28/08/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Agosto 27, 2026โIpinagdiwang ng Institusyon ang Buwan ng Wika kasama ang samahan ng TLE/ICT sa pamamagitan ng ibaโt ibang programa, pagtatanghal, at paligsahan na nagbigay-diin sa wikang at kulturang Filipino. Naging bahagi ng selebrasyon ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Baitang 12 na nagpakita ng kanilang talento at pagkamalikhain sa ibaโt ibang gawain.
Sinimulan ang programa sa pagtatanghal ng Zumba ng mga mag-aaral mula Kindergarten kasama ang mga miyembro ng Indayog. Ipinamalas naman ng mga mag-aaral mula Baitang 10 hanggang 12 ang kanilang talento sa pagkanta at pagsasalin ng mga awitin sa wikang Filipino.
Kabilang din sa mga paligsahan ang Kulturang Pilipino Medley, Sining sa Abaniko, Sining sa Bilao, InfoBoard, at Salin-Wika. Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, naipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan sa sining, pagtatanghal, pagkukuwento, pagsasalin, at pagpapahayag ng mga ideyang may kaugnayan sa wikang at kulturang Filipino.
Bukod sa mga gawaing nakatuon sa wika at kultura, isinagawa rin ng samahan ng TLE/ICT ang ibaโt ibang paligsahan tulad ng Nutri-Hat Competition, Poster Slogan, Nutri-Dressmaking, Eco-Friendly Dressmaking, at Nutri-Vlog Commercial. Lumahok ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Baitang 12 upang maipakita ang kanilang pagkamalikhain sa pamamagitan ng mga kasuotan, poster, bidyo, at iba pang likhang-gawa.
Sa kabuuan, naging pagkakataon ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang mga talento habang nakikilahok sa mga gawaing nagbibigay-halaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino. Sa pamamagitan ng ibaโt ibang pagtatanghal at paligsahan, naging bahagi ang bawat baitang sa pagdiriwang at pagpapahalaga sa sariling wika at kultura.
๐ธ: Krysha Lopez, Kim Pestelos, Elizah de Villa
โ๐ป: Antonia Balasbas