21/07/2025
At nakaupo sa gilid ng k**a na parang gilid ng mundo
tuhod sa tuhod,
k**ay na halos magdikit pero hindi.
Kunwaring hindi ramdam ang hangin
na parang paputok na lang ng apoy,
at siguro, palaging itinadhana para masunog.
Siguro 'yon talaga ang punto:
dalawang malalambot na tao
na pilit nagiging bakal,
nagkakahiwa sa talim
ng mga salitang hindi masabi.
At nagyosi nang nagyosi
na hindi naman gusto,
sa likod ng hagdanan sa hatinggabi
nagnanakaw ng mga sandaling kunwaring walang halaga,
kunwaring hindi minimemorya
ang kurba ng likod ng isaโt isa habang papalayo.
Kunwaring hindi mabigat
ang katahimikan sa lahat ng hindi masambit
tulad ng kung gaano ang gusto
sa paraang hindi maibulalas,
tulad ng kung paano alam
na kalahati ng puso ay wala na rito.
At hinalikan ang isaโt isa
na parang laro lang,
tulad ng mga batang naglalaro ng apoy,
tinitikman ang pait ng takot
sa dila ng isaโt isa.
Alam na, oras na lang ang bibilangin
bago may tumakbo,
bago may magmahal ng kaunti lang nang sobra,
bago kailanganing pangalanan kung ano nga ba talaga:
isang mabagal, maganda, at siguradong pagguho
na kapwa sinadyang suungin
ang mga tagapagdala ng puso ng panahon namin.
Kaya kunin mo itong nanginginig kong puso.
Idikit mo sa tenga na parang kabibe,
at pakinggan mo ang alon
ng lahat ng hindi ko maibigay,
lahat ng hindi mo kayang hingin.
Dahil hindi ito epiko ng pag-ibig.
Hindi talaga.
Ito ay eulogiya
ng dalawang taong bumabagsak sa isaโt isa
para lang hindi mag-isa
habang alam, sa simula pa lang,
na para lang laging magbibitak.
Hindi tayo itinadhana para tumagal.
Itinadhana lang tayong masaktan nang maganda.
- gatsby
๐ Location: Biri, Northern Samar
๐ธ Camera: Canon 4000D with kit lens & ND filter
๐ง Settings: ISO 200 | Shutter Speed 1/4000 | Aperture f/5.6