Katolikong Caviteño

Katolikong Caviteño "Deboto sa pananampalataya, taos-puso at masaya sa pagbabahagi ng kwento"

Katolikong Caviteño is based in Cavite City.

Sa patuloy na pagpapayaman ng itinatanging tradisyon ng Pasyon, inihahandog ng Pamilya Molina sa kauna-unahang pagkakata...
13/03/2026

Sa patuloy na pagpapayaman ng itinatanging tradisyon ng Pasyon, inihahandog ng Pamilya Molina sa kauna-unahang pagkakataon ang Pabasa ng Pasyong Mahal ng ating Panginoong Hesukristo bilang bahagi ng paggunita sa mapanalanging panahon ng Kwaresma at paghahanda sa mga Mahal na Araw.

Ating sama-samang pagnilayan ang mga hirap, sakit at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo at makiisa sa mga hapis at dalamhati ng ating Mahal na Ina, ang namimighating Birhen ng Soledad ng Porta Vaga sa pamamagitan ng pag-awit ng Pasyong Mahal. Bilang gabay, narito ang talaan ng mga nakatakdang gawain kaugnay ng nasabing pabasa:

Ika – 14 ng Marso, 2026
Tahanan ng Pamilya Molina
767, Kalye A. Mabini, Caridad, Lungsod ng Cavite

5:00 N. U - Rosario Español
5:30 N. U - Palagiang Pagnonobena sa Mahal na Birhen ng Soledad ng Porta Vaga
6:00 N. U. - Pagbubukas ng Pabasa
11:00 N. U - Pagdiriwang ng Banal na Misa
Tagapagdiwang: Reb. Pd. Julius James T. Tinapao, OAR
Katuwang na Direktor ng Campus Ministry Office ng San Sebastian College - Recoletos de Cavite
Sa pag-awit ng Coro de San Pedro

Ito ay bukas sa publiko. Maraming Salamat po sa inyong pakikiisa.

ITE AD IOSEPH!Ang kaayusan ng luklukan ng Mahal na Poong San Jose na nakadambana sa kapilya ng St. Joseph College para s...
08/03/2026

ITE AD IOSEPH!

Ang kaayusan ng luklukan ng Mahal na Poong San Jose na nakadambana sa kapilya ng St. Joseph College para sa pagsisimula ng pagsisiyam sa kanyang karangalan at pagdiriwang ng kanyang Dakilang Kapistahan sa ika –19 ng Marso.

Sama-sama nating ipagdiwang ang kabanalan at kalinisan ng amang San Jose bilang Patron ng Pandaigdigang Simbahan. Sa halimbawa ng kanyang buhay, maging inspirasyon natin ito upang maging huwaran ng ating sarili at ng ating kapwa. Ilapit nawa niya sa kanyang Anak na si Hesus at sa Mahal na Birheng Maria ang ating mga pagsamo at dalangin upang katulad niya, makasama tayo ng Diyos sa kaluwalhatiang walang-hanggan at pagkalooban ng magandang kamatayan.

San Jose, Patron ng Pandaigdigang Simbahan at Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birheng Maria, Ipanalangin mo kami.

27/02/2026

Roman Catholic Diocese of Imus - San Antonio de Padua Parish - Cavite City

MOTORCADE AT ASALTO

14 PEBRERO 2026

Motorcade at Asalto Karakol sa karangalan ng ating Patrong si San Antonio de Padua, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ginintuang Hubileyo ng ating Parokya.

Sa biyaya ng Ginintuang Hubileyo, kaisa si San Antonio de Padua, tunay ngang ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay at ito ang ating ikinatutuwa at ipinagpapasalamat!
---------------------------------
𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪, 𝗟𝗜𝗞𝗘, 𝗦𝗛𝗔𝗥𝗘 and 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗖𝗥𝗜𝗕𝗘:
Tiktok: .kabitenyo
Youtube: Caviteño https://youtube.com/?si=s0cOIv6isXCeI53B

𝐏𝐀𝐆𝐃𝐈𝐑𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐒𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓Mga kuhang larawan mula sa Banal na Misa Concelebrada na pinangunahan ng ating katuwang sa pan...
15/02/2026

𝐏𝐀𝐆𝐃𝐈𝐑𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐒𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓

Mga kuhang larawan mula sa Banal na Misa Concelebrada na pinangunahan ng ating katuwang sa pananampalataya, ang 𝐋𝐮𝐛𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠-𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐲𝐧𝐚𝐥𝐝𝐨 𝐆. 𝐄𝐯𝐚𝐧𝐠𝐞𝐥𝐢𝐬𝐭𝐚, 𝐃.𝐃., 𝐎𝐛𝐢𝐬𝐩𝐨 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬𝐞𝐬𝐢𝐬 𝐧𝐠 𝐈𝐦𝐮𝐬. Kasunod nito ay ang 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐞𝐬𝐢ó𝐧 𝐞𝐧 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐝𝐞 𝐞𝐧 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫 𝐝𝐞 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨 𝐝𝐞 𝐏𝐚𝐝𝐮𝐚 na nilahukan ng iba’t ibang samahan, deboto, at mga parokya mula sa 𝐒𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠, 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐠𝐨𝐧𝐝𝐨𝐧, at 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚.

San Antonio de Padua, Ipanalangin mo kami.

¡Viva San Antonio de Padua!

---------------------------------
𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪, 𝗟𝗜𝗞𝗘, 𝗦𝗛𝗔𝗥𝗘 and 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗖𝗥𝗜𝗕𝗘:
Tiktok: .kabitenyo
Youtube: Caviteño https://youtube.com/?si=s0cOIv6isXCeI53B

𝑺𝑨𝑲𝑺𝑰𝑯𝑨𝑵Ilang mga kuhang larawan mula sa makasaysayan at banal na pagbisita ng orihinal at mapaghimalang imahe ni 𝙎𝙖𝙣 𝘼𝙣...
15/02/2026

𝑺𝑨𝑲𝑺𝑰𝑯𝑨𝑵

Ilang mga kuhang larawan mula sa makasaysayan at banal na pagbisita ng orihinal at mapaghimalang imahe ni 𝙎𝙖𝙣 𝘼𝙣𝙩𝙤𝙣𝙞𝙤 𝙙𝙚 𝙋𝙖𝙙𝙪𝙖 ng 𝐏𝐨𝐨𝐜, 𝐒𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 at 𝙎𝙖𝙣 𝘼𝙣𝙩𝙤𝙣𝙞𝙤 𝙙𝙚 𝙋𝙖𝙙𝙪𝙖 ng 𝐁𝐮𝐤𝐚𝐥, 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐠𝐨𝐧𝐝𝐨𝐧.

¡Viva San Antonio de Padua!

---------------------------------
𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪, 𝗟𝗜𝗞𝗘, 𝗦𝗛𝗔𝗥𝗘 and 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗖𝗥𝗜𝗕𝗘:
Tiktok: .kabitenyo
Youtube: Caviteño https://youtube.com/?si=s0cOIv6isXCeI53B

𝑴𝑨𝑺𝑫𝑨𝑵Ilan sa mga kuhang larawan ng pagdating ng 𝑴𝒂𝒑𝒂𝒈𝒉𝒊𝒎𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒎𝒂𝒉𝒆 at ng 𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐥𝐚𝐬𝐞𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐥𝐢𝐤𝐲𝐚 ni San Antonio de Padua...
15/02/2026

𝑴𝑨𝑺𝑫𝑨𝑵

Ilan sa mga kuhang larawan ng pagdating ng 𝑴𝒂𝒑𝒂𝒈𝒉𝒊𝒎𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒎𝒂𝒉𝒆 at ng 𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐥𝐚𝐬𝐞𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐥𝐢𝐤𝐲𝐚 ni San Antonio de Padua mula sa Pambansang Dambana at Parokya ni San Antonio de Padua sa 𝑷𝒊𝒍𝒂, 𝑳𝒂𝒈𝒖𝒏𝒂.

¡Viva San Antonio de Padua!

---------------------------------

𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪, 𝗟𝗜𝗞𝗘, 𝗦𝗛𝗔𝗥𝗘 and 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗖𝗥𝗜𝗕𝗘:
Tiktok: .kabitenyo
Youtube: Caviteño https://youtube.com/?si=s0cOIv6isXCeI53B

Roman Catholic Diocese of Imus - San Antonio de Padua Parish - Cavite City MOTORCADE AT ASALTO Ilan sa mga kuhang larawa...
15/02/2026

Roman Catholic Diocese of Imus - San Antonio de Padua Parish - Cavite City

MOTORCADE AT ASALTO

Ilan sa mga kuhang larawan sa naganap na Motorcade at Asalto Karakol sa karangalan ng ating Patrong si San Antonio de Padua, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ginintuang Hubileyo ng ating Parokya.

Sa biyaya ng Ginintuang Hubileyo, kaisa si San Antonio de Padua, tunay ngang ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay at ito ang ating ikinatutuwa at ipinagpapasalamat!

---------------------------------

𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪, 𝗟𝗜𝗞𝗘, 𝗦𝗛𝗔𝗥𝗘 and 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗖𝗥𝗜𝗕𝗘:
Tiktok: .kabitenyo
Youtube: Caviteño https://youtube.com/?si=s0cOIv6isXCeI53B

PATEROS PISTANG BAYAN 2026Ilan sa mga kuhang larawan sa ginanap na taunang Prusisyon ni Santa Marta tuwing Pebrero, mula...
08/02/2026

PATEROS PISTANG BAYAN 2026

Ilan sa mga kuhang larawan sa ginanap na taunang Prusisyon ni Santa Marta tuwing Pebrero, mula sa Dambanang Pandiyosesis ni Sta. Marta, Parokya ni San Roque, patungo sa kanyang tahanan sa Martirez del ’96. Ang Banal na Imahen ay buong pusong inaalagaan at nasa pangangalaga ng Pamilyang Tuazon.

---------------------------------

𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪, 𝗟𝗜𝗞𝗘, 𝗦𝗛𝗔𝗥𝗘 and 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗖𝗥𝗜𝗕𝗘:
Tiktok: .kabitenyo
Youtube: Caviteño https://youtube.com/?si=s0cOIv6isXCeI53B

PRIMER SABADO DEVOCIÓNAyon sa tradisyon ng Simbahan, ang araw ng Sábado ay iniuukol sa Mahal na Birheng Maria. Ang sinau...
06/02/2026

PRIMER SABADO DEVOCIÓN

Ayon sa tradisyon ng Simbahan, ang araw ng Sábado ay iniuukol sa Mahal na Birheng Maria. Ang sinaunang kaugaliang ito ay nalinang dahil sa paniniwala na, habang ang iba ay napuno ng takot at kaligaligan, ang Mahal na Inang Maria, sa kanyang pag-iisa (Soledad) ay nagtanod noong unang 𝗦𝗮́𝗯𝗮𝗱𝗼 de Gloria sa mapanalanging pag-asa sa pagkabuhay na muli ng kanyang Anak na si Jesus. Natitiyak niyang mabubuhay muli ang kanyang Anak. Siya ay lubos at higit na umasa. Ang kanyang pananampalataya ay nakatitiyak. Ang kanyang pagmamahal ay pinapanatili siyang mapagbantay habang hinihintay niya ang pagbabalik ng kanyang Anak.

Sa ating mapanalanging pagdedebosyon tuwing Sábado sa Mahal na Birhen ng Soledad, tayo ay tumutulad sa kanya na bukod na umaasa sa pagdamay ng Diyos, nananampalataya at nagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos at buong-pusong nagmamahal sa Diyos sa kabila ng hirap, kapighatian at kaligaligan na ating nararanasan. Gaya ni , natitiyak natin na darating ang maliwanag na pagtubos ni Kristo na ating Panginoon.

𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐑𝐈𝐋𝐈 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐎𝐋𝐄𝐃𝐀𝐃

O Mahal na Birhen ng Soledad, dahil sa lubos na pagmamahal ni Hesus sa amin, hindi lamang Niya inihandog ang kanyang buhay upang tubusin ang aming mga kasalanan, ipinagkaloob Ka rin Niya sa amin upang aming maging Ina. At kahit na kami ang dahilan ng pagpapakasakit ni Hesus ay inihabilin Niya kami sa Iyo. Nawa kami’y Iyong tanggapin, kalingain at kahit na hindi karapat-dapat ay ituring Mong anak. At dahil sa pagmamahal namin sa Iyo, Mahal na Ina, kung kaya’t mula sa araw na ito ay buong puso’t kapakumbabaan na itinatalaga namin ang aming puso, gawain at buong pagkatao sa Iyo. At dahil sa Kami ay Iyo, aming Ina, turuan Mo kaming laging tumalima sa kalooban ng Diyos at handang sambitin na tulad Mo ang “fiat” bilang pagsasariwa sa mga ipinangako ng kami ay binyagan at upang patuloy na lumalim ang aming pananampalataya, maging matatag ang aming pag-asa at lalong mag-alab ang aming puso sa pagmamahal sa Diyos at kapwa. Mahal na Ina, bilang Iyong anak, lagi rin nawa naming alalahanin ang Iyong tagubilin: “Gawin niyo ang anumang sasabihin Niya sa inyo.”, upang ang abang pagtatalagang ito ay maging mabunga at maging daan upang papurihan at paglingkuran ang Diyos at maging karamay ng aming kapwa. At sa pagsapit ng wakas ng aming paglalakbay sa buhay na ito, ay maging ganap ang pagtatalagang ito sa piling Mo at ni Hesukristong aming Panginoon sa buhay na walang hanggan. Siya nawa.

Mahal na Birhen ng Soledad ng Porta Vaga
Ilaw ng Pilipinas, Ipanalangin mo kami!




---------------------------------

𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪, 𝗟𝗜𝗞𝗘, 𝗦𝗛𝗔𝗥𝗘 and 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗖𝗥𝗜𝗕𝗘:
Tiktok: .kabitenyo
Youtube: Caviteño https://youtube.com/?si=s0cOIv6isXCeI53B

Primer Jueves Devoción en honor a San Roque, Santa María Magdalena, San Agustín de Tanza y San Pedro Apóstol.-----------...
05/02/2026

Primer Jueves Devoción en honor a San Roque, Santa María Magdalena, San Agustín de Tanza y San Pedro Apóstol.

---------------------------------
𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪, 𝗟𝗜𝗞𝗘, 𝗦𝗛𝗔𝗥𝗘 and 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗖𝗥𝗜𝗕𝗘:
Tiktok: .kabitenyo
Youtube: Caviteño https://youtube.com/?si=s0cOIv6isXCeI53B

Diyosesanong Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Candelaria 2 Pebrero 2026Ilan sa mga kuhang larawan sa maringal at...
03/02/2026

Diyosesanong Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Candelaria

2 Pebrero 2026

Ilan sa mga kuhang larawan sa maringal at taimtim na prusisyon bilang pagpupugay sa Nuestra Señora de Candelaria de Silang. Sa katahimikan ng gabi at liwanag ng kandila, sumasalamin ang ating pananampalataya.

---------------------------------

𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪, 𝗟𝗜𝗞𝗘, 𝗦𝗛𝗔𝗥𝗘 and 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗖𝗥𝗜𝗕𝗘:
Tiktok: .kabitenyo
Youtube: Caviteño https://youtube.com/?si=s0cOIv6isXCeI53B

PRIMER MARTES DEVOCIÓN EN HONOR DE SAN ANTONIO DE PADUA+Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. AmenPAGSISIS...
02/02/2026

PRIMER MARTES DEVOCIÓN EN HONOR DE SAN ANTONIO DE PADUA

+Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen

PAGSISISI

Diyos ko at aking lahat, sa Iyo ako sumasampalataya at nananalig na kalianma'y hindi ako mapapahamak; iniibig kita higit sa lahat ng bagay at pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan. Mamatay na muna bago magkasala muli, alisan Mo ako ng buhay bago mahiwalay sa Iyo; at bigyan ako ngayon ng lubos na pagsisisi sa aking mga sala, mga luha upang hugasan ang aking mga dungis; ibuhos Mo sa akin ang lyong pag-ibig at ang pananatili sa paglilingkod sa lyo; mamatay sa akin ang lahat ng bisyo at mabuhay ang tanang kabanalan at tularan ko ang aking maluwalhating tagapag-ampon na si San Antonio de Padua at dahil sa kanyang pamamagitan tulungan Mo ang lahat kong pangangailangan sa katawan at kaluluwa at lalong Ialo na ang hinihingi ko ngayon kung lalong ikaluluwalhati ng Diyos at ikagagaling ng kaluluwa ko. Alang-alang kay Kristong Panginoon namin. Siya nawa,

PANALANGIN KAY SAN ANTONIO SA ANUMANG PANGANGAILANGAN

O maluwalhating San Antonio, lirio ng kalinisan, hiyas at luwalhati ng mga Kristiyano, querubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig sa Diyos. Ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos sa iyo ng Panginoon. Yamang pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain at kapangyarihan, ipinamamanhik namin sa iyo ng buong tiwala at pagpapakumbaba na tulungan mo kami. Tingnan mo ang aming mga hirap at sakit at ang aming takot na baka hindi mailigtas ang kaluluwa namin. Ipinagmamakaamo namin sa iyo, dahil sa pagsintang naranasan mo noong ang matamis na batang Hesus ay lumagay sa iyong mga bisig, na sabihin mo sa Kaniya ang aming mga kailangan.

Isa lamang buntong hininga ng iyong dibdib na hiniligan ni Hesus ay sapat na upang makalunas sa aming kailangan at makapuno ng lugod sa amin. Alalahanin mo kung gaano kalaki ang iyong ligaya noong niyayakap mo Siya sa iyong dibdib, idinidikit sa Kanya ang iyong pisngi, nakikinig sa Kaniyang mga bulong. Isipin mo ang lahat ng ito at pakinggan kami, alang alang sa iyong di masaysay na pag-ibig. Kung ikaw lamang ay makikita namin, aming didiligin ng mga luha ang iyong mga paa, ipagtatapat sa iyo ang aming mga damdamin, mga alinlangan ukol sa aming ikaliligtas. Ngunit hindi ka namin maaaring makita kung kaya't binabati ka namin, O maluwalhating katoto ng Panginoon. Kami ay nangangayupapang itinataas ang aming mga pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo. At naghihintay na sa pamamagitan mo ay ipagkaloob sa amin ng Panginoong namahinga sa iyong mga bisig ang aming mga kahilingan. (Banggitin ang inyong kahilingan) O anghel ng pag-ibig, ibigay mo ang ninanasa namin at aming ilalathala ang kaluwalhatian mo at ipagbubunyi si Hesus na totoong nagmahal sa iyo. Siya nawa.

LITANYA SA KARANGALAN NI SAN ANTONIO DE PADUA

Panginoon, kaawaan mo kami
Kristo, kaawaan mo kami
Panginoon, kaawaan mo kami
Kristo, pakinggan Mo kami
Kristo, paka-pakinggan Mo kami
Diyos Ama sa langit, kaawaan mo kami
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, kaawaan mo kami
Diyos Espiritu Santo, kaawaan mo kami
Santisima Trinidad, Tatlong Persona sa iisang Diyos, kaawaan mo kami
Santa Maria, Ipanalangin Mo kami*
Santa Maria lna ng Diyos*
Santang Birhen ng mga Birhen*
San Antonio De Padua*
San Antonio, luwalhati ng mga Hermana Menor*
San Antonio, lirio ng kapurihan*
San Antonio, hiyas ng kahirapan*
San Antonio, halimbawa ng pagkamasunurin*
San Antonio, salamin ng pagpipigil*
San Antonio, sisidlan ng kalinisan*
San Antonio, tala ng kabanalan*
San Antonio, huwaran ng ugali*
San Antonio, isa sa mga kagandahan ng paraiso*
San Antonio, kaban ng tipan*
San Antonio, taga-ingat ng banal na kasulatan*
San Antonio, taga-aral ng biyaya*
San Antonio, g**o ng katotohanan*
San Antonio, tagapag-paalis ng mga bisyo*
San Antonio, taga-tanim ng mga kabanalan*
San Antonio, tagapag-pasuko ng may maling pananampalataya*
San Antonio, kinatatakutan ng mga taksil*
San Antonio, taga-aliw ng mga nagdadalamhati*
San Antonio, kinatatakutan ng mga demonyo*
San Antonio, sindak ng impiyerno*
San Antonio, taga-gawa ng himala*
San Antonio, taga-sauli ng nawawala*
San Antonio, tulong ng nangangailangan*
San Antonio, taga-taas ng mahihirap na Diyos*

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
lligtas Mo kami Panginoon
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Pakapakinggan Mo po kami Panginoon
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Kaawaan Mo kami Panginoon.

IPANALANGIN MO KAMI MALUWALHATING SAN ANTONIO,
Nang kami'y maging dapat na magtamo ng mga pangako ni Hesukristo

Namumuno: San Antonio ng Padua, luwalhati ng Santa Iglesia at karangalan ng Orden ni San Francisco

Bayan: lpagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.

Namumuno: San Antonio ng Padua, na totoong
pinarangalan ng Niño Hesus

Bayan: lpagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.

MANALANGIN TAYO

Magdulot nawa ng tuwa, O Diyos, sa lyong Iglesia, ang pag-aampon ng Iyong Confesor at Doktor na si San Antonio, upang lagi ng lumakas dahil sa mga tulong sa kaluluwa at maging dapat magkamit ng ligayang walang katapusan. Alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon. Siya nawa

San Antonio de Padua, matapat na alagad ng Sangol na si Hesus
Ipanalangin mo kami.

Ama Namin.... Aba Ginoong Maria.....Luwalhati.

+Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen




---------------------------------

𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪, 𝗟𝗜𝗞𝗘, 𝗦𝗛𝗔𝗥𝗘 and 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗖𝗥𝗜𝗕𝗘:
Tiktok: .kabitenyo
Youtube: Caviteño https://youtube.com/?si=s0cOIv6isXCeI53B

Address

Cavite

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Katolikong Caviteño posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share