahilan. Ginagawa ko lang ang mga bagay dahil ginagawa rin ng mga nauna sa akin. Isa na roon ang pagpunta sa Obando bago umalis ang sinuman sa pamilya, lalo na kung ang alis ay may kasamang maleta, luha, at pangakong babalik ako.

Bago barko. Bago eroplano. Bago ang mahabang pamamaalam. May isang simbahan na kailangang daanan. Parang huling hinto bago ang kawalan ng kasiguruhan. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin tinanong. May mga tanong kasi na hindi pa handang sagutin ng bata, at may mga sagot na darating lang kapag ikaw na ang napapagod.

Hindi kami pamilyang palasimba. Hindi rin kami palasayaw. Pero may panatang tahimik, parang tibok ng puso; hindi mo man namamalayan, nariyan lang, nagpapaalala na may dahilan ang bawat paghinga. Dumalaw. Magdasal. Humiling ng ligtas na pag-alis. Hindi engrande. Hindi maingay. Pero totoo.

Habang tumatanda ako, doon ko napagtanto: hindi pala kailangang maintindihan agad ang panata. Minsan, inuunawa mo lang ito kapag ikaw na mismo ang may pasan na takot. Kapag ikaw na ang may iiwan. Kapag ikaw na ang natutong matakot hindi lang sa pag-alis, kundi sa posibilidad na may hindi na bumalik.

Sa Obando, una kong naramdaman si Santa Clara bilang hindi nakakatakot na kabanalan. Hindi siya yung santo na parang laging may sermon. Siya yung presensya na parang nagsasabing, “Huminga ka muna.”

Santa ng malinaw na panahon, sabi nila. Pero para sa akin, santa siya ng paglilinaw: ng isip, ng loob, ng mga dasal na sabog-sabog kapag puno na ang utak. May itlog sa paanan niya. Isang bilog, marupok, puno ng posibilidad. Walang sigaw. Walang drama. Isang tahimik na pag-asa lang na sana gumaan ang langit, sa labas man o sa loob.

Sa isang bayang umaasa sa galaw ng panahon, natutunan ng mga tao na hindi lahat kontrolado. Minsan, dasal na lang ang hawak mo. At minsan, sapat na iyon para makatawid.

At naroon ang sayaw, ang indak ng mga paa bilang panalangin. Dati, para sa mga diyos ng kalikasan. Nang dumating ang Kristiyanismo, hindi pinutol ang ugat ng paniniwala; binigyan lang ito ng bagong pangalan. Parang mental health din—hindi mo binubura ang lahat ng sakit, tinuturuan mo lang ang sarili mo ng bagong wika para harapin ito.

Kasabay ni Santa Clara si San Pascual Baylon, isang santong tila nagpapaalala na ang katawan ay hindi kaaway ng pananampalataya. Na ang pagod, ang pawis, ang galaw, lahat ng ito ay maaaring maging dasal. Sa Obando, natutong gumalaw ang panalangin. Hindi ito nakakulong sa mga salita. Umaabot ito hanggang balakang, tuhod, at talampakan.

At sa gilid ng lahat ng ito, tahimik na naroon ang Birhen ng Salambao, isang Ina na hinango mula sa dagat. Para sa pamilya naming sanay sa pag-alis, siya ang pinakamasakit at pinakamatapat na simbolo.

Ang dagat ay buhay. Ang dagat ay panganib. Ang dagat ay pangako at banta sa iisang alon. Kaya siguro, sa isang Birheng natagpuan sa lambat, doon namin inilalagay ang takot naming hindi masabi: "Ingatan mo sila habang wala kami roon."

May kuwento ang aking ama na paulit-ulit naming binabalikan. Noong minsang umalis siya nang hindi dumaan sa Obando, walang dasal, walang sandalan—nasunog ang barkong sinakyan niya. Nakaligtas siya. Pero may bahagi ng kuwento na nanatiling abo sa alaala. Simula noon, natutunan naming huwag maliitin ang mga ritwal na nagliligtas sa amin sa kawalan ng kontrol.

Doon ko napagtanto: ang panata ay hindi pamahiin. Isa itong minanang mekanismong may dalang kapanatagan. Isang paraan ng pagsabi sa sarili: hindi ka nag-iisa sa takot na ito.

Gaya ng Birhen ng Salambao, nagsimula rin ang aming pamilya sa payak at marupok na buhay. Kinailangan ng sakripisyo, lalo na ng aking ama, para maitawid ang mga araw na walang kasiguruhan. Kaya ngayon, dala namin ang panatang hindi na ipinagpapaliban. Dumaraan kami sa Obando hindi para baguhin ang kapalaran, kundi para ihanda ang loob.

Hindi upang sumayaw.
Hindi upang makiuso.
Hindi upang subukin ang Diyos.

Kundi upang ipaubaya ang hindi na kayang buhatin.
Kundi upang magpaalala na may pinanggagalingan ang bawat pag-alis.
Kundi upang maniwala na ang dasal, kahit walang galaw, basta't nag-ugat sa marubdob na pananampalataya ay kaya ring magdala ng kaligtasan.

At kung may himala mang nagaganap sa Obando, baka hindi ito palaging nakikita. Baka hindi ito palaging agad nararamdaman.

Baka ang himala ay ang katotohanang, sa tuwing umaalis kami, may naiiwang takot, pero may kasamang pag-asa.

At sa tuwing bumabalik kami, dala namin ang paniniwalang kahit gaano kalayo ang narating, may panatang marunong maghintay. Maghintay sa sinumang babalik dahil lagi't-laging may uuwian sa Kaniya.

pistang bayan sa plaridel.
31/12/2025

pistang bayan sa plaridel.

Address

Calumpit
3003

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Oblation. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category