Boz Psy

Boz Psy This is the 2nd Page of Boz TV

Photography, Vlogs, Funny Contents, and Features!

Kita ka ana, lawn no? Diha taka ihulog kung magbinuang ka nako!
18/02/2026

Kita ka ana, lawn no? Diha taka ihulog kung magbinuang ka nako!

04/01/2026

Ang gusto ko yung taong willing nang mag settle down, get married, at magpapatayo ng bahay.

Nagbebenta ako ng kabilya at semento.

Advance happy 2029 nalang kasi naubos na ang  #6! 🤭
31/12/2025

Advance happy 2029 nalang kasi naubos na ang #6! 🤭

12/12/2025
Pray for Cebu! 🙏September - LindolOctober - LindolNovember - Bagyo & BahaDecember - Sunog🙏🙏🙏
11/12/2025

Pray for Cebu! 🙏

September - Lindol
October - Lindol
November - Bagyo & Baha
December - Sunog

🙏🙏🙏

Saludo sayo, ate 🫡
10/12/2025

Saludo sayo, ate 🫡

Hageeee! 😂
06/12/2025

Hageeee! 😂

PAHAYAGTUNGKOL SA SUSPENSYON NI REP. BARZAGAAng suspensyon kay Rep. Kiko Barzaga ay bahagi ng sunod-sunod na hakbang par...
03/12/2025

PAHAYAG
TUNGKOL SA SUSPENSYON NI REP. BARZAGA

Ang suspensyon kay Rep. Kiko Barzaga ay bahagi ng sunod-sunod na hakbang para patahimikin ang mga tinig na nagsasalita ng hindi komportableng katotohanan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ang mga kritiko ng pamahalaan ay sinagot ng maparusang aksyon. Sa loob ng wala pang isang taon, nasaksihan natin ang pagdukot sa isang dating Pangulo at ang pagsasampa ng kasong inciting to sedition laban sa ilang indibidwal—kabilang na ako—dahil lamang naglakas-loob kaming kuwestiyunin ang mga nasa kapangyarihan.

Sa isang bansang ipinagmamalaki ang demokrasya, ang pagtutol ay hindi dapat ituring na banta. Ang karapatang magsalita nang malaya ay hindi ipinagkakaloob ng mga nasa kapangyarihan; ito ay isang pangunahing karapatang ginagarantiyahan at pinangangalagaan ng ating mismong Konstitusyon.

Karapatan ito ng bawat Pilipino, lalo na ng mga lingkod-bayan na may tungkuling magsiwalat ng katotohanan. Kaya kung ang isang halal na opisyal tulad ni Cong. Barzaga ay maaaring patahimikin, paano pa ang mga ordinaryong Pilipino na wala namang kapangyarihan o posisyon?

Ang demokrasya ay nangangailangan ng tapang. Ang demokrasya ay nangangailangan ng kalayaang magsalita at kalayaang magtanong.

Ako ay nakikiisa sa bawat Pilipinong tumatangging pahintulutang ma-intimidate.

Shukran.

SARA Z. DUTERTE
Pangalawang Pangulo ng Pilipinas
3 Disyembre 2025

5 CONGRESISTA NA TUMUTOL SA PAGSUSPENDE KAY REP. BARZAGA©️ News 5
02/12/2025

5 CONGRESISTA NA TUMUTOL SA PAGSUSPENDE KAY REP. BARZAGA

©️ News 5

KAWAWA NAMAN YUNG MATANDA, PINAGBIBINTANGAN PA!Ito ang take (opinyon) ko sa nangyari kay Kap. Oscar "Dodong" Bucol Jr., ...
27/11/2025

KAWAWA NAMAN YUNG MATANDA, PINAGBIBINTANGAN PA!

Ito ang take (opinyon) ko sa nangyari kay Kap. Oscar "Dodong" Bucol Jr., na binaril habang naglive sa kanyang Facebook account. Nakikiramay tayo sa pamilya at mga naiwan at sana ay makamit ang hustisya ng kanyang kamatayan.

Naaawa talaga ako kay tatay Ting Derecho kasi pinararatangan at hinuhusgahan siya nang wala namang matibay na basehan. Ang daming haka-haka, ang daming tanong na kesyo ganito, kesyo ganyan, at bigla nilang naconclude na kasabwat daw si tatay ng gunman.

1. “Bakit kay Kapitan niya sinauli, may Police Station naman?”

Bakit, bawal bang isauli kay Kap? At di ba may mga video pa nga si Kap na pinaparangalan ang mga taong nagsasauli ng cellphone at iba pang gamit?
Dahil ba dinala niya kay Kap, automatic kasabwat na siya?
Sinabihan lang naman siya ng mga kilala niya na doon isauli dahil may pabuya.

Nagpost pa nga siya sa account niya na may napulot silang wallet, at nagpost din ang owner na nawawala talaga niya ito.

2. “Bakit daw iba-iba ang statement niya minsan?”

Ikaw kaya ang nasa posisyon niya, iniinterview ng media habang binabatikos ka online. Hindi ka ba kakabahan? Siguradong may halong iyak, kaba, o pagtaas ng BP.

Nagsauli lang siya ng wallet. Maganda ang intensyon niya. Tapos bigla siyang ginawa pang kasabwat?
Hindi lahat ng tao magaling magsalita lalo na sa stressful at nakakatakot na sitwasyon. Matanda pa si tatay, natural na kabahan siya.

3. “May picture daw na may lechon at kasama daw si tatay at yung lalaking may ID.”

Ang layo! Yung nasa picture panot, si tatay hindi naman. Bakit ba pati kung anu-anong litrato hinihila para lang madiin si tatay?

4. “May hand signals daw siya, baka hudyat sa gunman?”

Imbestigador ka ba? Sigurado ka bang hand signal yun? Naka-try ka na? Kakapanood mo ng TV, lahat na lang parang conspiracy.

5. “Bakit sinabi ni tatay na magkaibigan sila ni Kap, e hindi naman daw siya kilala?”

Pagpasok ni tatay, nagpakilala siya na dati siyang welder nila. Siyempre, hindi na maalala ni Kap dahil ang dami na niyang nakikilala. Pero si tatay, naaalala si Kap dahil siya mismo ang nakausap nito noon.

Sinabi niya na “magkaibigan” sila para ipakitang wala siyang masamang intensyon at para i-debunk yung mga bintang sa kanya.

Hindi niyo maiintindihan yan kung hindi pa kayo naranasang pagbintangan nang ganito kabigat.

6. “Bakit pink ang wallet? Pambabae. Pero lalake ang owner?”

Bakit bawal ba? Kasalanan ba yun?
Hindi ba pwedeng wallet ng asawa ang gamit? Automatic kriminal na?

7. “Bakit sa tagong bulsa nilagay ang pera, hindi sa main slot?”

Anong pakialam nyo? May batas ba tungkol diyan? Pwede namang doon talaga niya nilalagay for safety. Hindi lahat ng tao pare-pareho ng style sa paglalagay ng gamit.

Bakit ba ang hilig niyong pag-initan si tatay?
Hindi ba pwedeng ang suspek, barilin si Kap kahit wala si tatay, e open area naman.

Kahit wala si tatay, posibleng mangyari ang pamamaril.
So bakit si tatay ang dinidiin?

Nagsauli lang siya ng wallet. Nagmagandang-loob pa. Tapos siya pa ang ginawang suspek? Ang daming “expert” bigla sa social media!

Again. Nakikiramay tayo sa pamilya ni Kap at sa kanyang mga constituents. Sana mahuli na ang mga tunay na suspek at makamit ang hustisya.

At sana, maging fair din tayo. Huwag agad nating husgahan ang tao dahil hindi natin alam kung gaano kabigat sa kalooban ang ganyan lalo na't wala namang basehan. Maraming mahal sa buhay nila ang nadadamay.

Hindi madali kapag ikaw ang binabato ng bintang ng mga taong walang alam sa tunay mong buhay.

Let's spread fairness, love and kindness!

25/11/2025

Address

Mandaue
Cebu City
6014

Telephone

+639060569168

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Boz Psy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share